Jennylyn Mercado asserts herself following “wala kang alam, artista ka lang” comment

by Bernie V. Franco
Jun 12, 2020
Jennylyn Mercado to netizens who told her to stop making comments about political issues. “I don’t hinder or stop you from sharing your opinion, so don’t tell me to stop from giving mine."
PHOTO/S: Jennylyn Mercado (Facebook)

Hindi inatrasan ni Jennylyn Mercado, 33, ang sunud-sunod na pambubusko ng bashers dahil sa mga post niyang may kinalaman sa political issues.

Noong June 5, sa pamamagitan ng Facebook, nanawagan si Jennylyn sa kanyang followers na makialam at alamin ang mga kasalukuyang nangyayari sa lipunan.

Bahagi ng mensahe niya: “Mahal natin lahat ang ating bansa, kaya huwag kalimutan na meron tayong kakayahan at kalayaan na gamitin ang ating boses upang punahin at itama ang maling nakikita."

Sa dulo ng kanyang post, nanawagan ang Kapuso actress para sa pagkakaisa at pangangalaga sa freedom of expression.

Minasama naman ito ng mga pro-administration at mga kritiko.

Nagsunud-sunod ang mga komento kung saan inakusahan si Jennylyn na nakikisali sa pagkontra sa gobyerno.

Lalo pa’t mainit na usapin ngayon ang panawagan tungkol sa pagsikil sa malayang pamamahayag.

Ipinasok naman ng iba ang isyu tungkol sa kontrobersiyal na Anti-Terrorism Act of 2020 o ang House Bill 6875, gayong walang binanggit si Jennylyn tungkol dito sa kanyang post.

Continue reading below ↓

Kontrobersiyal ang anti-terrorism bill dahil may mga probisyon ditong maaaring magresulta sa paglabag sa human rights.

Sa mga sumunod na posts ni Jennylyn, hati ang komento ng netizens.

Marami ang pumanig sa aktres, pero kapansin-pansin din ang dami ng mga umatake sa kanya.

Ang iba, kinuwestiyon kung tunay raw bang nauunawaan ni Jennylyn ang controversial bill.

Pinayuhan naman siya ng ibang huwag nang makisawsaw sa usaping pulitika.

May nagsabi ring alagaan na lang daw niya ang kanyang anak at ang kasintahang si Dennis Trillo.

Payo ng isa pa, mas maganda kung manahimik na lang daw ang aktres at huwag magkokomento tungkol sa pulitika.

Ang mga negatibong komentong ito ay malinaw na pagmamaliit sa kakayahan ni Jennylyn pagdating sa current issues.

Narito ang ilang komento ng netizens laban kay Jennylyn:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

"ARTISTA KA LANG..."

Sa dami ng mga nagkomento, isa ang sinagot ni Jennylyn noong June 9.

Ipinost ng Kapuso actress ang screenshot ng pangmamaliit sa kanya ng netizen (published as is):

“Hi Jen. Sa totoo lang wala kang karapatan na magpost ng opinyon mo sa nangyayari.

"Hello wala kang alam. Artista ka lang. Umarte o kumanta ka nilang…”

Continue reading below ↓

Sa kanyang sagot, iginiit ni Jennylyn na karapatan niyang magbigay ng opinyon kahit anong oras.

“Ano pong meron sakin at wala akong karapatan na gawin yun?" tanong niya sa netizen.

“Hindi po porket artista ay wala na kaming kalayaan upang iexpress ang sarili at gamitin ang aming plataporma para magbigay at mamahagi ng impormasyon.

“Ang limitasyon lamang duon ay siguraduhing credible ang ating pinapamahaging balita at may laman o sense ang ating mga pinopost.”

Sabi ng aktres, makabubuting mapag-usapan ang mga isyu nang mayroon pa ring respeto kahit magkakaiba ng paniniwala.

“Sana itigil na ng iba gumamit ng masasakit na salita at personal na atakihin ang pagkatao ng mga nakakasalamuha dito sa Social Media."

Giit ni Jennylyn, lahat ay may karapatan sa “Malayang Pananalita”.

Aniya, “I don’t hinder or stop you from sharing your opinion, so don’t tell me to stop from giving mine.

“Pasensya na po. Pero nakakalungkot na ang baba ng tingin ninyo sa mga artista at mga tao na hindi parehas ang paniniwala sa inyo.

Continue reading below ↓

“Ang dami ng negatibo na nangyayari sa mundo, huwag po sana tayo dumagdag dito.”

NOT JENNYLYN?

Samantala, kapuna-puna ring maraming netizens ang naniniwalang hindi si Jennylyn ang nagkokomento dahil sa mga pahayag niya tungkol sa political issues.

Sabi ng isang netizen: “Never sya nagcomment about mga Phil politics. Focus sya sa family nya at tahimik.”

Continue reading below ↓

Sinagot ito ni Jennylyn, at ikinatuwirang hindi siya isang artista lamang at may pakialam siya sa mga nangyayari.

Ani Jennylyn (published as is): “lahat ng tak ay nagbabago. Lalo na ngayon may pandemya.

“When is the right time to talk and give my opinion?

“Hindi lang po pagiging artista ang alam ko…

“Please don’t underestimate what i can do.”

Continue reading below ↓

Ilang beses ding nagbigay ng mga sagot ang aktres para idiin na bagamat may admin ang Facebook account niya, nakapagbibigay siya ng sariling saloobin.

Nagbabala pa ang isang netizen sa Facebook admin ng aktres na huwag gamitin ang pangalan ng aktres sa pagbibigay ng political opinion.

Sumagot si Jennylyn.

Banat ng aktres: “Huwag mo naman maliitin ang kakayahan kong magcompose ng post.

“Kahit paano ay marami akong natutunan sa mga scriptwriters na nakasama ko sa taping.

“The admin and I handle this account.”

Humingi ng paumanhin si Jennylyn sa sinumang hindi kumportable sa pag-ere ng kanyang opinyon.

Pero paalala niya: “This is my page and if you don’t like it, it is okay to unfollow.”

Continue reading below ↓

Hindi nagpaawat ang aktres sa mga hindi kumbinsidong siya ang nagkokomento sa mga isyung may kinalaman sa pulitika.

Katuwiran niya, hindi pwedeng manahimik na lamang sa mga panahong ganito.

“Saka hindi po ba ay lahat tayo may Kalayaan magkaron ng opinyon sa National issues?

“Tama po bang tumahimik nilang habang nagkakagulo ang mudo?

“I don’t hinder you from posting what you want on Social media, so please don’t dictate what I can or can’t post in my Own account.”

Continue reading below ↓

Samantala, tiniyak naman ng GMA Corporate Communications sa PEP.ph (Philippine Entertrainment Portal) na si Jennylyn ang nagkokomento sa kanyang Facebook verified account.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Read More Stories About
Jennylyn Mercado, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jennylyn Mercado to netizens who told her to stop making comments about political issues. “I don’t hinder or stop you from sharing your opinion, so don’t tell me to stop from giving mine."
PHOTO/S: Jennylyn Mercado (Facebook)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results