Woman claims Hollywood actor Ansel Elgort “sexually assaulted me when I was 17”

Jun 20, 2020
ansel elgort selfie
A woman posted an open letter on social media accusing Hollywood actor Ansel Elgort of a sexual assault that allegedly took place in 2014.
PHOTO/S: @ansel on Instagram

Trending ang Hollywood actor na si Ansel Elgort, 26, kasunod ng lumabas na open letter ng isang babaeng nag-akusang pinagsamantalahan umano siya ng aktor.

Nagpakilala ang babae bilang Gabby, at ipinost nito ang kanyang open letter sa Twitter, gabi ng Biyernes, June 19.

Simula kagabi hanggang sa isinusulat ang balitang ito, top trending topic si Ansel.

Sa Pilipinas, nakilala si Ansel nang mapabilang sa Divergent movie series na ipinalabas ng 2014, 2015, at 2016.

Pero lumaki ang kanyang pangalan sa film adaptation ng best-selling book na The Fault in our Stars noong 2014.

Lead star din siya sa critically-acclaimed 2015 movie na Baby Driver.

Ang kanyang upcoming movie ay ang West Side Story ng Disney na ipapalabas sana sa December.

THE ALLEGED ASSAULT

Sa open letter, nagdetalye ang babae kung paano umano siya nakaranas ng sexual assault sa aktor.

Nangyari raw ito noong 2014, at 17 years old lamang daw siya noon.

Continue reading below ↓

“I was sexually assaulted a couple days after I just turned 17,” bungad ni Gabby.

“I’m not posting this to ‘clout chase’ because I simply don’t care for that.

“I’m posting this so I can finally heal and I know I’m not alone and he’s done this to other girls,” akusasyon pa nito.

Kuwento ng babae, na aminadong fan ni Ansel, nag-direct message umano siya sa aktor, na sumagot sa pamamagitan ng social media app na Snapchat.

Saka niya idinetalye kung paano pinilit umano ni Ansel ang kanyang gusto.

Published as is: “So when it happened instead of asking me if I wanted to stop having sex knowing it was my first time and I was sobbing in pain and I didn’t want to do it the only words that camed out of his mouth were ‘we need to break you in’ I WASN’T there in that moment mentally.”

Giit ng babae: “I WAS SO YOUNG AND HE KNEW THAT.”

Continue reading below ↓

RELATED STORY

Sabi pa niya, humingi si Ansel sa kanya ng nude photos, at nagsabing gusto raw nitong magkaroon ng threesome kasama siya at sa isa pa sa kanyang “dance friends” na menor de edad rin.

Lumipas ang ilang taon, na-diagnose raw ang babae ng PTSD o post-traumatic stress disorder, at nagkaroon ito ng panic attacks kaya’t sumailalim sa therapy.

Lahad niya: “Finally I’m ready to talk about it and finally heal.”

Ang intensiyon raw ng babae ay iparating sa ibang biktima ng pananamantala na hindi sila nag-iisa.

“There much more to my story I simply don’t want to post it all.

“I will tweet screenshots and pictures of me and him down below”

Sa ibinahaging larawan ng babae, natakpan ang mukha nito ng kanyang kamay, habang katabi niya ang aktor.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ilang foreign entertainment websites na ang naglabas tungkol sa open letter ng babae, na nakipag-ugnayan na rin umano sa kampo ni Ansel.

At press time, wala pang reaksiyon ang kampo ng American actor.

Nagpadala rin ng direct message ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa aktor upang hingin ang reaksiyon nito hinggil sa mga alegasyon laban sa kanya.

Bukas ang PEP.ph sa paglathala ng panig ni Ansel.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Read More Stories About
Ansel Elgort, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A woman posted an open letter on social media accusing Hollywood actor Ansel Elgort of a sexual assault that allegedly took place in 2014.
PHOTO/S: @ansel on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results