Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Romnick Sarmenta in a relationship with Barbara Ruaro?

by Rachelle Siazon
Jun 11, 2020
Netizens point out clues that actor Romnick Sarmenta's rumored girlfriend is actress Barbara Ruaro. In a recent exchange of Facebook comments, Barbara calls Romnick "my Nicko."
PHOTO/S: @nicksarmenta / @bieruaro Instagram

Girlfriend nga ba ni Romnick Sarmenta si Barbara Ruaro?

Ito ang tanong ng netizens na napuna ang pagkakapareho ng sweet posts sa Instagram nina Romnick at Barbara.

Si Romnick ay '90s matinee idol na napapanood sa ABS-CBN primetime series na FPJ's Ang Probinsyano.

Si Barbara ay indie actress na kabilang sa cast ng iWant digital series na Tapes (2020) at Past, Present, Perfect (2019).

May dalawang episodes na lumabas si Romnick sa Past, Present, Perfect.

Noong June 5, nagpahiwatig si Romnick tungkol sa babaeng nagpapatibok ng kanyang puso.

Nag-post siya sa Instagram ng litrato ng babaeng may hawak na bouquet of red roses.

Tila si Romnick din ang may-akda ng sweet poem na inalay niya para sa kanyang special someone.

Sabi rito: "K A

"Kakampi sa kahit anong laban

"Kaibigan sa lahat ng oras

"Kahati sa lahat ng bagay

"Kasama sa buhay

"Sa lahat ng araw

"Pipiliin ka."


Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Hindi kita ang buong mukha ng babae, maliban sa lower part ng face nito.

Sa comments section, isang netizen ang pumansin kung bakit "no face" ang babae sa litrato.

Sagot ni Romnick kalakip ng smile emoji, "makikilala nyo rin po."

Pero kahit hindi tuwirang pinangalanan ni Romnick kung sino ang nasa litrato, kapansin-pansing nag-comment si Barbara ng isang simpleng heart emoji.

Continue reading below ↓

Heart emoji rin ang sinagot ni Romnick.


MATCHING POSTS OF BARBARA AND ROMNICK

Hindi ito nakaligtas sa mapanuring netizens na nagsabing mayroong kaparehong litrato na ipinost si Barbara sa Instagram account nito.

Sabi ng commenter, "tingin ko po so si @bieruaro...

"Haaha ayun sa nunal sa upper lip at sa dibdib."

Continue reading below ↓


Noong ngang May 19, may litrato si Barbara na may hawak na bouquet of red roses.

Kilig na caption ni Barbara, "Thank you, N. You make my heart swell."


Continue reading below ↓

"N" ang initial ng nickname ni Romnick na ang Instagram handle ay @nicksarmenta.

Makikita rin sa bio niya ang kanyang pangalan na Nick Sarmenta Tejedor.

Ang buong pangalan ni Romnick sa tunay na buhay ay Romeo Nicolas Sarmenta Tejedor.

Nag-match naman ang tattoo sa right forearm ni Barbara na kita rin sa Instagram post ni Romnick nitong June 6.

HOT STORIES

MORE SWEET GESTURES

Tila low-key lang sina Romnick at Barbara sa hinihinalang espesyal nilang ugnayan.

Madalas silang mag-like at magpalitan ng heart emojis sa kani-kanilang Instagram account. Pero wala pa silang ipinapakitang litrato na magkasama sila.

Pero lumalabas na pareho silang inspirado.

Nitong Miyerkules, June 10, muling nakatanggap si Barbara ng bouquet of flowers.

Ipinakita iyon ng aktres sa kanyang Instagram Story na may written text na, "Thank you, Nicko. You warm this little pixie's heart."

Continue reading below ↓

Noong June 3, nakatanggap din si Barbara ng love note mula sa kanyang special someone na may initial na "N."

Sabi sa note, "B / Joy and Light / Love and Peace / All these you bring / I love you."

"MY NICKO"

Kumpirmadong si Romnick ang tinutukoy na "Nicko" ni Barbara.

Continue reading below ↓

Noong Linggo, June 7, nag-post si Barbara sa Facebook ng litrato na sumisimbolo sa kanyang pakikiisa sa mga kababaihang nakaranas ng harassment.

Caption ni Barbara, "For all the Marinas — beyond race, religion, and gender. I stand with you."

Tila bahagi ito ng advocacy ni Barbara.

Noong September 2019 ay isinapubliko ng aktres ang dinanas niya diumanong "domestic violence" sa kamay ng taong "I loved and cared for deeply."

Kumawala rin umano siya sa "psychological manipulation" na ginawa ng kanyang "abuser" sa loob ng isang taon.

Sa comments section ng June 7 Facebook post ni Barbara, nag-iwan ng mensahe si Romnick.

Aniya, "Very very proud of your Barbara Ruaro always."

Gamit ng aktor ang Facebook account na Nick Sarmenta Tejedor.

Sweet ang reply ni Barbara, "Thank you, my Nicko."

Nagpadala naman ng hug emoji ang aktor kay Barbara.


Continue reading below ↓

Si Barbara ay dating nakarelasyon ng Eraserheads guitarist na si Marcus Adoro.

Bandang October 2018 naman nang maghiwalay si Romnick at asawang si Harlene Bautista matapos ang 19 years of marriage.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens point out clues that actor Romnick Sarmenta's rumored girlfriend is actress Barbara Ruaro. In a recent exchange of Facebook comments, Barbara calls Romnick "my Nicko."
PHOTO/S: @nicksarmenta / @bieruaro Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results