Aiko Melendez says son Andre is still a virgin: "Wala talaga siyang sex scandal."

by Arniel C. Serato
Jun 22, 2020
Aiko Melendez (left) to netizen who claims he has a copy of son Andre Yllana's (right) video scandal: "Kung may sex scandal ka ng anak mo, ilabas mo! Pero kapag wala kang sex scandal, idedemanda kita, naiintindihan mo?"
PHOTO/S: Courtesy: Maria Kendra Melendez Facebook

Hinamon ng mag-inang Aiko Melendez at Andre Yllana na i-upload ng netizen ang sinasabi nitong video scandal ng panganay na anak ng aktres.

Ngayong Lunes, June 22, ni-repost ni Aiko sa Facebook ang screenshot ng tweet ng netizen na may username na @jakolinks, na nagsasabing mayroon daw siyang hawak na video scandal ni Andre.

Ayon pa sa nag-post, dapat ay i-follow muna siya. Kapag umabot na ang kanyang followers sa 25,000, saka niya ipu-post ang video.

Sa Facebook live ng mag-ina ngayon ding araw, sinabihan ni Aiko ang Twitter user na huwag manira ng kapwa lalo na kapag wala namang masamang ginawa sa kanya.

Mensahe ng aktres, "Kung meron kang hang-ups sa buhay mo, huwag mong ipasa sa ibang tao.

"Kung may sakit ka man o hindi ka tinuruan sa pag-iisip mo, think before you click.

"Kasi alam mo ngayon, hindi lang dapat pinu-post mo, iniisip mo, kasi puwede mo ikapahamak 'yan.

Continue reading below ↓

"Puwede mo ikapahamak 'yan."

Na-screenshot na raw lahat ni Aiko ang posts ng netizen.

Posible raw magsampa ng reklamo ni Aiko upang protektahan ang 21-anyos na anak nila ng dating asawang si Jomari Yllana.

Babala niya: "Kaya hinahamon kita... ano nga pala pangalan mo ulit? Pinapasikat kita, e.

"Jakolinks, dapat hindi na kita in-address, pero nakakasira ito sa pangalan ng anak ko dahil ito pinalaki ko 'to nang matino.

"Jakolinks, kung matapang ka, lumabas ka.

"Kung may sex scandal ka ng anak ko, ilabas mo!

"Pero, kapag wala kang sex scandal, idedemanda kita, naiintindihan mo?"

Ibinuko rin ni Aiko na virgin pa ang panganay na anak.

"So, ayun, nililinaw lang po namin na wala pong sex scandal si Andre.

"So, parang pag-aamin na niya na... virgin ka pa, di ba?" baling niya kay Andre.

Tugon ni Andre, "Oo naman."

Pagpapatuloy pa ni Aiko, "So, wala talaga siyang sex scandal."

Dagdag ni Andre, "Kasi, Mom knows everything. I tell her everything."

Continue reading below ↓

Kaya laking gulat daw ni Aiko na may ganoong kwento-kwento laban sa anak.

ANDRE STRONGLY DENIES the SCANDAL

Sinabi rin ni Andre na ang mga larawang ginamit sa diumano'y video scandal ay mga lumang pictures mula sa kanyang dating Instagram account.

Hindi na raw niya ito hawak simula pa noong taong 2017.

Baka ito raw ang ginamit ng Twitter user, na tinawag niyang “napakababoy.”

Saad ni Andre, “If you will look at it closely, 2017 pa po yung huling post nun.

"Tapos ang huling post ko po nun ay 2017.

"So, 2017 ang huli kong gamit ko dun sa account.

“At sa followers ko po dun, siguro as witness na rin po, makikita niyo namang hindi ako nag-i-Story dun dahil wala na talaga akong any access to that account.”

May nakita raw siyang video na edited gamit ang kanyang larawan.

Hindi rin daw moving ang kanyang larawan sa edited video na ito.

Continue reading below ↓

Mensahe pa ni Andre sa netizen: “I don’t know what I’ve done to you.

“I don’t know who you are. I don’t’ know why you are hiding in another name.

"I don’t know what I’ve done to you.

