Andi Eigenmann reveals reason for buying balde

by Arniel C. Serato
Jun 11, 2020
Andi Eigenmann: "I just really needed the balde to store my black rice in and keep it from getting molds and bugs.”
PHOTO/S: Courtesy: @andieigengirl on Instagram / CONTESSA AUBREA PARAICO – CARNAJE ON FACEBOOK

Naging trending topic ang viral photo ni Andi Eigenmann kung saan nakasakay siya sa motorsiklong minamaneho ng kanyang partner na si Philmar Alipayo.

Agaw-pansin kasi ang malaking baldeng hawak niya habang naka-back ride sa motorsiklo.

Kuha ang nasabing larawan ng isang netizen sa Siargao.

Marami ang natuwa sa larawan ni Andi dahil hindi nito alintana ang kanyang celebrity status.

Nakarating naman ang balitang ito sa kapatid ng aktres na si Stevie Eigenmann.

Ibinahagi ni Stevie sa kanyang Instagram Stories kahapon, June 10, ang screenshot ng isang report tungkol sa viral photo ni Andi.

Nakalagay sa kanyang post: “HAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAH. abscbn lightening the mood in the middle of consistently depressing news.

“da best. @andieigengirl

“S/O TO MY SISTER AND HER BALDE.”

Ang ibig sabihin ng "S/O" ay shoutout.

Continue reading below ↓

Ipinost naman ni Andi ang screenshot ng post ni Stevie sa kanyang IG Stories.

Dito ay sinabi ng aktres ang dahilan kung bakit siya bumili ng balde.

Aniya, “Oh man. I just really needed the balde to store my black rice in and keep it from getting molds and bugs!!”

Continue reading below ↓

Sina Andi at Stevie ay magkapatid sa ama, ang yumaong aktor na si Mark Gil.

Si Andi ay anak ni Mark sa aktres na si Jaclyn Jose, habang si Stevie ay anak ng aktor sa asawa nitong si Maricar Jacinto.

HOT STORIES

THE VIRAL PHOTO

June 7 nang ipinost ni Contessa Aubrea Paraico–Carnaje sa kanyang Facebook account ang kuha niyang larawan nina Andi at Philmar.

Ginawa raw niya ito dahil labis siyang humanga sa pagiging simple ngayon ni Andi kahit nag-aartista pa rin ito.

Kahit tila “haggard” daw si Andi sa pag-backride sa motor at may hawak na malaking balde, “gorg and classy” pa rin daw ang aktres.

Nakalagay sa kanyang caption: “Saw Andi here in Siargao last week and wala sya keyme kag arte magdala sang large water tub while nakaangkas sa motor kasama hubby nya.

“Still gorg and classy bisan indi magporma! “SimpleLife #IslandGirl.”

Continue reading below ↓

Sa ngayon, mayroon na itong 95,000 likes at 53,000 shares.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andi Eigenmann: "I just really needed the balde to store my black rice in and keep it from getting molds and bugs.”
PHOTO/S: Courtesy: @andieigengirl on Instagram / CONTESSA AUBREA PARAICO – CARNAJE ON FACEBOOK
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results