Sunshine Cruz "seenzoned" by Chuckie Dreyfus after reaching out to him

by Bernie V. Franco
Jun 16, 2020
sunshine cruz versus chuckie dreyfus
Sunshine Cruz on Chuckie Dreyfus: "It is never right na bigla na lang merong lalaki at sasabihin sa national TV na naging kayo."
PHOTO/S: ABS-CBN Entertainment / @chuckiedreyfus on Instagram

Naninindigan si Sunshine Cruz na totoong nanligaw sa kanya noon si Chuckie Dreyfus, pero hindi sila naging magkasintahan.

Ayon kay Sunshine, 42, hinusgahan siya ng mga tao nang itanggi ang pahayag ni Chuckie na naging magkasintahan sila.

Pero giit ng aktres, wala talagang katotohanan ang sinabi ni Chuckie, 45.

Sa tingin ng aktres, nag-assume lang si Chuckie dahil matagal siya nitong niligawan.

Saad ni Sunshine, “Nagulat ako about that. Yes, he courted.

“Maybe there are guys na parang, I think, pag nanligaw, tapos matagal silang nanligaw, feeling nila MU [mutual understanding] na, or mag-un na kami.”

Nagsalita si Sunshine sa online ABS-CBN talk show na Love Thy Chika with Ruffa Gutierrez noong Linggo, June 14.

Ipinagtanggol din ni Sunshine ang sarili sa pambabatikos ng iba na "nag-iinarte" lang siya.

Saad niya, “Hindi naman sa pag-iinarte yung ginawa ko, but people need to know that I have three girls.

"And it is never right na bigla na lang merong lalaki at sasabihin sa national TV na naging kayo.

Continue reading below ↓

“That’s why I told my kids na, ‘Anak, ang daming nagsabi sa aking ang arte ko daw, dati naman akong sexy star. Bakit naman ako nag-iinarte nang ganun?'

"But, kailangan mong ilaban ang isang bagay, lalo na hindi totoo."

Si Sunshine ay may tatlong anak sa dating asawang si Cesar Montano: sina Angelina, Samantha, at Cheska.

Continue reading below ↓

Muling inusisa si Sunshine kung hindi ba talaga niya naging boyfriend si Chuckie.

“Hindi. Nanligaw lang siya sa akin,” diin niya.

Hindi ba nag-reach out sa kanya si Chuckie para mag-sorry?

“Dinededma niya ako. Seenzoned lang ako,” sagot naman ni Sunshine.

Sabi pa ni Sunshine, “Lalabas naman at lalabas ang katotohanan, di ba?

“Siyempre tao rin naman ako. Nasaktan ako sa mga comment ng tao na I know I don’t deserve.”

Nagkasama sina Sunshine at Chuckie sa dating teen-oriented show ng GMA-7 na That's Entertainment, na umere mula 1986 hanggang 1996.

Naging bahagi ng show si Chuckie mula 1987 hanggang 1996.

Pumasok naman sa programa si Sunshine noong 1992 at nanatili hanggang 1996.

HOT STORIES

SUNSHINE VERSUS CHUCKIE

March 14, 2020 nang ibunyag ni Chuckie na naging girlfriend umano niya si Sunshine.

Ginawa niya ito nang maging bahagi siya ng “Bawal Judgmental” segment ng Eat Bulaga.

Dito ay nabanggit niyang may siyam o sampu siyang nakarelasyon mula sa That’s Entertainment.

Continue reading below ↓

Hinamon siya ng mga host na magbanggit ng dalawang nakarelasyon, at pinangalanan niya sina Sunshine at Jessa Zaragoza.

Ayon pa kay Chuckie, mga anim o pitong buwan silang naging magkarelasyon ni Sunshine.

Kinabukasan, March 15, pinasinungalingan ni Sunshine ang pahayag ni Chuckie sa pamamagitan ng Facebook post.

Nanindigan si Sunshine na ang kaisa-isang naging boyfriend niya ay si Cesar, na kalaunan ay pinakasalan niya.

Ikinasal sina Sunshine at Cesar noong 2000, pero naghiwalay sila noong 2013.

Napawalang-bisa ang kasal nila noong 2018.

Pasaring pa ni Sunshine noon kay Chuckie: "Wag na mag claim ang iba dyan. Tanda na natin.

"Sana nakuha mo ang gusto mong atensyon sa ginawa mo. Diosmio!"

Sinabi pa ni Sunshine na hindi rin totoong naging kasintahan ni Chuckie si Jessa.

Sa parehong araw, March 15, nagpaunlak ng exclusive interview si Chuckie sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph).

Pinanindigan ni Chuckie ang kanyang sinabi na may namagitan sa kanila ni Sunshine.

Continue reading below ↓

Pahayag niya, "It's not really a big deal anymore. Nakaraan na naman yun, e.

"Ang akin, I just said what was real, what was true."

Si Chuckie ay kasal na at may dalawang anak.

Paglilinaw pa niya, "It didn't really mean anything to me, or to my family for that matter, because it was a long, long time ago already.

"My wife and my kids know all of my relationships. Para sa akin, nakaraan na yun.”

Pinasinungalingan din niya ang paratang ni Sunshine na kumukuha lang siya ng atensiyon sa ginawa niyang pahayag.

"I am happily married. I have two kids.

"I see no reason why people would think na sasakay ako," sabi ni Chuckie.

Sa pahayag din ni Chuckie ay wala siyang balak na bawiin ang kanyang sinabi.

"I don't take any offense at it. I don't feel even the tiniest of galit sa kanya.

"Kung anuman ang reasons niya for denying it, it's all right,” aniya.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Cruz on Chuckie Dreyfus: "It is never right na bigla na lang merong lalaki at sasabihin sa national TV na naging kayo."
PHOTO/S: ABS-CBN Entertainment / @chuckiedreyfus on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results