Pinky Amador reveals admin employees filed a barangay complaint against her

by Gorgy Rula
Jun 11, 2020
Actress Pinky Amador gives detailed account of events leading to her outrage versus admin employees at the condotel where she lives in.
PHOTO/S: @pinkyamador Instagram

Idinetalye ni Pinky Amador ang buong pangyayari sa tinutuluyang condotel sa Makati na dahilan ng kinasangkutan niyang eskandalo.

Noong June 5, nag-viral ang video kunsaan napanood ang pagwawala at pagmumura ni Pinky sa admin employees ng condotel.

Eksklusibong nakapanayam si Pinky sa radio program na Showbiz Talk Ganern! sa DZRH noong Miyerkules, June 10.

Dito niya inilahad na seryosong bagay para sa kanya ang COVID-19 pandemic.

Ayon kay Pinky, mula nang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine noong March 15 ay mahigpit niyang sinunod ang protocol na manatili sa kanyang tirahan.

Gayundin daw ang mga kapwa niya residente sa condotel.

Nagsimula raw ito nang may isang babaeng residente ang pumanaw nang hindi nila nalalaman ang dahilan.

Lahad ni Pinky: "Nagsimula ang pagkabahala namin dahil ang dalawa ko pong kapitbahay—this is two weeks into the lockdown—na-witness po nila na may pinuproseso ang pulis sa baba.

"Kasi po, may nakatira ritong babae… pumanaw sa building.

Continue reading below ↓

"Siyempre, naka-lockdown, mababahala ka.

"Tumawag ako ng admin. Ang sabi sa akin, negative naman daw po.

"Pero wala namang ipinakita sa amin na kahit ano."

Dito raw unang nadismaya si Pinky dahil sa kawalan ng "transparency" ng condotel admin sa mga nangyayaring sitwasyon sa kanilang lugar.

"Ang importante po dun, wala pong transparency. Wala po yung reporting. Wala po yung mga kailangan mong malaman.

"Kasi bahay mo ito. Hindi ito opisina na puwede mong iwanan.

"Siyempre, nakakapraning dahil sa panahon ng pandemya, [mahalaga na] meron kang tamang impormasyon."

HOT STORIES

"QUARANTINE FACILITY" AT CONDOTEL

Lalong lumala ang sitwasyon nang dumating na ang "59" Overseas Filpino Workers (OFWs) na tinanggap sa condotel.

Ipinaliwanag ni Pinky na bahagi ng tinitirhan niyang building ay hotel. Pero marami rin daw silang residente roon, kaya naging condotel ito.

Labing-walong taon nang naninirahan doon ang aktres. Nirentahan daw muna niya ito ng sampung taon, bago niya ito nabili.

Continue reading below ↓

Noong May 4, nasaksihan daw ng ibang residente ng condotel ang pagdating ng OFWs, na hinatid ng bus ng Overseas Workers Welfare Association (OWWA).

Wala raw pasabi mula sa kanilang local government unit sa Makati at maski sa mismong pamunuan ng building.

"So, heto na po. Pagdating po nung May 4, tumanggap po kami ng 59 returning Filipinos.

"Subalit wala pong naibigay sa amin na paalam o notice, wala. Basta nagulantang na lang kami.

"Nagulantang yung mga kapitbahay ko, kasi nakita nila na merong bus ng OWWA, tapos kasama po yung LGU at saka yung ahensiya po na nagdala sa kanila dito."

Ang tanging hinihingi raw ni Pinky at iba pang residente ay notice mula sa admin ng kanilang condotel.

"Para sa akin, wala namang problema dun kasi condotel nga kami, hotel din, di ba?

"Sa dinami-dami nating umuwing kababayan, siyempre kailangan natin silang tulungan.

"Ang sa akin lang, ipaalam mo lang sa amin na tumatanggap kayo para mag-iingat kaming lahat, kasi marami nga ritong high-risk, di ba?"

Continue reading below ↓

Marami raw residente sa lugar ang naglabas ng hinaing kay Pinky.

“Ayun na. Nagtatawagan na yung mga kapitbahay.

"Yung iba umiiyak sa akin dahil may mga bata, hindi na alam ang gagawin. Medyo nakakapraning na.

"Isa-isa po kami, tumatawag kami sa baba, nagti-text kami.

"Yung isa kong kapitbahay, tatlong beses bumaba sa Admin.

