KC Concepcion has GCQ goal: 'Humanap ng kausap'

by Melba R. Llanera
Jun 21, 2020
KC Concepcion and her fur baby Chica, who was her housemate during the ECQ.
PHOTO/S: @itskcconcepcion on Instagram

Noong isinailalim ang Luzon sa Enhanced Community Quarantine (ECQ), mag-isa si KC Concepcion na na-stuck sa kanyang bahay.

Doon niya na-realize na malungkot mabuhay nang mag-isa.

Kaya nga, wala pang one week ay napa-post na ito sa social media ng, "Ayoko na mag-isa."

Mabuti na lang at merong mga taong naging parang karamay niya.

Continue reading below ↓

"Mayroon akong naging parang guardian angel, katulong ng kapitbahay ko. Nakikita ko siya from the window, and nakakatuwa rin yung moment na yun.

"Nagkaroon ako ng friend na katabing-katabi ko lang.

"Alam mo yun, somehow, yung kasambahay ng kapitbahay ko yung nagbigay ng comfort during the times na medyo... sa totoo lang parang di ko na kaya yung lungkot of being on your own," ang sabi ng dalaga sa ekslusibong panayam ng Cinema News At Home Edition ni Bianca Gonzalez nung nakaraang June 12.

Mabuti na lang at nasa General Community Quarantine (GCQ) phase na ang Metro Mnaila.

Sa pagpapatuloy ni KC, "Pero nalagpasan ko na, GCQ na, nakakakita na ako ng tao somehow. Para siyang achievement din personally na na-survive ko yun.

"People say I can't imagine, I can't imagined being quarantined alone during this time. Sabi ko nga, 'Ako ba na-imagine ko ba?'

"Yes may dogs, playful sila, and may gumagalaw na iba. You have to feed them, bathe them, i-groom mo sila. I-figure out mo, paano ba ito?"

Continue reading below ↓

Isa rin sa mga naging madalas niyang kausap nung time na yun ay si Judy Ann Santos.

"But siyempre, at the end, sabi nga ni Ate Judy Ann sa akin, 'Babe okay ka lang ba?'

"Sabi niya, 'Kailangan mo na ba ng kausap? Kapag GCQ na, humanap ka na ng kausap, kasi kailangan mo ng kausap diyan.

Continue reading below ↓

"That's what I'm working on right now."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KC Concepcion and her fur baby Chica, who was her housemate during the ECQ.
PHOTO/S: @itskcconcepcion on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results