Richard Gomez on fair share of misunderstandings with wife Lucy Torres: "Not all days are good."

by Bernie V. Franco
Jun 11, 2020
richard gomez lucy torres smile
How Richard Gomez knew that Lucy Torres was "The One": "You know when people say, ‘You know that she is the one…’ That’s the feeling... I constantly remind her how much I love her and how happy I am with her."
PHOTO/S: @richardgomezinstagram on Instagram

Nagkuwento si Ormoc City Mayor Richard Gomez, 54, tungkol sa pagsasama nila ni Leyte Fourth District Representative Lucy Torres, 45.

Noong Abril 28, ipinagdiwang ng mag-asawa ang kanilang 22nd anniversary.

Pero paglilinaw ng actor-turned-politician, hindi sa lahat ng oras ay masaya ang kanilang pagsasama.

"Not all days are good. Siyempre, minsan may mga tampo-tampo ‘yon," saad ng alkalde.

Pero kapag mayroon daw silang hindi pagkakaunawaan ni Lucy, tinitiyak ni Richard na maayos ang gusot bago matapos ang araw.

"I just want to make sure before we go to sleep, things are settled already."

Sinisigurado rin daw ni Richard na lagi niyang ipinaparamdam ang kanyang pagmamahal kay Lucy.

"There are days na, even without any occasions, I would buy flowers pag meron akong nakitang ibinebentang flowers in the street.

"I do that. I stop and buy flowers for her.

"I constantly remind her how much I love her and how happy I am with her."

Continue reading below ↓

Paalala ni Richard: "I think it’s very important that you express your feelings toward each other.”

ON MARRYING "THE ONE"

Nakapanayam si Richard sa Facebook Live ng RX 93.1 FM radio station noong June 5.

Dito ay inusisa ang actor-politician kung paano niya natiyak na si Lucy na ang "The One."

"You know, when people say, 'You know that she is the one…' That’s the feeling.

"And I said, 'Yeah, I know that she was the one.'

"Up until now, we’re still happily married.

"We just celebrated our 22nd anniversary.”

Nagkakilala sina Richard at Lucy nang magkatrabaho sila sa TV commercial para sa isang shampoo brand noong mid-‘90s.

At sa loob ng dalawang taon, limang beses silang nagkapareha sa paggawa ng commercial series ng naturang brand.

Bandang October 1997, napasagot ni Richard si Lucy.

Pagkatapos lang ng dalawang buwan, nag-propose na ang aktor.

Nangyari ito sa mismong kaarawan ni Lucy noong December 11, 1997.

Continue reading below ↓

Ikinasal sila noong April 28, 1998.

Biniyayaan sila ng isang anak—si Juliana, 19.

HOT STORIES

RICHARD GOMEZ ASKED ABOUT JEALOUSY

Sa loob ng 22 taon, hindi raw isyu ang selosan pagdating sa kanilang buhay mag-asawa.

Kuwento ni Richard, "Hindi selosa si Lucy, e.

"That’s why siguro it’s very easy for me, especially in my days, when I shoot a movie or when I do films with my leading ladies."

Ni hindi raw pinagselosan ni Lucy ang ex-girlfriend niyang si Dawn Zulueta.

Dugtong ni Richard: "Like, for example, I’d do movies with Dawn, you know, Dawn was my girlfriend for a while.

"And then, years back, we were doing a TV show together."

Sina Richard at Dawn ay reel-and-real-life sweethearts noong '90s.

Muli silang nagkatrabaho sa ABS-CBN primetime series na You’re My Home, na umere mula November 9, 2015 hanggang March 23, 2016.

Nagtambal din sila sa pelikulang The Love Affair, na ipinalabas noong August 2015.

Continue reading below ↓

Isa pang ex-girlfriend ni Richard na nakatrabaho ni Richard ay si Sharon Cuneta.

Nagtambal sila sa pelikulang Three Words to Forever noong 2018.

Pagpapatuloy ni Richard, "When I did a movie two years ago, here, actually we shot the movie here in Ormoc with Sharon Cuneta."

Tukoy ng aktor sa asawang si Lucy, "She doesn’t get jealous.

"I think that’s the thing that makes it easy for us.

"Ang hirap kasi kapag selosa yung wife or yung girlfriend, ang hirap talaga.

"That’s when you start hiding things.

"That’s the time when you start going somewhere kasi alam mo selosa yung girlfriend, or yung asawa mo, nagtatago ka lagi…"

richard lucy hug

Continue reading below ↓

Bago naging sila ni Lucy, naalala pa ni Richard na nagkaroon siya ng karelasyon na sobrang selosa.

Aniya, "That happened to me. It’s hard.

"There’s always discussion, there’s always argument.

"Ang hirap talaga. It’s very seldom that you find somebody na hindi selosa.

"But selosa naman is not at all bad."

OPEN COMMUNICATION IS THE KEY

Malaki raw ang papel ng komunikasyon sa matiwasay na pagsasama nila ni Lucy.

Ganadong kuwento pa rin ni Richard, "We really have an open communication and we really talk about things.

"We love to travel together, we hold hands a lot, we hug and kiss a lot.

"We always say ‘I love you’ to each other every day, especially before we go to sleep."

Wala rin daw lihiman sa pagitan nila.

"We get to talk about anything, walang secrets."

Pero ulit ng aktor, hindi rin naman puro saya lang ang pagsasama nila ni Lucy.

Continue reading below ↓

"There are days that are not good, and we still talk about it.

"But more than that, what’s nice about me and Lucy is that we get to plan things, we get to work things out, and we work together."

Dagdag pa raw dito ang close relationship nila ng asawa sa only child nilang si Juliana.

"Siguro that’s what keeps us strong and alive, with Juliana there.

"Juliana is such a funny person. She makes us laugh all the time.

"That’s what makes us happy."

Sa huli, iginiit ni Richard ang kahalagahan ng komunikasyon sa pagsasama.

"It’s really very important to have a good communication.

"Hindi pwedeng walang communication. Hindi pwede talaga...

"It’s not gonna work without good communication.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
How Richard Gomez knew that Lucy Torres was "The One": "You know when people say, ‘You know that she is the one…’ That’s the feeling... I constantly remind her how much I love her and how happy I am with her."
PHOTO/S: @richardgomezinstagram on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results