"'Oo' sila nang 'oo,' pero wala naman kaming natatanggap."

Sana man lang daw ay nagkaroon ng ugnayan sa hotel admin na tumanggap sa repatriated OFWs at sa condotel admin na may responsibilidad sa kanilang mga residente roon.

"Ang problema kasi nun, ang tumanggap dun sa returning Filipinos is hotel.

"E, kami naman po ay nasa condo.

"E, kanino ba kami lumapit? Hindi naman kami puwedeng lumapit sa hotel dahil hindi naman kami ang nagri-rent sa kanila.

"Dapat ang admin namin ang makipag-coordinate sa kanila."

INCOMPLETE HEALTH DOCUMENTS OF THE OFWS?

Napag-alaman daw ni Pinky at ng ibang residente na ang dalang papeles ng OFWs, na nagpapatunay na sila ay COVID-free, ay may petsang April 6.

Continue reading below ↓

Pero hindi raw nila masiguro kung mula April 6 hanggang sa nang dumating ang mga ito sa condotel noong May 4 ay COVID-free pa rin ang mga ito.

Paliwanag ni Pinky: "Nabahala kami, kasi unang-una, nasa batas po 'yan, kailangan po ipaalam.

"Kahit may hawak silang papeles or what, kailangan kami ay alagaan din nila.

"Ang problem din po diyan, kasi nung dumating sila dito, ang hawak nilang dokumento is, if I’m not mistaken, is Carousel Cruises, na nagsasaad dun na ilan po yung pauuwiin na i-repatriate po nila na nagtatrabaho sa barko.

"Kumpleto po yun, yung contact tracing, kung sino ba ang nagkasakit, kumpleto po yun.

"Ang problema is only until April 6. E, May 4 na sila dumating.

"So, wala rin po kaming nalalaman."

Nakadagdag pa raw sa pangamba nila ang hindi paglabas ng memo o circular na nagsasabing may 59 OFWS na sasailalim sa quarantine sa kanilang condotel.

Continue reading below ↓

Kuwento pa ni Pinky, may nakasabay siya sa elevator na dalawang katao na may dalang tigdalawang maleta, at halata raw na kararating lang sa condotel.

Kung may notice daw ang condotel, sana ay nakaiwas si Pinky sa mga dumating na OFWs for safety purposes.

"Sa elevator po kasi namin, meron kaming access card. Hindi iilaw kung wala kang access.

"Ang nakakabahala po dun, ang alam po namin dun sila nakatira sa 6th, 9th, and 20th floor.

"Pero nakita po dun sa elevator, nakalagay po dun ang cardboard, nakalagay 'for repair.'"

Dugtong ni Pinky: "So, lalo kaming nabahala, para bang nililihis talaga nila.

"Ano ba namang sabihing, 'Please don’t access, or meron tayong naka-quarantine diyan.'

"Wala naman tayong problema. Nasa batas naman iyan. Willing naman tayong sumunod."

REQUEST FOR NOTICE FROM CONDOTEL

Ayon kay Pinky, hindi rin nagtagal sa condotel ang repatriated OFWs.

Dumating ang mga ito ng May 4, pero umalis din ng May 6.

Continue reading below ↓

Sa loob ng mga araw na iyon ay nangulit daw ang mga residente na maglabas ang condotel admin ng notice na makikita ng lahat para makapag-ingat sila.

Pero si Pinky lang daw ang pinadalhan ng kopya ng circular noong May 15.

"Tapos dumating yung circular, na andun na nakasaad dun na tumanggap sila ng tao. Na actually nakalagay dun, 30 lang, pero 59 sila. Hayaan na natin yun.

"Nakalagay po dun yung batas na puwede silang i-fine kung hindi sila tatanggap. Tapos iingatan daw nila kami.

"Pero nung time na yun, ako lang ang in-email nila. Mag-isa lang.

"Sabi ko, 'It’s not for me.' Kasi alam ko na, e.

"Paano yung mga kapitbahay kong nakakulong? Paano na sila?"

Lahad pa rin ni Pinky: "Kailangan lang namin malaman na tumatanggap sila. Ganun lang kasimple yun.

"So, nagtataka ako… So, ayan, natanggap ko na ng May 15.

"Ibinalita ko na sa mga kapitbahay ko. Ako na ang nag-forward na, 'Ayan na, meron na tayong kasulatan.'

