Sharon Cuneta to man who threatened daughter Frankie with rape: “I. WILL. FIND. YOU.”

by Bernie V. Franco
Jun 20, 2020
An enraged Sharon Cuneta (left) posts lengthy message to the man who threatened daughter Frankie Pangilinan (right) with rape. “HINDI KITA PATATAHIMIKIN," the Megastar says.
PHOTO/S: @juansarte and @frankiepangilinan on Instagram

“GOD HELP YOU WHEN I FIND YOU. HINDI KITA PATATAHIMIKIN.”

Parte ito ng pahayag ni Sharon Cuneta sa post ng isang lalaki, na pinangalanan niyang Sonny Alcos, laban sa anak ng Megastar na si Frankie Pangilinan, 19.

Sa Facebook at Instagram, ipinost ni Sharon ang quote card na taglay ang larawan at post ng lalaking sinabihan si Frankie ng: "HAHANAPIN KITA PARA GAHASAIN."

Heto ang buong quote ng lalaki kay Frankie:

“PASALAMAT KA IHA, KUNG ANG EDAD KO 12 YRS. MAGTAGO KA NA SA TATAY MONG SENADOR KIKO MATSING DAHIL HAHANAPIN KITA PARA GAHASAIN.

“TAPOS SISIHIN MO TATAY MO. DAHIL HINDI AKO MAKUKULONG. [laughing faces with tears emojis]”

Sa quote card ay nakalagay ang pangalan ng lalaki—Sonny Alcos—at ito ang deskripsiyon sa kanya: “Wishes he’s young to rape teens, Loves Duterte, Solid DDS”

Ang DDS ay mga die-hard supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Karugtong nito ang: “sharing his thoughts on social media.”

Continue reading below ↓

Ngayong araw, June 20, ang petsa ng post ni Sharon.

ENRAGED SHARON CUNETA

Hindi itinago ng Megastar ang pagpupuyos ng kanyang damdamin sa post ng lalaki.

Bungad ni Sharon: “What an a**h**e of a father. Considering may anak kayong babae.

"At anuman ang pambabastos ng isang tunay na hayop na tulad mo sa asawa ko at LALONG-LALO NA SA ANAK KONG DALAGA, ay pagpapatunay lamang na may mga demonyong nasa mundo na tulad mo.

“Kaya tama ang ginagawa ng anak kong disente at matalino,” pagtukoy ni Sharon kay Frankie, na vocal pagdating sa social at political issues.

Ang latest na inalmahan ni Frankie ay ang victim-blaming sa mga biktima ng rape.

Pagpapatuloy ni Sharon: “Pinagmamalaki mo pang DUTERTE SUPPORTER KA, ganon ba? Alam mo bang kahihiyan ka sa Pangulo?”

HOT STORIES

May mga paglilinaw ding ginawa si Sharon tungkol sa Republic Act (RA) 9344 of the Juvenile Justice and Welfare Act of 2006, na ang author ay ang asawang si Senator Kiko Pangilinan.

Continue reading below ↓

Hindi raw pinapaligtas ng batas, at papanagutin pa rin, ang mga minors na nakagawa ng krimen.

Sabi niya: “At para sa kaalaman ng isang bobong katulad mo, ang Juvenile Justice Law ay hindi para hindi parusahan ang mga kabataang may krimen kundi kung seryoso ang offense ay pananagutan pa rin ngunit ihiwalay sila sa mga hardened criminals na maaaring abusuhin naman sila—at managot sa isang prosesong angkop sa kanilang pagiging menor de edad!

“Ayon sa batas kung serious offense, minimum isang taon pa rin silang kulong at maaaring mas matagal.

“BAGO KASI MAMINTAS NG BATAS NA GAWA NG SENADOR, ARALIN MUNA. (Sorry po mga Sharonians but this monkey crossed the line.) BOBO. TANGA. HIGIT SA LAHAT, WALA KANG TAKOT SA DIYOS!"

MINIMUM AGE OF CRIMINAL LIABILITY ISSUE

Sa sinasabing quote ng lalaki, kinutya nito ang batas na ginawa ni Pangilinan.

Matatandaang kinontra rin ng senador ang House Bill 8858, na naglalayong amyendahan ang kasalukuyang Republic Act (R.A.) 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006.

Continue reading below ↓

Nakasaad sa R.A. 9344 na ang minimum age for criminal liability sa minors ay 15-anyos.

Pero sa HB 8858 na pinapaboran ni Pangulong Duterte, ang layon nito ay papanagutin ang mga batang may edad 12-anyos na napatunayang gumawa ng krimen.

Nagkaroon ng banggaan sina Pangulong Duterte at Pangilinan sa isyung ito.

Binatikos ng Pangulo ang senador, at isinisi sa kanya ang pagtaas ng krimen dahil umano sa naturang batas.

Sa pinakahuling update noong Enero 2020, ang HB 8858 ay pumasa sa House of Representatives sa third and final reading nito sa botong 146-34.

SHARON VOWS TO HUNT NETIZEN

Isa ang tiniyak ni Sharon sa netizen: hindi niya ito tatantanan at susuyurin ang paghahanap dito.

Ang galit na sabi ng Megastar: “Ang kapal ng pagmumukha mong patulan ang issue at pagsalitaan ng ganito ang anak ko! Tayong dalawa ang magharap - di ko man lang iistorbohin ang asawa kong humarap sayo - tutal baka magmukha kang aso pag ako nakaharap mo!

Continue reading below ↓

“Di kita uurungan.

“HINDI MO AKO KILALA PAG ANAK KO NA ANG BINASTOS MO.”

Binuweltahan pa ni Sharon ang netizen na tila umurong ang buntot dahil binawi raw nito ang post at tinanggal ang larawan.

“O, BAKIT TINANGGAL MO NA ANG LAHAT NG SOCIAL MEDIA ACCOUNTS MO AT PINALITAN MO PATI PICTURES?”

Banta ni Sharon: We are now verifying our leads to your employers. Wow kung puede lang liparin!!![airplane emoji]

“I WILL PERSONALLY MAKE SURE THIS KABABUYAN YOU HAVE POSTED TO DISRESPECT MY DAUGHTER IN THIS DESPICABLE, MALICIOUS AND INSIDIOUS WAY WILL BE OF GREAT INTEREST TO THEM.

“I AM ALSO FORWARDING THIS TO [JUSTICE] SEC. MEYNARD GUEVARRA WHO HAS BEEN MY FRIEND AND LAWYER SINCE 1992.

“HAHANAPIN KITA. I. WILL. FIND. YOU.

“YOU FACE ME, YOU COWARD. DUWAG.

“TANDAAN MO KUNG SINO AKO. NANAY NI KC, FRANKIE, MIEL, AT MIGUEL. YOU CROSSED THE LINE.

“GOD HELP ME AND THE LAW!

Continue reading below ↓

“GOD HELP YOU WHEN I FIND YOU.

“HINDI KITA PATATAHIMIKIN. TANDAAN MO ITO: AKO AY ANAK NI PABLO P. CUNETA. MALI ANG BINANGGA MO, DEMONYO KA.”

Naka-tag sa post ni Sharon ang mga kaibigang sina Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat at Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Nanawagan rin ang aktres sa kanyang supporters na tandaan ang mukha at pangalan ng netizen.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
An enraged Sharon Cuneta (left) posts lengthy message to the man who threatened daughter Frankie Pangilinan (right) with rape. “HINDI KITA PATATAHIMIKIN," the Megastar says.
PHOTO/S: @juansarte and @frankiepangilinan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results