Angel Locsin cries while talking about current situation of ABS-CBN: "We're fighting."

by James Patrick Anarcon
Jun 13, 2020
Angel Locsin cries at the virtual press conference of her new show, Iba 'Yan. This was after she asked for help to spread the word that ABS-CBN still continues its services despite the network's franchise woes.
PHOTO/S: Iba Yan presscon

Naiyak si Angel Locsin sa virtual press conference ng kanyang bagong programang Iba 'Yan ngayong Sabado ng hapon, June 13, 2020.

Ito ay matapos mapag-usapan ang pagkakapaso ng prangkisa ng ABS-CBN, ang home network ni Angel simula taong 2007.

Noong May 5, nag-isyu ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission (NTC), dahilan upang matigil ang TV and radio operations ng ABS-CBN.

Nag-expire ang prangkisa ng ABS-CBN noong May 4, 2020.

Kasalukuyan pa ring dinidinig sa Kongreso ang renewal ng prangkisa ng Kapamilya network.

Sa press conference ni Angel ngayong hapon, binanggit ng DZMM Teleradyo anchor na si Ahwel Paz na kilala si Angel sa pagiging mapagbigay.

Kasunod nito, tinanong niya si Angel kung ano ang hihilingin nito kung siya naman ang pagbibigyan.

Dito nabanggit ni Angel sitwasyon ng kanyang mother network.

Sagot ng aktres kay Ahwel, "Sir, ang laki po ng hihilingin ko sa inyo, na sana po mapagbigyan niyo po kami.

Continue reading below ↓

"Siguro, aware naman po kayo sa sitwasyon namin ngayon, ng aming network.

"So, kailangan po talaga namin ng... kailangan namin ng push.

"Naiiyak tuloy ako... teka lang."

Dito nag-umpisang maiyak si Angel hanggang sa nagpahid na siya ng tissue.

Ngumiti namang muli si Angel at nagpaalam sa press na pansamantala muna siyang mag-o-off ng video upang ayusin ang sarili.

Sabi niya, "Hindi ko ito ine-expect, ha! Teka lang sandali, chaka ko.

"Mag-o-off lang ako ng video. Saglit lang, ha."

HOT STORIES

ANGEL: "WE'RE FIGHTING."

Pagkatapos ng ilang sandali ay nag-on na si Angel ng camera.

Ipinagpatuloy ni Angel ang kanyang sagot subalit nagtuluy-tuloy rin ang pagtulo ng kanyang luha.

Ani Angel, "Hinihiling ko po sana, kasi kailangan po namin iyong tulong niyo para ma-spread sa tao na nandito po kami, patuloy po kaming nagbibigay serbisyo sa tao.

"And, ayun po, mahirap lang.

"Ang hirap lang ng sitwasyon kasi po, talaga ngayon, but we're fighting.

Continue reading below ↓

"Kung ano iyong naipangakong service sa mga Kapamilya namin, patuloy naming gagawin.

"So kailangan po namin ng tulong niyo, iyon lang."

Muli ay nagpaalam si Angel na mag-o-off muna ng camera upang ayusin ang sarili.

Ngayong araw, June 13, nag-umpisa nang bumalik ang ilang programa ng ABS-CBN sa ere sa pamamagitan ng Kapamilya Channel, na available sa cable at satellite TV.

Sa parehong channel din ipalalabas ang programa ni Angel na Iba 'Yan.

Isa si Angel sa mga unang nag-post sa Instagram ng kanyang lungkot pagkatapos huminto sa pagbu-broadcast ang ABS-CBN.

Ayon pa sa fiancé niyang si Neil Arce, hindi raw mahinto ang pag-iyak ni Angel lalo na tuwing iniisip ng aktres ang mga taong mawawalan ng trabaho dahil sa nangyari sa kanyang network.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin cries at the virtual press conference of her new show, Iba 'Yan. This was after she asked for help to spread the word that ABS-CBN still continues its services despite the network's franchise woes.
PHOTO/S: Iba Yan presscon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results