Continue reading below ↓

"Every day, tinatawagan namin, nire-remind namin, tini-text namin.

"Nakakasalubong ko pa yung admin namin. 'Yes, Ma'am. Yes, Ma'am, gagawin namin.'

"Everyday reminder, every day, wala."

THE CURSING INCIDENT

Hanggang sa noong May 22, nangyari ang insidenteng pagwawala at pagmumura ni Pinky nang makausap ang admin employees ng condotel.

May nakita raw si Pinky na notice, sa basement ng condotel, na tumatanggap ang kanilang condotel ng mga taong sasailalim sa quarantine.

"Paalis ako nun, bumaba ako ng basement. Bigla na lang nakita ko, may nakapaskil dun.

"Pero yung nakapaskil dun ay isang impormasyon galing DOH, na sinasabing certified ang Makati Palace para makatanggap..."

Ang Department of Health (DOH) ay isa sa mga sangay ng gobyernong namamahala sa libu-libong OFWs na umuwi ng Pilipinas dahil sa COVID-19 pandemic.

Dismayado raw si Pinky dahil wala pa ring malawakang notice sa mga residente na may ganito palang development sa kanilang lugar.

Kaya raw kinumpronta na ni Pinky ang mga empleyadong tumatao sa admin office.

Continue reading below ↓

"Ang sabi ko, 'Saan na yung ipinaglalaban kong katagal-tagal? Bakit parang nililinlang kami?'

"Ano ba namang sabihin na may pumasok at may umalis, wala namang problema dun, di ba?

"Nasa batas naman yun. Naingatan naman yun."

Hindi raw maintindihan ni Pinky kung bakit walang kumikilos sa admin officers ng tinitirhan niyang condotel.

Hindi malinaw kung bakit mga empleyado lang ng opisina ang humarap sa kanya, at walang officer na agad namagitan noong mga oras na iyon.

"Dun na ako pumutok kasi parang ginawa ko na yung trabaho nila, e.

"Ako na yung tumawag sa Bureau of Quarantine. Ako yung tumawag sa manning agency. Ako na mismo ang tumawag sa mismong may-ari ng hotel.

"Alam mo yung para kaming helpless. Wala kaming katuwang, wala kaming katulong.

"Kasi, di ba, dapat sa panahong ganito, kami-kami ang nagtutulungan?

"Dapat pinagkakatiwalaan namin yung administrasyon dito sa building.

"Importante yung tiwala lalo na sa panahon na ito."

Continue reading below ↓

Hanggang sa hindi na napigilan ni Pinky ang magalit nang tuluyan.

“Hindi ko talaga maintindihan bakit nila ginagawa ito.

"Pumasok na po ako ng admin office nila. Sabi ko, 'Bakit ayaw niyong gawin?'

"Kasi hindi naman ganun ang pakikitungo sa akin ng admin, e.

"Maayos naman yung magtatanong ka, sasagot. O kaya, 'Ma'am, sandali lang, may ginagawa lang.'

"Eto, nagtataka ako na parang hindi ako pinapansin. Parang deadma lang."

Pakiramdam daw ni Pinky ay sinadya ng admin employees na mapikon siya.

"They were obviously provoking me. Yung hindi ako pinapansin, nakatingin sa telepono.

"Yun pala, nagbi-video na sila ng secret video.

"So, ang pakiramdam ko po, inudyok nila akong mapikon, magalit.

"Alam mo yung nag-e-explain ka, walang nakikinig sa 'yo, kaharap mo."

Hanggang sa sumabog na nga si Pinky at nag-eskandalo sa opisina ng condotel.

Huli na nang nalaman niyang nakunan ng video ang buong pangyayari.

Pero reklamo ni Pinky, bakit daw yung pagwawala at pagmumura lang niya ang ikinalat at hindi ipinakita ang pinagmulan ng galit niya.

Continue reading below ↓

"SUMMONS FROM THE BARANGAY"

Nagulat na lang daw si Pinky nang umabot sa barangay ang insidente sangkot ang admin employees ng condotel.

June 5 nang makatanggap siya ng sulat na pinatatawag siya sa tanggapan ng barangay nila sa Makati.

Lahad ni Pinky: "The way I discovered it, pinadalhan ako ng summons from the barangay. Pinapapunta po ako ng barangay itong June 5.

