Sharon Cuneta clears netizen whose profile pic was used by troll threatening Frankie Pangilinan with rape

Jun 22, 2020
sharon cuneta close up
Sharon Cuneta: "Dunno whom to believe anymore."
PHOTO/S: YouTube (Sharon Cuneta Network)

May paglilinaw si Sharon Cuneta tungkol sa troll na gumawa ng rape threat laban sa anak ng Megastar na si Frankie Pangilinan.

Lumalabas kasing ninakaw lang ng troll ang larawan ng isang lalaki at ginamit bilang profile photo sa Facebook.

Ayon sa Cambridge Dictionary, ang troll ay "someone who leaves an intentionally annoying or offensive message on the internet, oin order to upset someone or to get attention or cause trouble."

Dahil dito, napagbintangan ang isang inosenteng tao.

Maging si Sharon ay ibinahagi ang larawan ng inosenteng lalaki nang kastiguhin niya ang troll dahil sa nakababahala nitong banta kay Frankie.

SHARON CALLS OUT TROLL

Noong Sabado, June 20, nag-tweet si Sharon para ireklamo ang troll dahil sa rape threat nito kay Frankie, panganay na anak ng actress-singer kay Senator Kiko Pangilinan.

Halatang mataas ang emosyon ni Sharon dahil, bago ito, may isa nang lalaking gumawa ng bantang panghahalay kay Frankie.

Continue reading below ↓

Kaya naman mabilis ang kanyang reaksiyon nang mabasa ang banta ng troll.

Ganito ang komento ng troll: “Naku, kahit naman ako gagahasain ko talaga yang si Frankie Matsing, kung 13 yrs old ako, pwede na rin lamang tiyan, latak lang sya.

“Di ako makukulong, salamat sa tatay nya sa pagpasa ng batas sa aming underage hehehehehehe…”

Klarong gumatong ang troll sa naunang Facebook user, na tinutugis ngayon ni Sharon dahil sa pasimunong rape threat laban kay Frankie.

Larawan ng chinitong lalaki ang nasa profile pic.

Sa tweet ni Sharon, naka-tag dito ang Twitter account ng isang clothing brand.

Claim ng troll sa kanyang Facebook page, nagtatrabaho umano siya sa clothing brand company.

Reklamo ng Megastar sa clothing company: “Would you kindly reprimand this employee of yours who is an apparent disgrace to your company and has tarnished your good name?

“Maybe his termination would be much better for you and the public.

Continue reading below ↓

“Thank you very much. Sharon Cuneta-Pangilinan.”

Kalakip ng tweet ni Sharon ang screenshot ng rape threat at Facebook profile ng troll.

THE REAL OWNER

Nag-react ang totoong may-ari ng larawan na may pangalang DL S Uy.

Nilinaw niyang hindi siya ang may-ari ng Facebook account at hindi siya ang nag-post ng rape threat laban sa anak ng Megastar.

Continue reading below ↓

Ayon sa kanya, ninakaw ang kanyang larawan at ginamit ng troll sa Facebook profile nito.

Sabi ni DL S Uy: “Resibo. Just in case madelete ang original tweet.

“Again, the profile stole my photo [angry emoticon]”.

Nakarating ito kay Sharon, at nag-tweet para ituwid ang pagkakamali.

Pagbawi ni Sharon: “FYI, the post made by a certain ‘Atasha Nawin’ had a profile pic apparently stolen from the actual owner of the photo, Mr. DL S Uy.

“Dunno whom to believe anymore.”

Ibinahagi rin ng actress-singer ang screenshot ng paglilinaw ni DL S Uy.

Continue reading below ↓

In-acknowledge naman ni DL S Uy ang effort ni Sharon.

Inihayag din nito ang pagkampi kay Frankie dahil sa pagiging vocal ng dalaga laban sa rape at victim-blaming culture.

Mensahe niya para kay Sharon, “Your daughter is doing a good job in raising awareness for women’s rights and cultivating a culture devoid of mysoginy.

“If I may suggest, use your platform to help her further raise awareness and reach a farther audience.

“This is for the future of our children/grandchildren”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

OTHER VICTIMS OF TROLL

Sa pagsusuri, noon pang 2009 naging miyembro ng Twitter si DL S Uy.

Mapapansing aktibo ito sa pagkokomento sa political issues at vocal sa pagkontra sa administrasyong Duterte.

Nanawagan din si DL S Uy sa pagbasura sa kontrobersiyal na Anti-Terror Bill.

Lumalabas ding hindi ito ang unang beses na nagnakaw ang troll ng larawan ng ibang tao.

Ayon sa isang babaeng nagkomento sa post ni DL S Uy, biktima rin siya ng troll.

Ibinahagi ng female netizen ang screenshot ng Facebook account ng troll na gamit naman ang larawan niya.

2018 pa Twitter member ang female netizen, at kapansin-pansin din ang pagiging vocal niya laban sa pamahalaang Duterte.

Continue reading below ↓

Samantala, sa pagbisita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Facebook page ng troll, makikita pa rin dito ang larawan ni DL S Uy.

Pero pinalitan na ang nakalagay sa employment nito, mula sa clothing brand sa ABS-CBN Network.

Sa recent posts ng troll ay sunud-sunod ang below-the-belt posts nito laban kay Sharon.

Wala ring face photo sa photo gallery, malinaw na indikasyon na troll nga ito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta: "Dunno whom to believe anymore."
PHOTO/S: YouTube (Sharon Cuneta Network)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results