Bryan Termulo empathizes with Daryl Ong over ABS-CBN ban: "Relate ako dun."

by Bernie V. Franco
Jun 18, 2020
daryl ong ban abs cbn
bryan termulo ban abs cbn
Bryan Termulo (left) on Daryl Ong's (right) claim that he was banned from ABS-CBN: “Totoo lang naman sinabi nya. Kung experiences lang pag uusapan naku tahimik lang din ako.”
PHOTO/S: @bryantermulo and @imdarylong on Instagram

Nakaka-relate daw si Bryan Termulo, 32, sa sinapit ng kapwa singer na si Daryl Ong, 33.

Ito ay matapos aminin ni Daryl na wala na siya sa ABS-CBN, hindi dahil umalis siya kundi dahil banned na siya sa network.

Sa kanyang sunud-sunod na tweets noong Lunes, June 16, ipinagtanggol ni Bryan si Daryl sa mga bashers.

Pahayag ni Bryan, “Bakit yung iba nagagalit kay Daryl Ong?

“Nagsalita lang sya base sa experience nya.

“Di dahil attention seeker sya or what.

“Totoo lang naman sinabi nya.

“Kung experiences lang pag uusapan naku tahimik lang din ako.”

Mensahe pa niya kay Daryl, “LOL I feel you daryl. Ganun talaga ang buhay [smile emoticon] be strong.”

Continue reading below ↓

Ilang sandali ang lumipas, muling nag-tweet si Bryan bunsod na rin ng reaksiyon ng netizens.

May mga nakisimpatiya kay Bryan, pero mayroon ding inakusahan siyang nagpapapansin.

Iginiit ni Bryan na hindi siya nakikisakay sa isyu kundi dahil nakaka-relate siya sa sinapit ni Daryl.

Gaya ni Daryl ay dati ring naging talent ng ABS-CBN si Bryan.

Saad niya (published as is): “Pag naranasan mo yung halos pareho nung na experience ng isang tao. Malamang yung sympathy mo nadun sa taon na yun.

“Experience is the best teacher talaga.

“I completely understand daryl. Relate ako dun.

“O sya last na to.

“Lol. Idol ko din naman sya kasi eh.”

Continue reading below ↓

May isang netizen ang nag-udyok kay Bryan na idetalye kung ano ang karanasan niya sa ABS-CBN.

Pero sagot niya, “Wag napo [smile emoticon]”

FROM GMA-7 TO ABS-CBN

Bago tumahimik ang kanyang showbiz career, identified si Bryan sa ABS-CBN.

Pero nagsimula siya sa bakuran ng GMA-7.

Siya ang first runner-up sa Kapuso reality singing contest na Pinoy Pop Superstar Season 3 noong 2007.

Continue reading below ↓

Si Maricris Garcia ang itinanghal na champion sa season na iyon.

Lumipat si Bryan sa ABS-CBN noong 2011, at nagkaroon ng maraming singing and acting projects sa Kapamilya network.

Napabilang siya sa mga teleseryeng Budoy (2011-2012), Huwag Ka Lang Mawawala (2013), at Dream Dad (2014-2015).

Nakapag-record din siya ng maraming kantang ginamit sa mga teleserye ng Kapamilya network.

Pinakahuling proyekto niya sa ABS-CBN ay ang pagiging segment host ng Umagang Kay Ganda, mula 2014 hanggang 2016.

DARYL BANNED FROM ABS-CBN

Sa YouTube video ni Daryl noong June 15, ikinuwento niya kung bakit na-ban siya sa ABS-CBN.

Nagsimula raw ito nang makarating sa isang big boss ng network ang recorded conversation nila ng kapwa singers na sina Bugoy Drilon at Michael "Khel" Pangilinan habang naghihintay ng flight nila papuntang Iloilo.

Kasama rin daw nila noon ang isang babaeng dating nagtrabaho sa ABS-CBN at isang lalaking inakala nilang kaibigan ng babae.

Sa takbo ng kanilang usapan, napagkuwentuhan nila ang tungkol sa hakbang ng National Union Journalists of The Philippines (NUJP) na kumalap ng one million signatures para sa renewal ng ABS-CBN franchise.

Continue reading below ↓

Ayon kay Daryl, binanggit daw niya na hindi maaabot ang one million signatures na quota sa itinalagang deadline ng NUJP.

Ganito raw ang binitawang salita ni Daryl: “'Naku, malabo na 'yan, mahirap na 'yan. Kalaban pa man din nila ang gobyerno. Si Presidente ba naman ang kalaban. So, malabo na 'yan.'”

Isinumite ng NUJP ang tinatayang 200,000 signatures sa Kongreso noong February 19.

Sa pag-uusap daw ng singers, hindi nila alam na nire-record pala ng lalaki ang kanilang pag-uusap.

Ani Daryl, lumalabas na kilala pala ng lalaki ang isang big boss sa ABS-CBN at ipinadala rito ang recorded conversation nila.

Ang sumunod na pangyayari, kinausap daw sina Daryl at Bugoy ng kanilang manager.

Ipinaabot sa kanilang bawal na silang lumabas sa mga programa ng ABS-CBN.

Desisyon daw ito ng ABS-CBN big boss matapos marinig umano ang private conversation nila tungkol sa sitwasyon ng ABS-CBN.

Ang interpretasyon, wala raw utang na loob at walang malasakit sina Daryl at Bugoy sa pinagdadaanan ngayon ng kanilang home network.

Continue reading below ↓

Naghimutok pa si Daryl na hindi na raw pinakinggan ng big boss ang kanilang panig.

Kaugnay nito, nag-guest si Daryl kamakailan sa mga programa ng GMA-7 na Eat Bulaga! at Tutok To Win.

Inakusahan siya ng netizens na sinamantala niya ang paglipat sa Kapuso network ngayong naka-shutdown ang Kapamilya network.

Si Daryl ay produkto ng singing competition sa ABS-CBN, ang The Voice of the Philippines Season 2 noong 2014.

Gayundin si Bugoy na first runner-up sa Pinoy Dream Academy Season 2 (2008).

At this writing ay hindi pa rin naglalabas ng panig ang ABS-CBN hinggil sa pahayag ni Daryl, bagamat sinikap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makakuha ng statement mula sa kanila.

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig ng lahat ng mga taong sangkot sa isyung ito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bryan Termulo (left) on Daryl Ong's (right) claim that he was banned from ABS-CBN: “Totoo lang naman sinabi nya. Kung experiences lang pag uusapan naku tahimik lang din ako.”
PHOTO/S: @bryantermulo and @imdarylong on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results