"Nagulat ako, 'Bakit po?'

"Ang sumampa ng complaint sa akin ay yung dalawang babaeng kausap ko, yung nag-video.

"Nung gabi na, nakatanggap na ako ng hate text.

"Tapos may mga threats na ang sabi, 'Maghintay-hintay ka lang, magba-viral ka na.'

"Hindi ko alam na may nagbi-video sa akin. Nakakapagtaka, bakit ako bini-video, e, may CCTV naman yung kuwarto."

Napag-alaman daw ni Pinky na tatlo ang nakuhang video sa kanya na ipinakalat umano ng admin employees.

"Kaya ko alam na maraming video, sinearch ko po," pakli niya.

"Nangyari yung insidente May 22.

Continue reading below ↓

"Nung May 23, may gumawa ng account na Melchor Fajarda.

"Dun pa sa Melchor Fajarda, apat po yung video dun.

"Yung tatlong video ko, tapos yung isang video ng kapitbahay ko.

"She went downstairs, sa front desk na nagrereklamo, at vinideo niya yung taga-front desk na nagagalit siya na, 'Bakit tumanggap kayo ng tao rito na walang testing. Asan na po yung papeles nila? Bakit yung mga taong nakakalat dito hindi naka-mask?'

"She took that video and lumabas siya sa Daily Tribune."

Gumawa pa raw talaga ng bagong Facebook account para idiin siya.

"Pagkita mo dun sa [Facebook account na] Fajarda, yung apat na video.

"Tapos ang picture ko na nakalagay, 'Eto si Pinky Amador, isang laos na artista, napakasama ng ugali.'

"Ngayon, by about 2 A.M., bigla na lang po nawala yung account.

"Tapos may sumulpot na bagong account na Paolo Amador.

"Tapos ang nakalagay po dun, 'ikalat niyo bago i-take down.' So, ayun na, dumami na nang dumami."

Continue reading below ↓

Tingin ni Pinky, malisyoso ang pagpapakalat sa video dahil hindi kasama ang reklamo niya sa umano'y pagpapabaya ng admin office.

"Yung isang video na yun, nakikita mo na merong intention to malign kasi yung video na yun, putol.

"Kasi right before na nakita nila na nagmumura na ako, sinabi ko po, 'E, papaano yung namatay dito? Bakit hindi niyo sinasabi sa amin?'

"Para bang sadyang tinatanggal nila yung incriminating sa kanila at pinapalabas nila yung masama lang sa akin."

Hindi natuloy ang mediation sa barangay nung nakaraang Biyernes, June 5.

Makikipag-usap pa raw si Pinky sa abugado niya at talent manager na si Arnold Vegafria kung magsasampa rin ba siya ng reklamo laban sa administration office ng condotel.

Kung itutuloy raw niya yun, tiyak na marami raw mauungkat na problema sa condotel.

PINKY REACHES OUT TO HOTEL'S PROPERTY MANAGER

Inamin ni Pinky na apektado siya sa matinding batikos na inabot niya dahil sa kanyang viral video.

Continue reading below ↓

"Pakiramdam ko talaga, parang kinain na lang ako ng mundo.

"Hanggang sa pagdating ng madaling-araw, tinanggap ko na na hindi na ito mawawala."

Agad daw siyang nakipag-ugnayan sa may-ari ng hotel pati na sa property manager nito.

"In fact, nung gabing yun, nag-reach out po ako dun sa property manager sa side ng hotel. He manages two buildings.

"Sabi ko, 'Sir, imposibleng hindi niyo po alam na magsasampa sila ng kaso.'

"Sabi niya, 'Ma'am, alam ko. Pinayuhan ko po sila. Hindi ko po alam kung itutuloy nila.'"

Hands off daw ang property manager sa isyu.

"Sabi ko, 'Papaano po ito? E, di magsasampahan na lang kami ng kaso? E, pag magsampa po ako ng kaso, maraming-marami pong lalabas na mga violations. Bakit nila hinayaan yung staff nila?'

"Sabi niya, 'Ma'am, personal po iyan, hinanakit nung dalawang tao. Wala na po kaming magagawa dun.'"

Sa ngayon, hindi pa masabi ni Pinky kung nakahanda siyang makipag-ayos kung sakali sa mga nakaengkuwentrong admin employees.

