Tom Rodriguez writes touching birthday message for girlfriend Carla Abellana

by James Patrick Anarcon
Jun 13, 2020
Tom Rodriguez tells girlfriend Carla Abellana on her birthday: "Mahal na mahal kita. At habang buhay kong sisikapin na suportahan ang isang anghel na kagaya mo."
PHOTO/S: @akosimangtomas on Instagram

Isang madamdaming birthday message ang ibinahagi ni Tom Rodriguez para sa kanyang girlfriend na si Carla Abellana.

Nagdiwang ng ika-34 kaarawan si Carla kahapon, June 12, kasabay ng Philippine Independence Day.

Kapansin-pansing pure Tagalog ang mensahe ng Fil-Am actor para kay Carla sa kanyang Instagram post.

Ani Tom, ang hiling niya para sa kaarawan ni Carla ay makamit ng girlfriend ang lahat ng kanyang minimithi.

Sabi ni Tom sa kanyang post (published as is): "At dahil ngayon ay araw ng kalayaan...nawa’y maging malaya kang kamtin ang lahat ng iyong minimithi.

"Minimithi para sa sarili...sa pamilya...at sa nasasakop ng iyong napakalaking puso na handang magmalasakit sa kapwa.

"Nawa ay pagtibayin pa lalo ng diyos ang iyong pananalig na ngayon pa lang ay di magibagiba.

"Panalangin ko na sana ay manatiling bukal ang agos ng kasiyahan at pagkakuntento sa buhay mo. Na kahit may madilim na ulap na dumadapo sa buong mundo at sa katauhan ng ilan, ay manatili ang liwanag ng diwa mo."

Continue reading below ↓

Sa dulo ng kanyang mensahe, sinabi ni Tom na "mahal na mahal" niya si Carla at tinawag niya pa itong "anghel" at "reyna ko."

Patuloy ng Kapuso actor: "Mahal na mahal kita. At habang buhay kong sisikapin na suportahan ang isang anghel na kagaya mo.

"Maligayang kaarawan, reyna ko! #happybirthdaycarlaabellana @carlaangeline"

Sa litrato namang ipinost ni Tom, may nakalagay sa ilalim nito na "I love you so."

Continue reading below ↓

Sa comments section ng post ni Tom, nag-reply si Carla ng "Abu! [heart emoji]" na tila term of endearment niya para sa boyfriend.

Tom Rodriguez, Carla Abellana

HOT STORIES

SIX YEARS AND GOING STRONG

Anim na taon nang magkarelasyon sina Tom at Carla.

Una silang nagkatrabaho sa 2013 series na My Husband's Lover, pero lumalim ang relasyon nilang dalawa nang muli silang magkatrabaho sa teleseryeng My Destiny noong 2014.

Continue reading below ↓

Ilang beses na ring natanong ang dalawa tungkol sa pagpapakasal.

2018 unang natanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carla tungkol sa pagpapakasal.

Ayon sa kanya, handa na siyang pakasalan ang long-time boyfriend.

Sa panayam sa kanya ng PEP.ph at iba pang reporters noong 2019, naitanong naman kay Tom kung nag-propose na ba siya kay Carla.

Nakangiting sagot ni Tom, "Sikreto."

Sabi naman ni Carla sa panayam sa kanya noong February 2020, nasa edad na rin naman siya at matagal na ang relasyon nila ni Tom kaya handa na siyang pakasalan ang boyfriend.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tom Rodriguez tells girlfriend Carla Abellana on her birthday: "Mahal na mahal kita. At habang buhay kong sisikapin na suportahan ang isang anghel na kagaya mo."
PHOTO/S: @akosimangtomas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results