“I mean, if I have done anything that I’m not aware of, I’m really sorry 'coz I have no idea. I don’t have any idea.”

Sabi pa ni Andre, pinalaki siya nang maayos ng kanyang ina.

“’Coz me, growing up, hindi naman po sa pagbubuhat ng bangko or anything, si Mommy po kasi, pinalaki akong mabuti.

“’Tsaka, nag-aaral po kasi ako sa Catholic school simula prep, hanggang mag-graduate ako ng high school.

“Kaya hindi ko po maintindihan kung bakit ako naisipan ng ganyan.

“I don’t even know how to explain myself because...

"At the same time, it’s very humorous because it’s very funny, ‘coz I don’t even see myself doing that.”

HOT STORIES

ANDRE: "IT'S REALLY AFFECTING ME NOW"

Ayon kay Andre, natatawa pa siya noong una nang nalaman ang post ng netizen.

Continue reading below ↓

Pero nang nagtanong ang isang kaibigan niya ukol dito, medyo nabahala na siya.

Pahayag ni Andre, “Hindi po ako yung ganun, at hindi ako yun!

“Gusto kong matawa, Mom, alam mo yun, gusto kong matawa. I don’t know...

“Pero at the same time, it’s really affecting me now.

“Siguro kanina, at that certain time na nakita ko yun, natatawa ako.

“Ngayon, siguro natatawa pa rin ako konti, pero siguro hindi pa nagsi-sink in.

“Though, medyo nakakaapekto rin siya nang konti, kasi ngayon dahil... alam mo yun, na alam mo naman sa sarili ko na hindi ko kaya gawin yun.

“Pero pinaniniwala niya ang ibang tao na ganun ako, alam niyo yun?"

Saad pa niya, “I have a lot of friends, may mga kaibigan ako na nanonood, kilala niyo naman ako, dyusko, kayo na mag-vouch sa akin.

“I’m really shocked, at the same time nakakatuwa din kasi, alam mo yun, ultimo ganung bagay pinagkaabalahan pa ako.”

Continue reading below ↓

ANDRE CHALLENGES TWITTER USER

Hindi pa rin daw maisip ni Andre kung ano ang motibo ng taong nag-post tungkol sa kanya.

“Hindi ko kilala. Ultimo pangalan niya, napakabastos pa.

“Dyusko, wala ka bang nanay? Wala ka bang kapatid na babae?

“Kasi ako, meron akong kapatid, e. Bata pa ang kapatid ko, e," pagtukoy ni Andre sa kanyang half-sister na si Marthena Jickain.

“E, ikaw, kung may kapatid kang bata, anong maiisip ng kapatid mo?

"Isipin mo nga yun?

“Kasi ako, ipupusta ko sa 'yo, e, kapag nakita 'yan ng babae, kabastos-bastos, e, 'yang ginagawa mo.

"Isipin mo, grabe! Di ko ma-imagine kung anong nilagay mo diyan sa utak mo.”

Hamon pa niya, “Pero, anyway, kung gusto mo, itutuloy ‘yan.

“Actually, hinahamon kita, follow niyo siya, guys, 25,000 followers daw, e, bago niya i-post yung aking scandal.

“So, kung gusto niyo guys, i-follow niyo siya.

"Pero kung gusto niyo rin siya i-report."

Continue reading below ↓

Diin pa ni Andre, “Basta ang akin lang, hinahamon kita, bro, bro or sis or whatever, hinahamon kita, please, galingan mo, ha.

"Kasi ako, excited na rin ako makita yung so-called scandal ko.

“Kasi wala akong ganun.

“So, I hope kung may plano ka mang mag-edit ng whatever, I hope galingan mo, ha, yung kapani-paniwala.”

Continue reading below ↓

Ayon kay Aiko, nag-iba na raw ng account ang netizen sa Twitter.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez (left) to netizen who claims he has a copy of son Andre Yllana's (right) video scandal: "Kung may sex scandal ka ng anak mo, ilabas mo! Pero kapag wala kang sex scandal, idedemanda kita, naiintindihan mo?"
PHOTO/S: Courtesy: Maria Kendra Melendez Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results