Continue reading below ↓

PINKY APOLOGIZES FOR HER OUTBURST

Muling humingi ng dispensa si Pinky sa kanyang inaasal sa kumalat na video.

"Nakita niyo naman, humingi na ako ng paumanhin.

"Kasi, maaari talagang nagbigay ako ng masasakit na salita.

"Pero talagang nadala lang talaga sa emosyon, ng takot, sa frustration.

"Tapos, hindi ko maintindihan, bakit hindi nila ako pinapansin?"

Sadyang nasukol daw siya noong mga pagkakataong iyon.

Depensa pa rin ni Pinky: "Alam mo yung pagod na pagod ka na magmakaawa sa isang bagay na dapat lang naman na ibigay sa iyo?

"Hindi ko talaga maintindihan.

“Okay, aminado ako na nagalit ako nang sobra-sobra.

"Pero yung katulad nga po na marami nga ang nagsasabi sa akin, yung ibang nagpadala ng kanilang complaints, kung sila lang daw yun, baka hindi lang yun ang mangyari."

Aminado si Pinky na nasobrahan ang "talak" niya, pero hindi naman daw hahantong na mananakit siya ng tao.

"Kasi ako naman, hindi ko naman sila kayang saktan. Ayoko naman makulong.

Continue reading below ↓

"Hanggang talak lang ang kaya ko."

Diin niya, “Pasensiya na po tao lang."

Pagsusuma pa ni Pinky, lubha lang talaga siyang nag-alala para sa safety niya at ng iba pang nagrereklamong kapwa residente ng condotel.

"Ang nangyayari dito is parang ako na rin ang naging boses nung admin, kasi ako na rin ang naghanap ng mga phone numbers, na hindi ko naman trabaho.

"Imbes na tinatrabaho ko na yung pinupursige ko na makapagpatayo ako ng isang start-up, na makapagpatayo ako ng online na platform.

"Imbes na yun ang ginagawa ko, ipinaglalaban ko yung kapakanan ng mga kapitbahay namin."

Umaasa si Pinky na maintindihan ng tao ang pinanggagalingan niyang dilemma.

"Uulitin ko, kung nakasakit ako, humihingi ako ng paumanhin. Hindi tama yun.

"Pero sana po, maintindihan din nila. Mabigyan nila ako ng kaunting pag-intindi kung saan ako nanggaling at kung ano po yung ipinaglalaban ko.

"Hindi lang naman po para sa akin. Para rin po sa buong community namin. Para rin sa kanila kasi iisang building kami, e."

Continue reading below ↓

Aminado ang aktres na malaking leksiyon ito sa kanya.

Nagbiro pa siyang panonoorin daw niya uli ang 2003 comedy film na Anger Management, at baka marami pa raw siyang matutunan doon.

Hindi naman daw siya nasasangkot sa anumang kontrobersiya noon.

"Wala naman akong ganito, first time talaga. Kung kailan pa ako tumanda nagkaganito, di ba?

"Nakalaking lesson para sa akin. Napakalaking wake-up call. Napakalaking pagsisisi.

"Ngayon, I know better."

Apela pa rin niya, "Sana maintindihan ng mga tao na it was not about me. I was doing that for other people."

Tinatanggap daw ni Pinky na dapat ay na-control niya ang kanyang sarili sa kabila ng stress dala ng kawalan ng aksyon ng admin office ng condotel.

"May pagsisi… na sana nakuha ko pang hindi na lang patulan. Sana napansin ko na bini-video ako. Hindi ko naman napansin.

"Sana magkaayos din kami. Kasi gusto kong maayos yung mga sistema dito, e.

Continue reading below ↓

"Iyon lang naman ang hinihingi namin—na huwag nilang sirain ang tiwala namin.

"Kasi wala naman kaming ibang aasahan kundi sila, e."

Sa huli, may mensahe si Pinky hinggil sa hiling niyang malawakang notice tungkol sa quarantine areas sa condotel na tinitirhan niya.

Matamang pahayag ng aktres: "Nandiyan na 'yan. Iyon ang gusto kong ipaabot sa kanila, na we have no choice but to trust you.

"Huwag niyong sirain ang tiwala namin na araw-araw…

"Tandaan niyo na hindi lang ako ang nagrereklamo dito."

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Pinky Amador gives detailed account of events leading to her outrage versus admin employees at the condotel where she lives in.
PHOTO/S: @pinkyamador Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results