Angel Locsin hurt by allegation she has a "DOM" benefactor

by Rachelle Siazon
Jun 14, 2020
Angel Locsin: "Sakto napakinggan ko sa radyo. Na yung perang ginamit ko daw is galing sa DOM ko... Yung iyak ko talaga nung time na yun, hindi ko makakalimutan talaga."
PHOTO/S: @therealangellocsin Instagram

Inamin ni Angel Locsin na may pagkakataong naiyak siya dahil sa pang-iintrigang mayroon siyang rich benefactor na isang dirty old man o DOM.

Narinig daw niya mismo ang pagpapakalat ng malisyosong paninira sa kanya sa isang ulat sa radyo.

Kuwento ni Angel, iniintriga raw na galing sa DOM ang ginagasta niya sa pagtulong sa mga nangangailangan ngayong COVID-19 pandemic.

"Alam ko kung kailan, pero ayoko sabihin exactly, kasi malalaman niyo kung sino yun, e.

"Isa sa mga trahedya, tapos pauwi ako nun.

"Kakatapos ko lang magbuhat ng bigas simula second floor pababa ng ground floor, at ilo-load ko sa truck.

"Tapos may narinig ako. Sakto napakinggan ko sa radyo.

"Na yung perang ginamit ko daw is galing sa DOM ko. And alam na alam daw niya kung kanino nanggaling."

Lubha raw nasaktan si Angel sa maling ibinibintang sa kanya.

Lalo pa't siya ay naturingang engaged sa kanyang fiancé na si Neil Arce.

Continue reading below ↓

Patuloy ng 35-year-old actress: "Yung iyak ko talaga nung time na yun, hindi ko makakalimutan talaga.

"Pero kung magdu-dwell ako, bakit may naitulong ba siya? May nagagawa ba siya para sa mga taong nangangailangan?

"Isa iyon sa mga hindi ko makakalimutan."

Sinabi ito ni Angel sa digicon para sa Iba Yan, isang ABS-CBN show na magpapakita ng extraordinary stories ng ordinaryong Pinoy.

Ginanap ang online presscon kahapon, June 13.

HOT STORIES

ANGEL: NO HIDDEN AGENDA

Aminado rin si Angel na mayroon siyang detractors na kumukuwestiyon sa isinasagawa niyang relief efforts.

"Siyempre may mga intriga, 'A, kaya mo lang ginagawa 'yan kasi meron kang motibo.'

"Anong motibo?"

Hindi raw niya maintindihan ang pinanggagalingan ng mga akusasyon sa kanya.

Giit niya, wala naman siyang balak kumandidato sa 2022 elections.

"Hindi ko po kasi alam. Hindi po ako tatakbo.

"Isa lang rin po akong empleyado. Hindi po ako ang may-ari ng network.

"May mga ganung bagay lang na hindi healthy."

Continue reading below ↓

Pero kahit na dismayado sa pang-iintriga sa kanya, hindi raw hinayaan ni Angel na ma-discourage siya sa ginagawang pagtulong sa nangangailangan.

"Kung hindi naman siya nakakatulong, hindi siya constructive criticism, huwag na natin pansinin.

"Kung magpaapekto ako dun, maraming mas hindi makikinabang."

Paglilinaw pa ni Angel, "Hindi ko sinasabi na bongga yung mga binibigay ko, di ba?

"Pero kahit isang pamilya o isang tao lang 'yan, at least naka-make ka ng difference."

ANGEL'S OUTREACH ACTIVITIES

Nitong pandemya, namigay ng hospital tents ang grupo ni Angel na nakalikom ng PHP11 million mula sa binuong fundraiser ng Kapamilya actress.

Kakalunsad lang din niya muli ng Shop & Share, ang celebrity auction na pinangunahan nila ni Anne Curtis.

Idinonate ni Angel ang kanyang Dodge Durango Limited Edition na SUV.

Ang proceeds ng fundraiser ay ipambibili ng COVID-19 testing kits para sa mga walang kakayahang magbayad nito.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin: "Sakto napakinggan ko sa radyo. Na yung perang ginamit ko daw is galing sa DOM ko... Yung iyak ko talaga nung time na yun, hindi ko makakalimutan talaga."
PHOTO/S: @therealangellocsin Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results