Sunshine Cruz on co-parenting status with Cesar Montano: "Mas may participation na siya sa mga bata."

by Bernie V. Franco
Jun 16, 2020
Sunshine Cruz on ex-husband Cesar Montano: “May kanya-kanyang buhay na kami, annulled naman kami ni Cesar. May ibang buhay na siya, and same as with us. Ang importante talaga dito, ang kaligayahan talaga at kapakanan ng mga anak namin.”
PHOTO/S: @sunshinecruz718 on Instagram / CTTO (Cesar)

Kinumpirma ni Sunshine Cruz, 42, na mas ginagampanan ngayon ni Cesar Montano, 57, ang responsibilidad nito bilang ama sa kanilang tatlong anak.

“This year, nagkaroon na siya ng participation… mas may participation na siya sa mga bata.

“They are in touch. Minsan magkasama pa silang nagsisimba,” pagbabahagi ng aktres sa ABS-CBN online talk show na Love Thy Chika with Ruffa Gutierrez noong June 14, Linggo.

Tatlo ang anak nina Sunshine at Cesar: sina Angelina, 18, Samantha, 16, at Cheska, 14.

Dalawang taon na ang nakalilipas nang maglabas ng hinaing si Sunshine sa social media dahil sa kawalan umano ng financial at emotional support ni Cesar sa kanilang mga anak.

Sa pakikipagpalitan niya ng komento sa netizens, nabanggit ni Sunshine na hindi siya nagkulang sa paalaala kay Cesar.

Pero hindi pa rin umano nagko-comply ang aktor sa court order para sa pagbibigay ng suporta sa kanilang mga anak.

Ngayon, mas maayos na raw ang co-parenting nila sa kanilang mga anak.

Continue reading below ↓

THE FATHER OF HER CHILDREN

Sa interview noong Linggo, sinabi ni Sunshine na hindi niya inilalayo ang loob ng kanyang mga anak sa kanilang ama.

“Sinasabi ko naman sa mga bata, 'Kung anuman yung mga nangyari noon, hindi naman ibig sabihin nun ay hindi na kayo mahal ng tatay niyo. Kahit anong mangyari, tatay niyo pa rin ‘yan.'

“May kanya-kanyang buhay na kami, annulled naman kami ni Cesar.

“May ibang buhay na siya, and same as with us.

“Ang importante talaga dito, ang kaligayahan talaga at kapakanan ng mga anak namin.”

Kinumpirma rin ni Sunshine na sumipot si Cesar sa debut ng kanilang panganay na anak noong September 24, 2019, bagamat hindi na ito nakihalubilo sa mga bisita.

“Mas pinili na lang niya na huwag na lang pumasok, siguro iwas na rin sa intriga,” pahayag ni Sunshine.

cesar montano daughters

Continue reading below ↓

HOT STORIES

SUNSHINE GRATEFUL TO ABS-CBN

Ikinasal sina Sunshine at Cesar noong September 14, 2000.

Nagkahiwalay sila noong 2013, pagkatapos ng 13 taong pagsasama bilang mag-asawa.

Napawalang bisa ang kanilang kasal noong September 18, 2018.

Naikuwento ni Sunshine na nang maghiwalay sila ni Cesar, hindi niya alam kung papaano bubuhayin ang kanyang mga anak.

Kaya nagbalik daw siya sa showbiz para itaguyod ang tatlong anak.

Saad niya, “Wala naman kasing ibang sasandalan yung tatlong anak ko kundi ako lang.

“Pag ipinakita ko na weak ako, mahina ako, panghihinaan din sila ng loob.

“Kailangan talaga magpakananay, tibayan ko yung kalooban ko.”

Pag-amin pa ng aktres, “Yes, nag-iiyak pa rin ako. There was a time na nalungkot ako nang sobra-sobra.

“Pero binigyan ko ng expiration date yung pagdadalamhati at pagiging malungkot ko.

"Kasi hindi naman pwedeng habambuhay tayong ganun. Kawawa yung mga bata.

“So, sila yung mga naging inspirasyon ko para makabangon.”

Ang ABS-CBN daw ang tumulong sa kanya para makabalik sa trabaho.

Continue reading below ↓

“And I’m really very grateful to ABS-CBN.

"Kasi, one week pa lang o two weeks nang nabalitaan ng ABS-CBN na hiwalay na ako, nagkaroon agad ako ng offer na teleserye, yun yung Dugong Buhay.

"After 2013, nagdire-diretso na ako, kaya kahit papaano, nagkaroon ako ng lakas ng loob, nagkaroon ako ng pera para mabuhay ko yung mga anak ko.”

Sa kasalukuyan ay bahagi si Sunshine ng Kapamilya afternoon teleserye na Love Thy Woman.

NOT READY TO GET MARRIED AGAIN

Ang karelasyon ngayon ni Sunshine ay si Macky Mathay, kapatid ng aktres na si Ara Mina.

Ipagdiriwang nina Sunshine at Macky ang kanilang fourth anniversary sa September.

May tatlo ring anak si Macky anak sa dating asawang si Camille Fariñas.

Apat na taon nang hiwalay si Macky kay Camille.

Bagamat matagal na silang magkarelasyon ni Macky, hindi pa raw handa si Sunshine na magpakasal.

“Ngayong taon na ‘to, inaasikaso ko pa nga yung apelyido ko na mabalik sa Cruz, di ba?” pahayag ni Sunshine.

Continue reading below ↓

“Sa ngayon kasi, Montano pa rin ako… ang dami ko pang dapat asikasuhin.

“At the same time, si Macky rin meron pa ring dapat asikasuhin.”

Sabi ni Sunshine tungkol sa usapang kasal, “Ang akin, in God’s perfect time.

“Kung talagang papakasal kami, wait and see na lang.

“Pero for now naman, ang mahalaga, magkakasundo yung mga anak namin, masaya kami. Yun na muna.

“So, bahala na, tingnan na lang natin kung ano mangyayari sa future.”

Samantala, wala na raw siyang mahihiling pa sa relasyon nila ni Macky.

Halos apat na taon na silang magkarelasyon, pero raw hindi sila nag-aaway.

“This is the relationship that I’ve always wanted,” sabi ni Sunshine.

“Yung happy lang, yung kalma lang, yung nagsusuportahan lang talaga sa isa't isa.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Cruz on ex-husband Cesar Montano: “May kanya-kanyang buhay na kami, annulled naman kami ni Cesar. May ibang buhay na siya, and same as with us. Ang importante talaga dito, ang kaligayahan talaga at kapakanan ng mga anak namin.”
PHOTO/S: @sunshinecruz718 on Instagram / CTTO (Cesar)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results