Chuckie Dreyfus camp refutes Sunshine Cruz's “seenzoned” claim

by Bernie V. Franco
Jun 18, 2020
chuckie dreyfus sunshine cruz seenzoned
Chuckie Dreyfus camp on his revelation about past relationship with Sunshine Cruz: "There was absolutely no malice and no need for him to fabricate stories."
PHOTO/S: Facebook (Chuckie Dreyfus) / @sunshinecruz718 on Instagram

Wala raw katotohanan ang sinabi ni Sunshine Cruz, 42, na “dinededma” at “seenzoned” lang siya ni Chuckie Dreyfus, 45.

Lalo pa't wala naman daw mensaheng natatanggap si Chuckie mula kay Sunshine.

Ito ang nilinaw ng management ni Chuckie sa statement na ipinadala nila sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong hapon ng Huwebes, June 18.

Ang statement ay galing kay Juan Paulo Infante, presidente ng JPI Entertainment, ang talent management company na kinabibilangan ni Chuckie.

Nakasaad dito: “To clarify, Chuckie has never been ignoring Sunshine, or in her own words, ‘dinededma’ and ‘seenzoned.’

“To say such implies that Ms. Cruz has first tried to reach out to Chuckie through any of his messaging platforms which she has actually never done at all.”

Ang reaksiyon na ito ng kampo ni Chuckie ay tugon sa naging pahayag ni Sunshine sa online ABS-CBN talk show na Love Thy Chika with Ruffa Gutierrez noong Linggo, June 14.

Continue reading below ↓

Sa online show, inusisa si Sunshine kung nag-sorry raw ba sa kanya si Chuckie.

Tugon ng aktres: “Dinededma niya ako. Seenzoned lang ako.”

HOT STORIES

HE SAID, SHE SAID

Nagkaroon ng iringan ang dalawang That’s Entertainment alumni nang ibunyag ni Chuckie na may namagitan noon sa kanila ni Sunshine.

Ginawa ni Chuckie ang pag-amin nang maging parte siya ng “Bawal Judgmental” segment ng Eat Bulaga! noong March 14, 2020.

Dito ay sinabi niyang may nakarelasyon siyang siyam o sampung taga-That’s Entertainment, at isa na raw rito si Sunshine.

Inalmahan ito ni Sunshine.

Sa kanyang Facebook post kinabukasan, March 15, itinanggi ng aktres na nagkarelasyon sila ni Chuckie.

Sinabihan din ni Sunshine ang aktor na nagpapapansin lang ito.

Sa exclusive interview ni Chuckie sa PEP (Philippine Entertainment Portal) noong March 15, malinaw na wala siyang balak bawiin ang kanyang pag-amin.

Pahayag noon ni Chuckie: "I wouldn't have said it if it wasn't the truth.

Continue reading below ↓

"Una, what will I get out of saying that? It's not to embarrass her or anything.

"Regardless if it was six months, three months, one year... actually, it's irrelevant.

"It didn't really mean anything to me, or to my family for that matter, because it was a long, long time ago already."

CANDID ANSWER

Sa latest statement ng kampo ni Chuckie, kinontra nila ang paratang na nagpapapansin lang ang aktor sa ginawa nitong pag-amin tungkol sa nakaraan nila ni Sunshine.

Humingi ng paumanhin ang panig ni Chuckie dahil sa nangyaring isyu, pero mali raw na paratangang gumagawa lang ng ingay ang dating child actor.

Bahagi pa ng pahayag ng kampo ni Chuckie: “We would like to apologize to the public (and to the public only) for whatever commotion or issue this whole situation may have caused.

“However, it is unfair to accuse Chuck of seeking attention when the context of his statement was very clear.

Continue reading below ↓

“What was said during his guesting on Eat Bulaga's Bawal Judgmental portion was part of a candid answer to a question during the game.”

Hindi raw nagsinungaling si Chuckie sa pambibistong ginawa niya tungkol sa nakaraan nila ni Sunshine.

“Chuckie answered honestly and to the best of his knowledge,” ani Infante.

“There was absolutely no malice and no need for him to fabricate stories.

“He is happily married and a father to two wonderful children.”

Ayon pa sa kampo ni Chuckie, ito na ang una't huling pagkakataong magsasalita sila tungkol kay Sunshine.

Pinagtutuunan ng pansin ngayon ni Chuckie ang pagiging blogger at social media influencer.

Si Sunshine naman ay bahagi ng ABS-CBN teleseryeng Love Thy Woman.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chuckie Dreyfus camp on his revelation about past relationship with Sunshine Cruz: "There was absolutely no malice and no need for him to fabricate stories."
PHOTO/S: Facebook (Chuckie Dreyfus) / @sunshinecruz718 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results