Jhong Hilario on quarantine love with non-showbiz girlfriend: "Laging katabi!"

by Rachelle Siazon
Jun 12, 2020
It's Showtime host Jhong Hilario and non-showbiz girlfriend Maia Azores are in a relationship for almost nine years.
PHOTO/S: @maialevisteazores Instagram

Inamin ni Jhong Hilario, 43, na magkasama sila ng non-showbiz girlfriend niyang si Maia Azores, 28, nitong quarantine period.

Ibinahagi ito ni Jhong sa It's Showtime digicon na dinaluhan nila ni Vhong Navarro noong Martes, June 10.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano sila mas naging close sa kanilang girlfriend o asawa sa loob ng halos tatlong buwang bawal lumabas ng bahay kung hindi rin lang essential ang pupuntahan.

Masiglang sumagot si Jhong na kasama niya sa bahay ang longtime girlfriend na si Maia.

Ani Jhong, "Masayang-masaya sila kasi laging katabi! Hahaha!

"Wala nang umaalis. Every day, nakikita. Feeling ko sila naman magsasawa!"

Pero dahil madalas magkasama, hindi rin daw maiwasang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan.

"Maraming pagtatalo. Kasi siyempre, dahil ngayon lang napag-uusapan dahil sa sobrang busy.

"May mga pagtatalo, pero naaayos din.

"Kasi wala naman kayo choice, e. Bawal lumabas, e. Hahaha!"

Dito raw pumapasok iyong open communication.

Continue reading below ↓

Dagdag ni Jhong, "Wala kayong choice kundi pag-usapan. Natutunan na lahat ng bagay napag-uusapan..."

HOT STORIES

JHONG SLAPPED BY GIRLFRIEND

Sa puntong ito, sumingit si Vhong para kamustahin ang pisngi ni Jhong matapos masampal ng girlfriend na si Maia.

Ani Vhong, "May follow-up question ako kay Jhong. Yung sampal sa iyo ni Maia nung magkasama tayo ni Vice?"

Continue reading below ↓

Sagot ni Jhong, "Todo! Todo. Nabigla rin ako, e. Hahaha!"

Ipinaliwanag ni Vhong na sumalang sila ni Jhong sa online show ni Vice Ganda noong June 5.

Naglaro raw sila ng isang game na ang parusa ay sampal mula sa asawa o girlfriend na kasama nila sa bahay.

Ani Vhong, "E, si Jhong yung natamaan ng tanong. Mali yung sagot niya."

Nabigla si Jhong sa sobrang lakas ng sampal ng girlfriend niya, pero makikita sa video nila na nagtawanan din naman sina Jhong, Vhong, at Vice.

Natatawang sabi ni Jhong sa PEP.ph at ibang media, "Nung na-realize ko na malakas, I'm sure nasaktan din siya.

"Nasaktan nga rin siya talaga. Quits lang."

Continue reading below ↓

GOING STRONG

Magsisiyam na taon nang magkarelasyon sina Jhong at Maia.

Una silang nagkakilala noong OJT pa lang si Maia sa remake ng ABS-CBN primetime series na Mara Clara, na umere mula October 2010 hanggang June 2011.

Base ito sa panayam kay Jhong sa Jeepney TV noong July 2019.

"Si Pangs ay OJT ng Mara Clara. Dun kami nagkapalagayan ng loob."

Against all odds daw ang simula ng love story ng magkasintahan.

Twenty years old lang daw si Maia nang magkakilala sila.

Balik-tanaw ni Jhong, "Ayaw ng parents sa akin kasi bata pa, e. Nag-aaral pa.

"Pero siyempre, pag mahal mo, ilalaban mo."

Naniniwala raw si Jhong na si Maia na ang kanyang "The One."

Aniya, "Ang gustong gusto ko sa kanya, napaka-supportive niya sa ginagawa ko.

"Ang importante kasi mahal ka at hindi ka lolokohin."

Continue reading below ↓

JHONG'S EX-WIFE

Minsan nang ikinasal si Jhong sa kanyang British wife na si Michelle Westgate.

Nagkatrabaho sila sa West End musical na Miss Saigon noong 2001.

Ikinuwento ni Jhong na ikinasal sila ni Michelle sa isang civil ceremony noong October 2005.

Base ito sa ulat ng Showbiz News Ngayon, na nailathala sa ABS-CBN News Online, noong June 2011.

Pero kinalaunan ay hindi raw sila nagkasundo kung saan sila maninirahan.

"I think it's the culture talaga at long-distance relationship. Mahirap. Magkaibang mundo talaga kami."

Tumagal daw sila na five years na kasal at two years na magkasintahan.

Maayos naman daw ang kanilang hiwalayan.

"Okay kami ng ex-wife ko. Yes, mahirap, pero siguro hanggang doon na lang talaga.

"Nagtatawagan kami. Magkaibigan kami."

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It's Showtime host Jhong Hilario and non-showbiz girlfriend Maia Azores are in a relationship for almost nine years.
PHOTO/S: @maialevisteazores Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results