Willie Revillame says Sanya Lopez was courted by Michael Pangilinan

by Arniel C. Serato
Jun 18, 2020
During Kapuso actress Sanya Lopez's (center) live appearance on Tutok Wo Win today, June 18, hosts Willie Revillame (left) quips, "Ang nanligaw sa kanya ay si Michael Pangilinan (right)."
PHOTO/S: File / Courtesy: @sanyalopez / @khel.pangilinan on Instagram

Sa guest appearance ni Sanya Lopez sa Tutok to Win ng GMA-7 ngayong Huwebes ng hapon, June 18, ibinuko ng host na si Willie Revillame na may nanligaw sa Kapuso actress.

Pambubuko ni Willie, “Ang nanligaw sa kanya ay si Michael Pangilinan.”

Pero mariin naman itong itinanggi ni Sanya.

Sabi niya, “Ay, hindi po.”

Pabirong buwelta ni Willie, “Sinungaling ka.”

Biglang tinugtog ang kanta ni Michael na “Bakit Ba Ikaw?” na sinabayan naman ni Sanya.

Continue reading below ↓

Nagkasama sina Sanya at Michael sa defunct GMA-7 na show na Master Showman: Walang Tulugan ng namayapang si German “Kuya Germs” Moreno.

Saad ng 23-year-old Kapuso actress, “Magkapatid po kami sa Walang Tulugan.”

Nag-commercial break at artcard na lamang ng show ang mapapanood sa screen, narinig si Willie na nagsalitang “Uy, kinikilig ka ha.”

HOT STORIES

WILL SANYA FALL FOR WILLIE?

Sa iba pang bahagi ng kanilang kuwentuhan, tinanong ni Willie si Sanya kung ano ang pangarap nito sa buhay.

Biro ng Kapuso actress, “Pangarap ko sa buhay ko? Ikaw lang.”

Natatawang sabi ng TV host, “Sanya, parang di mo alam, 59 na ako.

“Sa January, 60 na ako. Ilang taon ka na?”

Twenty-three pa lang si Sanya.

Singit ni Donita, “Importante ba ang edad ng isang tao?”

Tugon ng dalaga, “Hindi. Kahit naman anong mangyari sa atin, ang importante naman ay yung pagmamahal.”

Biro muli ni Willie, “Ikaw ba ay handa ka nang umibig para sa isang parang lolo mo na?”

Continue reading below ↓

Sagot ni Sanya, “E, pagdating naman sa pagmamahal, alam mo, wala namang pinipili ‘yan.

“Pangalawa, kaya ka nagmamahal kasi gusto mo siyang tulungan.”

Biro pa ng dalaga kay Willie, “Tulad mo, ayaw mo nun, pagdating ng panahon, ako naman ang tutulak ng wheelchair mo?”

Sabi ng TV host-producer, “So, mag-aalaga ka ng wheelchair ko?”

Natatawang sagot ni Sanya, “Ako ang tagatulak sa 'yo!

“Tapos pag kakain ka, bago ka kumain, i-maintainance ka.”

Halakhak pang biro ni Willie, “Napaka-sweet niya, 'no? So, handa ka?”

Tugon ni Sanya, “Oo, kasi yung isang room dito sa Wil Tower nakapangalan na sa akin.”

Marami pa silang naging biruan sa live episode ng game show ni Willie.

Samantala, sinabi ni Sanya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay single pa rin siya.

Saad niya, "Siguro kasi mas ano, lumaki kasi ako na parang, alam mo, wala sa 'yo lahat.

"Tapos ngayon, binibigay sa 'yo ang opportunity para magkaroon ka.

Continue reading below ↓

"Tapos baka natatakot na baka mawala yun kapag isiningit ko pa'yun."

Biro pa ni Sanya kay Willie, "Pero pag dumating yung tamang tao, yung mga 59 years old, puwede naman po."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
During Kapuso actress Sanya Lopez's (center) live appearance on Tutok Wo Win today, June 18, hosts Willie Revillame (left) quips, "Ang nanligaw sa kanya ay si Michael Pangilinan (right)."
PHOTO/S: File / Courtesy: @sanyalopez / @khel.pangilinan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results