Raffy Tulfo shares Frankie Pangilinan's opinion on rape; disagrees with brother Ben Tulfo

by Bernie V. Franco
Jun 20, 2020
Raffy Tulfo 
Frankie Pangilinan
Veteran news anchor Raffy Tulfo (left) shares the opinion of Frankie Pangilinan (right) on rape and the victim-blaming issue. This also means he does not agree with older brother Ben Tulfo.
PHOTO/S: YouTube (Raffy Tulfo in Action) / @frankiepangilinan on Instagram

Hindi ang maiksing pananamit ng babae ang dahilan kung bakit siya nagiging rape victim.

Ito ang opinyon ni Raffy Tulfo, 60, hinggil sa usaping rape at victim blaming.

Lumalabas na sang-ayon si Raffy sa paniniwala ni Frankie Pangilinan, 19, at kontra siya sa opinyon ng nakatatandang kapatid na si Ben Tulfo, 65.

Mainit na talakayan ngayon sa social media ang tungkol sa victim blaming o paninisi sa rape victims.

Sa isang panig, malaki raw ang kinalaman ng pananamit ng babae kaya naaakit ang offenders na gumawa ng kalaswaan.

Ito ang opinyon ni Ben.

Sa kabilang panig naman, iginigiit na walang kinalaman ang rape sa pananamit, at hindi ito dapat isisi sa biktima.

Ito naman ang paniniwala ni Frankie.

RAFFY SAYS IT’S NOT ABOUT THE DRESS

Sa kanyang online news program na Idol In Action noong June 18, 2020, tinalakay sa episode ang reklamo ng isang rape victim sa Mandaue, Cebu City.

Continue reading below ↓

Kuwento ng biktima, na tinawag nilang Elsa, niyaya raw siya ng kaibigang lalaki na kanyang pinagkakatiwalaan na makipag-inuman sa apat na kabarkadang lalaki nito.

Ang biktima ay na-gang rape ng limang lalaki na kasama sa inuman.

Sa pagtatapos ng paksa, nagbigay ng opinyon si Raffy.

Aniya, hindi raw dapat sisihin ang babae kung sumama siya sa taong pinagkakatiwalaan niya.

Sabi ng veteran news anchor: “May karapatan naman itong si Elsa na sumama sa kanyang barkada, sumama sa tao na pinagkatiwalaan niya.

“Kasi alam niya na mag-iinuman lang.

“May mga karapatan naman ang mga babae na makipag-inuman.

“There’s nothing wrong with that. I don’t see anything wrong."

HOT STORIES

Sa pagpapatuloy ni Raffy, “Yung mali lang, yung mga lalaki na nagsamantala sa kanya.

“Sinamantala yung kanyang pagiging mapagkatiwala sa tao.

“Yun ang kasalanan niya. Pero she has all the right to drink.

“So dapat hindi siya sisihin do’n sa pag-inom at pagpunta do’n sa tropa.”

Continue reading below ↓

Nabanggit ni Raffy na kahit na “balot na balot” ang isang babae, mapagsasamantalahan pa rin ito ng offender basta naisip ng offender gumawa ng kalaswaan.

“Yung mga rapist na iyan…kahit na siguro, e, balot na balot yung biktima, gusto talaga niya talagang mag-rape, magri-rape mga iyan.

“Walang pipiliin ang mga iyan.”

Sundot niya, ang krimen ay hindi nakadepende sa pananamit ng biktima kundi sa pag-iisip ng offender.

“At mangri-rape ito… puno nga ng Meralco rereypin ng mga ito, e, kung magkaroon ng pagkakataon.

“Lagyan mo ng palda ang puno ng Meralco, rereypin ng mga ito kasi hayop ang mga… animal ito,” ani Raffy.

RAFFY shares opinion OF FRANKIE

Sa pagpapahayag ng kanyang opinyon, lumalabas na mas kinatigan ni Raffy si Frankie kesa sa kapatid na si Ben.

Very active si Frankie ngayon sa social media. Recently, iginiit nito ang paniniwala sa usaping victim-blaming sa isyu ng rape.

Marami nang nasabi si Frankie, pero ang buod ng kanyang ipinaglalaban ay inihayag niya sa kanyang tweet noong June 13.

Continue reading below ↓

"STOP TEACHING GIRLS HOW TO DRESS?? TEACH PEOPLE NOT TO RAPE."

Nag-react si Ben Tulfo, isang batikang news anchor at host, sa tweet ni Frankie.

Naniniwala si Ben na ang pagsusuot nang maiksi ay nakakatukso sa mga kalalakihan, at nang-uudyok para gumawa ng kasalanan, gaya ng pambabastos o pagsasamantala.

Minaliit din ng veteran journalist si Frankie na aniya ay nagmamarunong hinggil sa isyu.

June 14, nag-tweet si Sharon para katigan ang paniniwala ng anak.

May pasaring rin siya na baka may mas patas na paniniwala si “idol Raffy” hinggil sa usapin.

Lumalabas namang tama ang naging tweet ni Sharon.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran news anchor Raffy Tulfo (left) shares the opinion of Frankie Pangilinan (right) on rape and the victim-blaming issue. This also means he does not agree with older brother Ben Tulfo.
PHOTO/S: YouTube (Raffy Tulfo in Action) / @frankiepangilinan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results