Cebuana motovlogger dismisses posts linking her to John Lloyd Cruz

by Arniel C. Serato
Jun 19, 2020
Young Cebuana motovlogger Ma. Rica Cobarrubias, popularly known as Jet Lee, denies romantic involvement with actor John Lloyd Cruz.
PHOTO/S: Courtesy: Jet Lee on Facebook

Inalmahan ng Cebuana motovlogger na si Ma. Rica Cobarrubias, o mas kilala sa tawag na Jet Lee, ang espekulasyong may relasyon sila ng aktor na si John Lloyd Cruz.

Ang motovlogger ay tawag sa isang taong nagre-record ng video habang nakasakay sa motorsiklo.

Nag-ugat ang espekulasyon sa larawan nila ni John Lloyd na ipinost ni Jet sa Facebook noong June 15.

Caption niya rito: “With John Lloyd Cruz. When JL meets JL”

Continue reading below ↓

Noong araw ring iyon, ibinahagi ng motovlogger ang larawan nila ng 36-year-old actor mula sa Moto Vanito Facebook page.

Caption naman ni Jet dito: “When JL meets JL.”

Makikita sa larawan na pareho sila ng suot na motocross outfit na may nakasulat na "Jet Lee."

Dahil sa nasabing mga post, may mga nagsulat ng artikulo na nagpapahiwatig na may namamagitan kina Jet at John Lloyd.

Continue reading below ↓

Marami ring hindi magagandang komento tungkol dito.

HOT STORIES

"JOWA AGAD"

Sa kanyang official Facebook page noong Martes, June 16, kinastigo ni Jet ang mga nagsulat at binigyan ng malisya ang litrato nila ni John Lloyd.

Sabi ng motovlogger, “Shout out sa author pati narin sa mga pages gumagawa ng issue!

“nag papapicture lang, jowa agad.

“uhaw na uhaw cguro sila ng followers para ma boost din page nila.

“pag gusto nyo sumikat pag sugba mo ice (mag-ihaw kayo ng yelo), richmindset ba!

“Naunsa natog mo? (Bakit nakatulog ba kayo)?

“HAHAHAHAHHAHA”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

WHO IS JET LEE?

Si Jet, 20, ang pinakabatang female motorcycle rider sa Cebu.

Siya ay mula sa Talisay City, Cebu.

Nagsimula siyang mag-aral ng pagmu-motor noong grade school pa lamang siya.

Hinahangaan siya ng netizens dahil sa kanyang mga astig na motorcycle stunts.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ambassadress din siya ng Land Transportaion Office (LTO) Region-7.

Tinawag din siyang “TCH (transcentral highway) Princess” ng Cebu.

Madalas kasi silang nagmu-motor sa transcedental highway sa Cebu na nagkukunekta sa Cebu City at sa iba pang siyudad at bayan ng Cebu Province.

Continue reading below ↓

Samantala, hindi malinaw kung nasa Cebu pa rin ngayon si John Lloyd Cruz o nakaluwas na siya ng Manila.

Sa Cebu na nakabase ang aktor para masubaybayan niya ang paglaki ng anak nila ng dating partner na si Ellen Adarna, si Elias Modesto.

August 2019 naghiwalay ang dalawa.

Samantala, nagpadala ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Jet sa kanyang Instagram at Facebook accounts upang hingan ng karagdagang pahayag.

Agad namin itong ilalathala kapag nakuha na namin ang kanyang sagot.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Young Cebuana motovlogger Ma. Rica Cobarrubias, popularly known as Jet Lee, denies romantic involvement with actor John Lloyd Cruz.
PHOTO/S: Courtesy: Jet Lee on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results