Angelica Panganiban hits back at Kim Chiu's basher

by Arniel C. Serato
Jun 22, 2020
Angelica Panganiban replies to "Edi si @chinitaprincess" comment of netizen on her "Sino Ang Tanga" post on Instagram: "ay, parang mas ikaw”
PHOTO/S: Courtesy: @iamangelicap on Instagram

Dinepensahan ni Angelica Panganiban ang malapit na kaibigang si Kim Chiu.

Ito ay matapos tukuyin ng isang basher na si Kim ang “tanga” sa Instagram post ni Angelica noong Sabado, June 20.

Sa video snippet kasi para sa online show na SAGING BESIDE YOU, may tanong na “Sino Ang Tanga?”

Sa nasabing short clip, mapapanood ang mga dating kasamahan ni Angelica sa Banana Sundae na sina John Prats, Pooh, Jayson Gainza, Wacky Kiray, at Ryan Bang.

Napagkaisahan nilang pagdating sa pag-ibig, "tanga" raw ang kaibigan nilang si Angelica.

Sa caption ay nag-promote pa si Angelica ng kanilang online show.

Continue reading below ↓

Nagkomento rito ang isang netizen.

Sagot nito sa tanong kung "sino ang tanga": “Edi si @chinitaprincess hahaha”

Ang Instagram handle ni Kim ay @chinitaprincess.

Pero kaagad na binara ni Angelica ang nagkomento.

Buwelta ng aktres: "ay, parang mas ikaw"

Hindi rin nagpatinang ang basher.

Sagot nito kay Angelica: “@iamangelicap hahaha! Parang mas bagay sayo korona.. ikaw pala reyna nila! Hahaha”

Continue reading below ↓

Hindi na tumugon sa kanya ang aktres.

Malapit sa isa’t isa sina Angelica at si Kim.

Nagbuo pa nga sila ng grupo ng isa pa nilang best friend na si Bela Padilla.

Tawag ng netizens sa kanilang brkadahan: AngBeKi (ANGelica-BEla-KIm).

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban replies to "Edi si @chinitaprincess" comment of netizen on her "Sino Ang Tanga" post on Instagram: "ay, parang mas ikaw”
PHOTO/S: Courtesy: @iamangelicap on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results