Ritz Azul engaged to first boyfriend Allan Guy

Jun 21, 2020
On June 20, 2020, Ritz Azul uploads an Instagram post announcing that she and boyfriend Allan Guwi are already engaged.
PHOTO/S: @ritzazul on Instagram

Sa gitna ng pandemya, nag-level up ang pagmamahalan nina Ritz Azul at ng kanyang boyfriend na si Allan Guy.

Nitong Sabado, June 20, 2020, inanunsiyo ng Kapamilya star sa kanyang Instagram account na engaged na sila ng kanyang kasintahan.

Ani Ritz, "This Guy’s in love with me, pare.

"I love you too, Allan Guy. @allan_guwi [ring emoji] #engaged #myfiancé"

Continue reading below ↓

Base sa Instagram Stories ng actress, ginanap ang pribadong proposal sa Lipa, Batangas kasama ang mga kaanak ni Allan.

Continue reading below ↓

Dinagsa ng "congratulations" ang comments section ng post ni Ritz.

Isa sa mga bumati ay ang kanyang ka-love team sa Los Bastardos na si Joseph Marco.

"Congratulations, Capt!" sabi ni Joseph.

"Wooooooooowwwww! Congratulations," dagdag ni Jake Cuenca.

"Sabi ko naaa eh!!!!" sambit ni Maxine Medina.


Continue reading below ↓

ALLAN IS RITZ'S FIRST and last LOVE

Aminado si Ritz, 26, na si Allan, 30, ang kauna-unahang lalaki na kanyang minahal.

Tuwing tinatanong ang dalaga tungkol sa estado ng kanyang love life, ang madalas niyang sagot noon ay "No Boyfriend Since Birth" (NBSB) siya.

Ngunit sa press conference ng pelikula nila ni Pepe Herrera na The Hopeful Romantic noong September 2018, ibinunyag ng aktres na mayroon nang nagpapatibok ng kanyang puso.

"Ngayon, may ini-entertain na ako, dating, and he’s not from showbiz.

“Nag-start lang sa barkada.

"Hindi ko binibilang iyong romantic date.

"Cowboy kasi ako, e, mostly nga kasama naman iyong friends," sabi ni Ritz.

Continue reading below ↓

Dagdag niya, "Kasi for the past few years, focused ako sa career.

"Mas inisip ko kasi iyong ibang bagay kesa sa personal kong buhay.

"Ako kasi, masyado akong futuristic mag-isip kaya medyo naiwan ko iyong side na iyon sa kabataan ko.

"Saka nung time na yun, naghihintay ako ng guy na hindi makakaabala sa ginagawa ko, kumbaga, susuporta pa rin.

"So far, iyong guy na ito, sumusuporta siya."

Continue reading below ↓

Nung time na iyon, bagamat hindi pa tuluyang ipinakilala ni Ritz si Allan bilang opisyal niyang nobyo, makikitang panay ang post ng dalaga ng kanilang mga vacation photos sa loob at labas ng bansa.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On June 20, 2020, Ritz Azul uploads an Instagram post announcing that she and boyfriend Allan Guwi are already engaged.
PHOTO/S: @ritzazul on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results