Megan Young leads eSports fundraiser for LGBTQIA community

by Jet Hitosis
Jun 17, 2020
Miss World 2013 titleholder and actress Megan Young is also an online game streamer.
PHOTO/S: @meganbata on Instagram

Pangungunahan ng actress-beauty queen na si Megan Young ang kauna-unahang eSports fundraiser para sa LGBTQIA community.

Ang LGBTQIA ay nangangahulugan ng lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, at asexual.

Ang 30-year-old Miss World 2013 titleholder ay matagal nang nagsusulong ng equal rights para sa LGBTQIA.

Para sa advocacy na ito, gagamitin ni Megan ang kanyang pagiging gamer upang makalikom ng pondo sa kapakinabangan ng LGBTQIA.

Continue reading below ↓

Si Megan ay isang up-and-coming game streamer, o iyong nagla-live streaming habang naglalaro ng online games.

Masusubukan ang gaming expertise ni Megan sa “VersUs: The TaskUs Battles,” na gagawin sa Biyernes, June 19, 6:00 ng gabi.

Para sa exhibition game for a cause, makakalaban ni Megan si Red Fernandez, isang drag queen at Mobile Legends expert.

Continue reading below ↓

MEGAN TO RAISE FUNDS FOR HIV MEDS

June 12 nang ipinost ni Megan sa Instagram ang tungkol sa esports fundraiser na ito.

“This Pride Month, I’ve been given the opportunity to combine my passion for gaming and social issues,” saad sa post ni Megan.

Ang kikitain sa benefit game ay ididiretso sa HIV (human immunodeficiency virus) advocacy group na Love Yourself.

“I’ve been learning about HIV awareness and I want to help end the stigma surrounding these conversations,” dagdag niya.

Continue reading below ↓

Gagamitin ang proceeds sa pagde-deliver ng HIV test kits at antiretroviral medicines sa bahay ng mga kliyente ng Love Yourself ngayong may coronavirus pandemic.

Ang TaskUs ay isang customer experience at content moderation company.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss World 2013 titleholder and actress Megan Young is also an online game streamer.
PHOTO/S: @meganbata on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results