Ivana Alawi speaks about being judged as "hubadera, walang utak, wala mararating"

by Rachelle Siazon
Jun 15, 2020
Ivana Alawi on other people's false assumptions about her: "Alam kong I'm more than just sa paghuhubad. Proud ako sa sarili ko. Bakit ako magpapaapketo sa mga taong tumitingin sa akin pababa?"
PHOTO/S: @ivanaalawi Instagram

Aminado si Ivana Alawi na kung anu-anong panghuhusga mula sa ibang tao ang natatamo niya dahil sa kanyang "hubadera" image.

"Ang dami kasing ganyan, actually.

"Parang sinasabi nila, 'Ano ba 'yan? Panay pakita ka lang ng katawan! Yun lang naman meron ka. Wala ka naman utak.'"

Pero hindi raw iyon ang mga nakasakit kay Ivana.

Paliwanag ng 23-year-old actress-Youtube star: "I know myself. Alam kong I'm more than just sa paghuhubad.

"I'm proud of myself. Nakapagtapos ako sa college.

"Tinutulungan ko yung family ko."

Mas nasaktan daw si Ivana sa pangmamaliit sa kanya ng dalawang pinakamalapit niyang kaibigan.

"Sobrang naapektuhan ako, kasi yun yung time na gusto ko maging sexy, pero ang sakit nung binitawang salita.

"Meron kasi akong dalawang close friend dati, sobrang close. Every day magka-chat kami.

"Pag magpo-post ako ng picture, se-send ko muna sa kanila para ma-approve nila. 'Okay 'yan, puwede 'yan.'

"Pero nagsalita sila na napakasakit na word, and that really hurt because I treated them as my own family."

Continue reading below ↓

FRIENDS TOLD HER, "WALA KA MARARATING."

Nagsisimula pa lang siya noon sa showbiz.

Ikinahiya raw ng mga kaibigan ni Ivana ang kanyang pangarap na makilala bilang sexy star.

"Yung mama ko, yung mga kapatid ko, never ako nakatikim ng salita na, 'Nakakahiya ka.'

"They're proud of me. And I'm happy that my family supports me.

Continue reading below ↓

"Ang nakakalungkot lang, the people who I thought were my friends never supported me.

"And they said, 'Wala ka mararating sa paggaganyan mo."

Ipinarating daw ni Ivana ang kanyang hinanakit sa mga kaibigan.

"Nung time na yun, sinabi ko, 'If you were my friends, you would support me with everything that I'm doing.

"'Especially wala naman masama, e. Hindi naman ako magnanakaw. Hindi ako pumapatay ng tao.

"'Bakit niyo ako kailangan ikahiya bilang kaibigan?'"

Ibinahagi ito ni Ivana kahapon, June 14, sa ABS-CBN online show na I Feel U, na ang host ay si Toni Gonzaga.

Muntik daw isuko noon ng actress-Youtuber ang gusto niyang tahaking career path.

"Umiyak ako sa manager ko. 'Paki-remove na po ako. Gusto ko na umalis at hindi ko na itutuloy ang pagiging sexy ko, kasi ayoko na.'

"But then, my mom told me, 'Lumaban ka. Bakit ka magpapaapekto sa mga kaibigan mo? Hindi mo sila kaibigan kung ganun sila.'"

Continue reading below ↓

Mula noon ay lumayo na raw siya sa mga dating itinuring na mga kaibigan.

ON SEXY TV ROLES: "MARANGAL NA TRABAHO"

Isang big break ni Ivana ay nang gumanap siya bilang girlfriend ng yumaong aktor na si Eddie Garcia sa ABS-CBN primetime series na FPJ's Ang Probinsyano, noong 2019.

Continue reading below ↓

Mapang-akit ang ang kanyang role sa serye, at madalas ay nakasuot siya ng sexy bikini o lingerie.

Mayroon din silang kissing scenes doon ni Ryan Eigenmann, ang right-hand man ni Eddie sa serye.

Giit naman ni Ivana, wala siyang dapat ikahiya sa kanyang sexy roles.

"I'm happy. I'm doing what I'm doing. Trabahong marangal."

Continue reading below ↓

Para sa kanyang mga detractors, ani Ivana, "Naiinggit lang sila e. And I accept that.

"I don't care if you're going to bash me, kung iyan ang ikasisiya mo.

"But I will not give you any attention because you don't deserve my time and effort."

Continue reading below ↓

DREAM COME TRUE

Noong 2019, napili si Ivana bilang isa sa lead stars ng 2019 primetime series na Sino Ang May Sala? kasama sina Jodi Sta. Maria at Bela Padilla.

Hanggang sa noong February 2020, pumirma siya ng exclusive contract sa ABS-CBN.

"Dream network" daw ni Ivana ang ABS-CBN, kaya sobrang excited siya na masimulan ang kanyang title role na Ang Lihim Ni Ligaya.

Desidido raw ang actress-Youtube star na magpursige bilang artista.

Pero handa raw siyang iwan ang showbiz kapag dumating ang panahong mag-aasawa na siya.

"Hahaha! Pag ikinasal ako, ba-bye na! Hindi na ako magpapakita!"

Sa ngayon ay single pa si Ivana.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ivana Alawi on other people's false assumptions about her: "Alam kong I'm more than just sa paghuhubad. Proud ako sa sarili ko. Bakit ako magpapaapketo sa mga taong tumitingin sa akin pababa?"
PHOTO/S: @ivanaalawi Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results