GMA News' Raffy Tima sympathizes with ABS-CBN’s Karen Davila, Rappler’s Maria Ressa

by Arniel C. Serato
Jun 18, 2020
GMA news reporter and anchor Raffy Tima (left) to ABS-CBN's Karen Davila (center) and Rappler's Maria Ressa (right): "And I, in my own personal and little way, am with you both.”
PHOTO/S: Courtesy: @raffytima / @iamkarendavila on Instagram / GMA News on Facebook

“Am with you both.”

Ito ang bahagi ng maiksing mensahe ng GMA News anchor at reporter na si Raffy Tima kay ABS-CBN broadcaster Karen Davila at sa Rappler executive editor Maria Ressa.

Sa post ni Raffy sa Twitter noong June 15, ibinahagi niya ang tweet ni Karen tungkol sa pakikisimpatiya ng buong ABS-CBN kay Maria, na nahatulang guilty sa cyber libel case nito.

Nakalagay sa post ni Karen: “We’re with you @rapplerdotcom

Continue reading below ↓

Sabi naman ni Raffy: “And I, in my own personal and little way, am with you both.”

Nilinaw ni Raffy na personal niyang opinyon ito, hindi ng GMA-7, ang network na kanyang kinabibilangan.

Bunsod ng guilty verdict kay Ressa, pati na ang napipintong pagsasabatas ng Anti-Terrorism Bill, maraming journalists ang nababahala sa banta sa “press freedom” at “free speech.”

Continue reading below ↓

Bukod kay Ressa, guilty rin ang hatol ni Manila Regional Trial Court Judge Rainelda Estacio-Montesa sa dating researcher-writer ng Rappler na si Reynaldo Santos Jr.

Isang maiksing “Salamat Raffy!!” naman ang tugon ni Karen sa tweet ng mamamahayag.

Dating magkasama sa GMA-7 sina Raffy at Karen.

Naging magkatrabaho naman sina Karen at Maria sa ABS-CBN, bago itatag ng huli ang kanyang online news site.

Continue reading below ↓

DEFEND PRESS FREEDOM

Nanawagan naman si Raffy sa mga mamamayan na makiisa sa mga journalist na katulad niya upang itaguyod ang malayang pamamahayag.

Tweet niya matapos mahatulang guilty si Maria: “#DefendPressFreedom.”

Dagdag ni Raffy, “To fully understand the events happening around us, we must and we should put everything into CONTEXT, according to Merriam Webster - “the situation in which something happens: the group of conditions that exist where and when something happens.” Let us not be naive.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA news reporter and anchor Raffy Tima (left) to ABS-CBN's Karen Davila (center) and Rappler's Maria Ressa (right): "And I, in my own personal and little way, am with you both.”
PHOTO/S: Courtesy: @raffytima / @iamkarendavila on Instagram / GMA News on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results