Frustrated Lea Salonga swears: “Dear Pilipinas, p***** ina, ang hirap mong mahalin.”

by Jet Hitosis
Jun 15, 2020
International singer Lea Salonga opines on how the government handles criticisms: "I would like to think that in a functioning democracy, this should never be anyone's fear, that their criticism would land them in jail, or worse, a corpse lying on a curb."
PHOTO/S: Lea Salonga on Facebook

Napamura ang international singer at Pinoy Pride na si Lea Salonga sa labis na pagkadismaya sa mga nangyayari ngayon sa bansa.

Ramdam ang matinding disappointment ni Lea, 49, sa kanyang maikling Facebook post ngayong Lunes ng umaga, June 15.

Ang post ay direktang mensahe ng Miss Saigon star sa Pilipinas.

Isinulat ni Lea (published as is): “Dear Pilipinas, p***** ina, ang hirap mong mahalin.”

Walang binanggit na detalye si Lea kung bakit ganoon ang kanyang post.

Hindi rin nagpaliwanag ang music icon sa mga nagtatanong kung ano ang ibig niyang sabihin sa kanyang status.

Gayunman, nakipagdiskusyon si Lea sa Constitutional Reforms advocate na si Orion Perez.

Iginiit ni Orion na matagal nang "sobrang bulok" ng sistema ng gobyerno ng bansa.

Napapanahon na raw, ayon kay Orion, para sa reporma na "based on international best practices."

Bilang sagot, inilahad ni Lea kay Orion ang kanyang "problem."

Ayon kay Lea, hindi siya lubos na nagtitiwala sa lahat ng kanyang nakikita at nababasa "even if and when the sources are supposed to be those in which we should be able to have unquestionable trust."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ng singer, laging nariyan ang "sense of fear that if anyone pisses off the wrong guy, one can get shot in broad daylight."


Ayon pa kay Lea, hindi tamang ikinokonsiderang "expression of hatred" ang pambabatikos sa gobyerno.

Ang pamumuna sa mga nagpapatakbo ng bansa ay bahagi raw ng umiiral na demokrasya, at hindi dapat na magpahamak sa tao.

Sabi pa ni Lea: "I would like to think that in a functioning democracy, this should never be anyone's fear, that their criticism would land them in jail, or worse, a corpse lying on a curb."


CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero malinaw na gets ng mga kapwa celebrities ang maikli pero diretsahang mensahe ni Lea.

Komento ng beteranong aktor na si Michael de Mesa at ng TV director na si Mark Reyes, sinabi na raw ni Lea ang mismong mga salitang nasa isip nila.

Natatawang nagtanong ang singer at The Voice of the Philippines Season 1 winner na si Mitoy Yonting kung kinakaya pa raw ba ni Lea ang mga nangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Coach” ang tawag ni Mitoy kay Lea, dahil ang international singer ang nag-coach kay Mitoy nang sumali at nanalo ito sa The Voice.



Tatlong broken heart emojis naman ang comment ng aktres na si Iza Calzado sa post ni Lea.

HOT STORIES

IS LEA REACTING TO RESSA’S CYBER LIBEL CONVICTION?

Dahil walang kumpirmasyon o follow-up status si Lea tungkol sa post niyang ito, palaisipan kung ano talaga ang pinaghuhugutan ng frustration ng singer.

Pero may naniniwalang nag-react ang international singer sa guilty verdict kay Rappler CEO-Executive Editor Maria Ressa.

Umaga ngayong Lunes nang hatulang guilty sa paglabag sa cyber libel law si Ressa.

Noong Sabado ng hapon, June 13, ipinost ni Lea sa Facebook ang link ng dokumentaryong A Thousand Cuts.

Tinalakay ng docu ni Ramona Diaz ang mga hamon na hinaharap ng mga miyembro ng media sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Limitado lang sa 24 hours ang YouTube screening ng A Thousand Cuts, na nag-premiere nitong June 12, Araw ng Kalayaan.

Sa caption ni Lea, sinabi niyang bagamat hindi pa niya napanood ang A Thousand Cuts, at hindi man magkakapareho ang ating political beliefs, “we need to see this.”

Sulat pa ni Lea sa kanyang post: “Perhaps this can be a catalyst for transformation and change, even if it’s just internal.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makalipas ang ilang oras, ipinost naman ni Lea ang Washington Post article ng international human rights lawyer na si Amal Clooney tungkol sa napipintong verdict kay Ressa.

May titulong “Amal Clooney: A Test for Democracy in the Philippines,” hiling ni Clooney na maabsuwelto ang Rappler founder sa cyber libel case na kinakaharap nito.

Isa si Clooney—misis ng Hollywood A-lister na si George Clooney—sa bumubuo sa legal team ni Ressa.

Sa caption ni Lea, binanggit niyang kaabang-abang ang magiging hatol ng korte kay Ressa sa Lunes.

Saad sa post ni Lea: “We'll all be watching on Monday.

“Let's see what happens then.”

CYBER LIBEL VERDICT AN ATTACK ON PRESS FREEDOM?

Bukod kay Ressa, nahatulan din sa parehong kaso ang dating writer-researcher ng Rappler na si Reynaldo Santos Jr.

Hinatulan ni Manila Regional Trial Court Judge Rainelda Estacio-Montesa sina Ressa at Santos ng anim na buwan hanggang anim na taong pagkakakulong.

Pinagbabayad din sila ng PHP400,000 danyos sa negosyanteng si Wilfredo Keng.

October 2017 nang kasuhan ni Keng sina Santos at Ressa dahil sa Rappler investigative report na isinulat ni Santos noong May 2012.

Sa artikulo, nabunyag na ipinagamit ni Keng ang kanyang mamahaling sports utility vehicle (SUV) sa noon ay ini-impeach na si Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Tinukoy rin sa artikulo ang isang intelligence report na nagsasabing sangkot umano ang negosyante sa human trafficking at drug smuggling.

Naninindigan naman ang Rappler na isang paraan ng panggigipit ng gobyerno kay Ressa ang kaso.

Nalathala kasi ang artikulo ni Santos limang buwan bago naging batas ang Republic Act 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).

Sa RA 10175 nakapaloob ang probisyon sa cyber libel.

Kilala ang Rappler sa paglalathala ng mga balitang kritikal sa administrasyon ni Pangulong Duterte.

Samantala, maraming report ang nagsasabing malapit umano sa Presidente ang negosyanteng si Keng.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
International singer Lea Salonga opines on how the government handles criticisms: "I would like to think that in a functioning democracy, this should never be anyone's fear, that their criticism would land them in jail, or worse, a corpse lying on a curb."
PHOTO/S: Lea Salonga on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results