Korina Sanchez on Maria Ressa guilty verdict: "Talaga? Pinag-initan talaga?"

by Arniel C. Serato
Jun 15, 2020
Korina Sanchez reiterates support for Maria Ressa: "Ito lang ang kauna-unahang conviction of 'cyberlibel' in Philippine history. Talaga? At eto pang mahina ang kaso? Pinag-initan talaga?"
PHOTO/S: Courtesy: @korina / @maria_ressa on Instagram

Nakisimpatiya ang broadcast journalist na si Korina Sanchez sa Rappler executive editor na si Maria Ressa, na nahatulang guilty sa kasong cyber libel.

Inilabas ni Manila Regional Trial Court Branch 46 Judge Rainelda Estacio-Montesa ang kontrobersiyal na desisyon ngayong Lunes ng umaga, June 15.

Sa kanyang Instagram post ngayong gabi, ibinahagi ni Korina ang saloobin tungkol sa hatol kay Ressa.

Nagbigay siya ng limang kadahilanan kung bakit siya nanindigan para sa dating kasamahan sa ABS-CBN News and Current Affairs division.

Sabi ni Korina: “I stand with Maria Ressa. Why?

“1. They only reported the FACTS. Diba yun naman ang trabaho namen???

“2. The report came long before the CyberLaw was enacted. Really? Hinabol? Pinilit?

“3. The other side of the report was taken and reported as well. Equal time. Anu problema niyo?

“4. Ito lang ang kauna-unahang conviction of 'cyberlibel' in Philippine history. Talaga? At eto pang mahina ang kaso? Pinag-initan talaga?

Continue reading below ↓

“5. So predictable ang move. Diba? Anoba. Bobo ba kame? Hindenoh. Pag ito hindi pa natin pinansin nanaman, ewan ko nalang saan pupulutin ang Pilipinas.

“Hay. Tatayo ako dito. Anoba.”

HOT STORIES

THE CYBER LIBEL CASE

Kinasuhan ng negosyanteng si Wilfredo Keng ng cyber libel si Ressa dahil sa diumano’y mapanirang artikulo ng Rappler na lumabas noong May 29, 2012.

Continue reading below ↓

Laman ng artikulo ang paggamit diumano ng namayapang Supreme Court Chief Justice Renato Corona ng sports utility vehicles (SUVs), na pagmamay-ari ni Keng, sa kanyang impeachment hearing.

May intelligence report din daw ang news website na under surveillance si Keng ng National Security Council dahil sangkot diumano ito sa human trafficking at drug smuggling.

Inalmahan din ni Keng ang salitang “shady past” na nakalagay sa artikulo.

Nakailang ulit din diumano nakipag-ugnayan ang kampo ni Keng sa Rappler upang iwasto ang ilang maling detalye sa artikulo.

Pumayag naman diumano ang news website ngunit hindi ito natupad.

Una, "facts" ang ini-report ng Rappler dahil iyong ang trabaho nila.

Pangalawa, nailathala ang report nang hindi pa naisasabatas ang cyber law.

Inilabas muli ng Rappler ang artikulo taong May 2012.

Nang panahong iyon ay wala pang cyber crime law.

Inilabas muli ang artikulo noong February 2014 dahil in-edit nila ang salitang “evation” at ginawang “evasion.”

Continue reading below ↓

Napirmahan ang Cybercrime Prevention Act ni former President Noynoy Aquino noong September 2012, kaya nasakop na raw sa batas ang artikulo ng online news site nang in-update ito.

Bukod kay Ressa, kasama ring nahatulan ng guilty verdict ang dating writer-researcher ng Rappler na si Reynaldo Santos Jr.

Pinayagan ng korte na magpiyansa sina Ressa at Santos sa halagang P400,000 para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Iaapela raw ng kampo nina Ressa at Santos ang desisyon sa mas nakakataas na korte.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korina Sanchez reiterates support for Maria Ressa: "Ito lang ang kauna-unahang conviction of 'cyberlibel' in Philippine history. Talaga? At eto pang mahina ang kaso? Pinag-initan talaga?"
PHOTO/S: Courtesy: @korina / @maria_ressa on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results