Sharon Cuneta hunting down man who made a rape threat to Frankie Pangilinan

by Bernie V. Franco
Jun 21, 2020
Sharon Cuneta is tracking down the man who threatened Frankie Pangilinan with rape: “YOU’RE IN TROUBLE YOU F*****G RAPIST"
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)

“YOU’RE IN TROUBLE YOU F*****G RAPIST"

Seryoso si Sharon Cuneta sa sinabi niyang hahanapin ang lalaking nag-post sa social media ng "HAHANAPIN KITA PARA GAHASAIN," na nakadirekta sa anak na si Frankie Pangilinan.

Ngayong gabi ng Sabado, June 20, patuloy ang pag-update ng Megastar.

Hahanapin niya raw at hindi patatahimikin ang lalaki na pinangalanan niyang "Sonny Alcos."

Unang update ng actress-host: “I’ve spent ALL DAY CALLING PEOPLE.

“You better get ready. MAN OH MAN.

“YOU’RE IN TROUBLE YOU F*****G RAPIST!!!”

Hashtag pa niya: #touchmydaughtericomeforyou

Continue reading below ↓

Napag-alaman ni Sharon na sa ibang bansa nakabase ang lalaki.

Sunod niyang tweet: “Hey, you f*****g rapist! You may just be in London, I see.

“Still checking and following up on your employer!

“Apparently on the right track… WATCH ME.”

HOT STORIES

Paulit-ulit ding binanggit ni Sharon ang pangalan ng lalaki.

“I’M COMING FOR YOU!

“I GOT THE MEANS, I KNOW THE RIGHT PEOPLE, I GOT THE B A L L S.”

Continue reading below ↓

Kaninang umaga pa nagpupuyos sa galit ang Megastar.

Nag-post siya ng quote card ng isang lalaki na nagtataglay ng larawan, pangalan, at nilalamang post laban kina Senator Kiko at Frankie:

“PASALAMAT KA IHA, KUNG ANG EDAD KO 12 YRS. MAGTAGO KA NA SA TATAY MONG SENADOR KIKO MATSHING PANGILINAN DAHIL HAHANAPIN KITA PARA GAHASAIN. TAPOS SISIHIN MO TATAY MO. DAHIL HINDI AKO MAKUKULONG.”

Continue reading below ↓

May pasaring ito sa pagkontra ni Sen. Kiko sa House Bill 8858, na mag-aamyenda sa kasalukuyang Republic Act (RA) 9344 of the Juvenile Justice and Welfare Act of 2006.

Si Senator Kiko ang author ng RA 9344.

Nakasaad sa RA 9344 na ang minimum age for criminal liability sa minors ay 15-anyos.

Pero sa HB 8858, layon nitong papanagutin ang mga batang napatunayang gumawa ng krimen sa edad na 12-anyos.

Nagbigay ng mahabang sagot ang Megastar.

Kinastigo niya ang netizen dahil sa banta nito laban sa kanyang asawa at anak.

Tiniyak pa ni Sharon na hindi niya lulubayan hanggang sa matukoy ang kinaroroonan ng lalaki.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta is tracking down the man who threatened Frankie Pangilinan with rape: “YOU’RE IN TROUBLE YOU F*****G RAPIST"
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results