Frankie Pangilinan slams Ben Tulfo for belittling her stand on rape and victim blaming

by Rachelle Siazon
Jun 14, 2020
Ben Tulfo (right) trends on Twitter after schooling Frankie Pangilinan (left) that women who wear sexy clothes are inciting men to commit rape. Frankie tells Ben, "the whole point is ‘the beast’ shouldn’t exist, not even for the sake of misplaced masculine insecurity."
PHOTO/S: @FrankiePangilinan Instagram / Ben Tulfo Facebook

"Calling me hija will not belittle my point."

Ito ang buwelta ni Frankie Pangilinan sa pagkastigo ni Ben Tulfo sa kanyang pahayag na mali ang kaisipang kasalanan ng mga babaeng sexy manamit kaya natutuksong manggahasa ang rapists.

Si Ben, 65, ay batikang broadcaster at host ng programang Bitag.

Si Frankie, 19, ay panganay na anak nina Senator Francis Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta.

Nag-ugat ang isyu sa pagkondena ni Frankie sa balitang isang police station sa Quezon province ang nagpaskil ng paalala sa mga kabataang babae na huwag magsuot ng maiiksing damit para huwag mabastos.

"Kayo naman mga ghErlsz, wag kayo magsuot ng pagkaikli-ikling damit at pag naman nabastos ay magsusumbong din sa amin," saad sa Facebook post na burado na raw sa page ng police station.

Inalmahan ni Frankie ang victim blaming sa babalang iyon ng pulisya.

Tweet ni Frankie kagabi, June 13: "STOP TEACHING GIRLS HOW TO DRESS?? TEACH PEOPLE NOT TO RAPE."

Continue reading below ↓


Nakarating kay Ben ang tweet ni Frankie, at saka niya pinangaralan ang dalaga.

Lumalabas na sang-ayon si Ben na natutukso ang rapist na gumawa ng krimen kapag nakikitang sexy manamit ang isang babae.

Tweet ni Ben: "Hija @kakiep83, a rapist or a juvenile sex offender's desire to commit a crime will always be there.

Continue reading below ↓

"All they need is an opportunity, when to commit the crime.

"Sexy ladies, careful with the way you dress up! You are inviting the beast."


HOT STORIES

BEN tells FRANKIE "iba mag-isip ang mga manyakis"

Makikita rin sa Facebook page ni Ben ang pagkontra niya sa opinyon ni Frankie.

Ani Ben, kailangang "manamit ng tama" ang kababaihan para huwag "pukawin ang pagnanasa" ng mga "manyakis at rapists."

Continue reading below ↓

Kasabay nito ay tinawag ni Ben na tali-talinuhan umano si Frankie sa pagbahagi ng personal na mga opinyon nito sa social media.

"Batang-bata" pa raw si Frankie kaya raw hindi nito lubusang naiintindihan ang takbo ng pag-iisip ng mga gumagawa ng krimen.

Pinatamaan pa ni Ben si Frankie sa pagsasabing ang ama ng huli na si Senator Kiko ang "author ng Juvenile law."

Kabuuang pahayag ni Ben: THE WANNABE SMART ALECK

"(Batang-bata ka pa para malaman mo ang mundo)

"Hija, iba mag-isip ang mga manyakis at mga rapists. Hindi natin sila matuturuan at mababago ang kanilang pagnanasa at pagiging kriminal.

"Ang tanging magagawa ay manamit ng tama. Huwag nating pukawin ang pagnanasa nila. Ito ang iyong magagawa.

"Bago natin sila baguhin, baguhin muna natin ang sarili't pag-iisip natin. Gets mo Hija?

"Tatay mo ang author ng Juvenile Law."

Continue reading below ↓

FRANKIE FIRES BACK AT BEN

Hindi nangimi si Frankie na kontrahin ang opinyon ni Ben na dapat manamit nang tama ang kababaihan para makaiwas sa rape.

Direktang tweet niya kay Ben: "the whole point is ‘the beast’ shouldn’t exist, not even for the sake of misplaced masculine insecurity."


Paliwanag pa ni Frankie, lalong magiging laganap ang rape kung tatanggaping "normal" para sa mga lalaki na mambastos kapag nakakakita ng mga babaeng sexy manamit.

Continue reading below ↓

Diin pa ng dalaga: "the way anyone dresses should not be deemed as ‘opportunity’ to sexually assault them. ever."


Hindi rin pinalampas ni Frankie ang pangmamaliit ni Ben sa kanyang opinyon sa rape at victim blaming dahil lamang 19 years old siya.

Ginamit ng dalaga ang "hija" na username sa kanyang Twitter account, bilang patunay na hindi siya tinablan sa sinasabi ni Ben na wala siyang alam.

Continue reading below ↓

Tweet pa ni Frankie, "#hijaako."


Ni-repost din niya ang pagtuligsa sa kanya ni Ben sa Facebook (FB).

Ani Frankie, "The way he was braver on fb because he knows i’m not on there."


Continue reading below ↓

May mensahe naman si Frankie sa mga bumabatikos sa kanyang paninindigan na hindi tama ang victim blaming.

"breaking news: my clothing is NOT my consent.

"threatening to r*pe me or hoping i’m r*ped in order to somehow justify that victims are to blame — that’s the real brain cell gap right there lmaooo #HijaAko"


Continue reading below ↓


BEN TULFO TRENDS ON TWITTER

Umani ng batikos si Ben dahil sa umano'y "bastos" at "nakakadiri" na pananaw nito hinggil sa rape culture.


Continue reading below ↓

Maraming netizens ang sang-ayon kay Frankie na walang kinalaman ang pananamit sa krimeng rape.

Sabi ng isang netizen, "Kung bastos ka, bastos ka. Kasi kung di ka naman bastos, wala ka namang pake sa mga babaeng may suot na maiikli. May pake ka lang kasi BASTOS KA."


Dagdag pa ng isang kritiko ni Ben, "Ure the one who's being a wannabe smart. tell that to those infants and seniles who are being raped by rapists who think like you do.

Continue reading below ↓

"shame on you ben tulfo na walang pinagkatandaan."

RELATED STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ben Tulfo (right) trends on Twitter after schooling Frankie Pangilinan (left) that women who wear sexy clothes are inciting men to commit rape. Frankie tells Ben, "the whole point is ‘the beast’ shouldn’t exist, not even for the sake of misplaced masculine insecurity."
PHOTO/S: @FrankiePangilinan Instagram / Ben Tulfo Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results