Titleholders Janina San Miguel, Sophia Senoron open up about indecent proposals in beauty pageants

by Arniel C. Serato
Jun 17, 2020
Bb. Pilipinas-World 2008 Janina San Miguel (left) and Miss Multinational 2017 Sophia Senoron (right) talk about their bad experiences in the glamorous world of beauty pageants.
PHOTO/S: Courtesy: YOUTUBE (CNA INSIDER) / File

Muling pinatotohanan ng dating beauty queen na si Janina San Miguel, 29, ang kanyang naunang isiniwalat tungkol sa indecent practices sa mga beauty pageants.

Sa pagkakataong ito, sinegundahan siya ni Sophia Senoron, 21.

Si Janina ang kinoronahang Bb. Pilipinas-World noong 2008.

Si Sophia naman ay itinanghal na Miss Multinational 2017.

Parehong 17 years old ang dalawang beauty queens nang mapanalunan nila ang kani-kanilang korona at titulo.

Sa exclusive report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras ng GMA-7 noong June 11, ibinahagi nina Janina at Sophia ang kanilang karanasan tungkol sa indecent proposals na natanggap nila noong sumali sila sa pageants.

Kasunod ito ng pag-amin ni Janina sa Undercover Asia, isang investigative series na umeere sa Channel NewsAsia ng Singapore, na milyun-milyon halaga ang inaalok sa mga titleholders para sa one-night stand o di kaya'y para maibahay sila.

Pinamagatang “The Hidden Side of Philippines Beauty Pageants,” tinalakay rito ang maruming kalakaran sa industriya ng beauty pageants—mapababae o lalaki.

Continue reading below ↓

LUXURIOUS OFFERS

Sa report ng 24 Oras, inilahad ni Sophia ang masamang karanasan sa kanyang pagsali sa beauty pageant.

Kahit na may mga chaperones silang kasama, nalulusutan pa rin daw paminsan-minsan ng mga may balak na kakaiba.

Kuwento ni Sophia, “Because when you win, you become more of a prized target.”

Anu-ano ang mga natanggap niyang offers noon?

“The biggest thing that I was offered was bahay, condo, car, everything.

“Parang, I think, ang makapal pa yung mukha is hindi pa sa akin diniretso, sa nanay ko.”

Muli namang inilahad ni Janina ang kanyang naranasan nang alukin siya ng iba’t ibang regalo ng isang lalaki.

Kuwento niya, “Sabi niya sa akin, ‘Huwag ka na lang mag-ano, mag-aral, mag-asawa ka na lang,’ sabi niyang ganun.

“So, parang nag-o-offer ng marriage, ganun.”

Continue reading below ↓

Nauna nang sinabi ni Janina na may pera ring inaalok sa mga beauty queens.

Sabi niya sa panayam ng Undercover Asia, "Tapos nung nandun na kami, sinabi na three million [pesos] for a one-night stand.”

Mas malaking halaga pa raw ang alok kapag pumayag sa long-term condition ang titleholder o beauty queen.

HOT STORIES

EASY TARGETS

Wala raw pinipili ang mga sexual predators—maliit man o malaking patimpalak at maging sa Pilipinas o sa ibang bansa.

Ayon kay Sophia, labis itong nakakabahala.

Saad niya, “People just think that women are easy targets.

“And it’s a terrible, terrible narrative.

“No matter where you are in the world, ganun yung perspective. That’s the majority.

“Women will always be considered as an object at some parts of the world.

“And it’s disgusting and it something that needs to stop.”

Continue reading below ↓

Personal daw na may kaalaman dito si Janina dahil sa maraming pagkakataong naging hurado siya ng ilang local pageants.

Lahad niya, “Ang dami ko na pong na-judge na iba’t ibang pageant sa iba’t ibang lugar dito sa ano, sa Pilipinas.

“Karamihan po doon, mostly ang pinapanalo nila dun sa lugar na yun ay mga girlfriend o mga ano nga ng local politicians din.”

Nababahala pang dagdag ni Sophia, “Super, grabe talaga pag local pageants.

“If you ever go to local pageant, you’ll see the hunger in women’s eyes, the hungry… the managers.”

Ayon pa sa ulat, masuwerte sina Janina at Sophia na mga prestihiyosong patimpalak ang kanilang nasalihan kaya kahit papaano ay naging kontrolado ang mga kakaibang kalakarang ito.

RIGHT TIMING?

Ayon pa kina Janina at Sophia, mabuti na rin daw at napag-uusapan na ngayon ang hindi magandang kalakaran sa mga beauty pageants.

Sabi ni Sophia, “Buti nga, spotlight onto it.

Continue reading below ↓

“This aggressiveness is very important, because I really do believe that the women in the industry need protection.”

Sa panig naman ni Janina, “good memory” sa kanya ang pagsali sa mga pageants.

Nagbitiw si Janina bilang Bb. Pilipinas-World titleholder noong September 2008, tatlong buwan bago ganapin ang Miss World 2008 pageant sa South Africa.

Personal ang idinahilan noon sa kanyang naging desisyon.

Ngayon, namumuhay na nang simple si Janina.

Pero kung magkakaanak daw siya, hindi niya ito hihikayating sumali sa beauty pageants.

Saad ng dating beauty queen, “Oo naman, pero kung magkakaanak ako, hindi ko na papa-join ng pageant kasi baka mapahamak pa, e.

“Hindi kayang dalhin yung ganoong industriya, di katulad ko na strong person.”

Sinang-ayunan naman ito ni Sophia.

Sabi niya, “Aside from the pressure of the competition, if you feel unsafe, then you will definitely... mag-iiba ka talaga.

“You will just walk out… you walk away from your dream, which might be the most heartbreaking thing.”

Continue reading below ↓

PRECAUTIONARY MEASURES

Hanggang ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag ang Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) tungkol sa pagsisiwalat ni Janina.

Ang BPCI ang may hawak noon ng local franchises ng Miss Universe at Miss World.

December 2019, inanunsiyo ng BPCI na wala na sa kanila ang franchise ng Miss Universe, pagkatapos ng 50 years.

2011 naman nang mawala ang franchise ng Miss World sa BPCI.

Ang Miss World Philippines ang may hawak ng Miss Multinational Philippines.

Si Sophia ang kauna-unahang nanalo ng titulo sa bansa noong 2017, at siya rin ang nag-uwi ng international title sa pageant na ginanap sa India.

Kaugnay ng isyu, sinabi ng national director ng Miss World Philippines na si Arnold Vegafria na labis silang nag-iingat sa kanilang pageant upang maiwasan ang mga mangyaring harassment.

Saad niya, “Every time they go, they’re always with chaperones.

“And some of them, especially the young ones, inire-require ko yung family nila, or parents nila to be present there.”

Continue reading below ↓

Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa maaring ihayag ng BPCI ukol sa usapin.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bb. Pilipinas-World 2008 Janina San Miguel (left) and Miss Multinational 2017 Sophia Senoron (right) talk about their bad experiences in the glamorous world of beauty pageants.
PHOTO/S: Courtesy: YOUTUBE (CNA INSIDER) / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results