Sharon Cuneta echoes daughter Frankie Pangilinan's stand on rape, victim blaming

by Bernie V. Franco
Jun 15, 2020
Sharon Cuneta on daughter Frankie Pangilinan: "My very own ‘hija,’ MIJA, whom I brought into this world, I am incredibly proud of you."
PHOTO/S: @reallysharoncuneta on Instagram

Naniniwala si Sharon Cuneta, 54, na nasa katuwiran ang kanyang anak na si Frankie Pangilinan, 19, hinggil sa isyung rape at victim blaming.

Naglabas ng kanyang saloobin ang Megastar matapos magkaroon ng sagutan sa pagitan ni Frankie at ng veteran radio and TV broadcaster na si Ben Tulfo, 65, kaugnay ng usaping rape.

Nag-ugat ito sa Facebook post ng Quezon Province na paalala sa mga kababaihang huwag magsuot nang seksi para hindi raw maging prone sa pambabastos ng mga manyakis at rapist.

Ang kontrobersiyal na post na ito ay nakapukaw ng pansin ng netizens at nauwi sa diskusyon.

Marami ang nag-react at hindi nagustuhan ang pahaging na babae ang dapat sisihin kapag nabastos ng mga lalaki dahil sa maiksing kasuotan.

Tinanggal na ang kontrobersiyal na Facebook post, pero naging mainit ang talakayan tungkol dito sa social media.

Nitong Linggo, June 14, nag-tweet si Frankie para kondenahin ang victim-blaming mentality, na babae ang dapat sisihin kapag ito ay binastos o pinagsamantalahan dahil sa kanyang pananamit.

Continue reading below ↓

Post ni Frankie: “STOP TEACHING GIRLS HOW TO DRESS?? TEACH PEOPLE NOT TO RAPE.”

Dito nag-react si Ben, na halatang sang-ayon sa katuwirang natutukso ang mga rapist dahil sa seksing kasuotan ng mga babae.

Minaliit din ng veteran journalist si Frankie dahil sa pagiging bata raw nito at tila nagmamarunong.

Continue reading below ↓

Hindi nagpatinag si Frankie.

Iginiit niya ang paninindigang maling sisihin ang mga biktima ng rape dahil sa kanilang suot.

SHARON BACKS HER DAUGHTER UP

Sa pamamagitan ng Twitter, ipinahayag ni Sharon ang pagsang-ayon sa anak na hindi ang pananamit ang problema kaya may rape victims.

Saad ng Megastar: “You mean people shouldn’t count those who’ve been raped and murdered in the dead of winter in some other country, stripped of all their ‘uninviting,’ thick, layered winter clothing?”

Pagmamalaki pa ni Sharon kay Frankie: “My very own ‘hija,’ MIJA, whom I brought into this world, I am incredibly proud of you.#hijakoyan”

Continue reading below ↓

Binanggit ni Sharon sa kanyang sumunod na tweet ang nakababatang kapatid ni Ben na si Raffy Tulfo, na isa ring broadcast journalist at host ng programang Raffy Tulfo in Action sa YouTube.

Ani Sharon, baka raw mas patas ang opinyon ni Raffy hinggil sa isyu.

Pero giit ng Megastar, tama ang katuwiran ng kanyang anak tungkol sa isyu.

Tweet ng singer-actress-host: “Perhaps idol raffy tulfo would think of this is a much broader and fairer sense..? Anyway - it DOES NOT AND WILL NOT CHANGE THE FACT THAT YOUR STAND IS THAT WHICH IS CORRECT.”

Continue reading below ↓

Sabi pa ng Megastar, huwag isisi ang pambabastos at panggagahasa sa biktima, kundi sa gumawa ng krimen.

“Kahit nakamaong, sweater na turtleneck at makapal na jacket ka pa, kung may masama ang iniisip, masama ang gagawin. Parang pedophiles lang.

“Nananahimik ang mga batang anghel na inosenteng nakaplay-clothes na di naman long gowns o nakabalot pero pinagnanasaan.

“Kung masama ang intensyon, gagawa at gagawa ng paraan ang kademonyohan ng masama.

"Pero kung matinong tao kahit pa nakatwo-piece ka sa beach at dumaan ka sa harap niya, wala lang."

Continue reading below ↓

KIKO SLAMS NETIZEN FOR BASHING FRANKIE

Samantala, nag-react din ang ama ni Frankie na si Senator Kiko Pangilinan dahil sa bastos na tweet ng isang netizen laban sa dalaga.

Kalakip ng tweet ni Senator Kiko ang screenshot ng komento ng Twitter user na binatikos si Frankie dahil sa paninindigan nito sa rape at victim blaming.

Ayon sa netizen: “Open naman pala ang culture ni Kakie sa rape baka nga b*b*k*ka pa yan [Face with tears of joy emojis] rape lang talaga mangyayari sayo Kakie dahil walang totoong lalaki by culture ang nagkakagusto sa PANGIT!! Haha TANGA lang”

Nais ipa-report ng senador ang netizen na umatake kay Frankie.

Ani Senator Kiko, hindi dapat pinapalampas ang pagbabanta sa buhay ng ibang tao.

Panawagan ng senador: “Pakiusap lang kung maari paki report itong account ni Ariel Valdez.

"Ang pananakot at banta ng pananakit o pangagahasa ay hindi maaring palampasin.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta on daughter Frankie Pangilinan: "My very own ‘hija,’ MIJA, whom I brought into this world, I am incredibly proud of you."
PHOTO/S: @reallysharoncuneta on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results