Kim Molina has the best reply to body-shamers targetting her boobs

by Rachelle Siazon
Jun 22, 2020
"Eh social distancing nga di ba," quips Jowable star Kim Molina who refused to be put down by bashers criticizing her sexy photo on Instagram.
PHOTO/S: @kimsmolina Instagram

Hindi pinalampas ni Kim Molina ang netizens na panay ang batikos sa kanyang boobs.

Linggo, June 20, nang makapukaw ng pansin ang half-body picture ni Kim kunsaan litaw ang kanyang cleavage.

Nakasuot din ng face shield si Kim bilang proteksyon laban sa COVID-19.

May caption itong "#NewNormal" kalakip ng camera at clapper emojis na nagpapahiwatig na balik-shooting ang Viva artist para sa isang proyekto.

Sa comments section, marami ang pumuna kung bakit mayroon daw gap sa cleavage ng 28-year-old singer-actress.

May iba pang side comments na hinuhusgahan ang pagkatao ni Kim nang dahil sa litrato.

Pero sa halip na mapikon, nakuha pang magpakuwela ni Kim sa kanyang sagot sa bashers.

Napapanahon daw ang kanyang cleavage dahil sa socia-distancing protocol, o pagbabawal na magdikit ang mga tao sa publikong lugar, para makaiwas sa virus.

Base ito sa edited version ng kanyang caption.

In-edit ni Kim ang caption ng kanyang litrato.

"P. S. Dahil ang daming hanash: Problema niyo sa boobs kong hiwalay?

Continue reading below ↓

"Eh social distancing nga diba," saad ni Kim kalakip ng face with tongue sticking out emoji and peace sign emoji.

Pinaalala rin ni Kim na kumpiyansa siya sa kanyang body figure at hindi dapat gawing isyu kung anuman ang hubog ng kanyang katawan.

"In all shape or form, WE ARE JOWABLE [perfect emoji] Sending good vibes to all [heart shining emoji] #BodyPositivity"

Continue reading below ↓

NETIZENS DEFEND KIM FROM BODY-SHAMERS

Maraming kababaihan ang nagpaabot ng suporta kay Kim.

Depensa nila sa singer-actress, natural at walang diperensiya sa boobs nito.

Sabi ng isang netizen: "sino nambash sa boobs na social distancing?

"Kinabahan ako, required ba magkadikit? Hiwalay din kasi sa kin..

"Not unless isa lang boobs nila or kambal kaya magkadikit??!"

Continue reading below ↓

Sumegunda rin ang iba pang tagapagtanggol ni Kim.

"Di na kasi nila alam yung natural sa gawang boobs, sanay na makakita ng perpektong boobs pero di kaya ma appreciate yung natural na boobs...

"Haaayst mga tao talaga.

"Still Ate @kimsmolina you're beautiful and sexy af!!!"

MORE SUPPORTERS: "INGGIT LANG SILA"

May iba pang pumuri sa seksing pangangatawan ng Jowable star.

Continue reading below ↓

Inggit lang daw iyong mga bumatikos kay Kim.

Continue reading below ↓

Natuwa rin ang ibang netizens na good vibes si Kim kahit mayroon siyang bashers.

Sabi pa ng isa, inspirasyon daw ang romance-comedy film ni Kim na Jowable.

"by the way nainspire ako sa movie mo na 'i am jowable' lalo na yung sinabi mo na 'lord kajowa jowa po ako.'"

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Eh social distancing nga di ba," quips Jowable star Kim Molina who refused to be put down by bashers criticizing her sexy photo on Instagram.
PHOTO/S: @kimsmolina Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results