Jake Cuenca on spending ECQ with Kylie Verzosa: "Parang ganito na pagka kasal na."

Jun 23, 2020
Jake Cuenca on "biggest luxury" during quarantine days: "I would say that's the biggest luxury... for the first time, I was able to give my undivided attention to Kylie."
PHOTO/S: @juancarloscuenca on Instagram

Nagpapasalamat si Jake Cuenca na bagamat may kinakaharap na health crisis ngayon ang mundo, tila natututo ang mga tao "to be grateful for the small things."

Mula nang magsimula ang quarantine period, magkasama sa isang condo unit si Jake at kanyang girlfriend na si Miss International 2016 Kylie Verzosa.

Ngayon, ikinukunsidera ni Jake, 32, na isang "luxury" ang bawat araw na kasama niya ang 28-anyos na kasintahan.

Saad ng Kapamilya actor, "Kumbaga, iyong lockdown, parang siyang early stage, parang ito na rin siguro, parang ganito na pagka kasal na.

"Di ba, lagi kayong magkasama and everything?

"This is siguro an early experience for us both.

"And if anything, nag-strengthen iyong relationship namin."

Continue reading below ↓

Dagdag niya, "So for me, usually when we're together, let's say, normal, walang lockdown or anything, you're working with a schedule, right?

"Subconsciously, 20 percent of you is going to the next day.

"Nakikita mo sarili mo, papunta ka na ng taping, papunta ka na ng shooting.

"So this is really the first time I gave someone my undivided attention, like, 100 percent attention only on that special person.

"I would say that's the biggest luxury... for the first time, I was able to give my undivided attention to Kylie."

Nakapanayam si Jake ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press sa virtual presscon ng "Star Magic: Love From Home" nitong Sabado, June 20.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

JAKE AND KYLIE'S EASYGOING RELATIONSHIP

Isa rin sa nagpapagaan ng loob ni Jake ngayong quarantine ay ang pagiging stress-free ng kanilang relasyon ni Kylie.

Aniya, "Surprisingly, hindi kami masyadong nag-aaway.

"I mean, obviously, nangyayari kasi wala kaming kasambahay at the most part.

"Actually ngayon, meron na, so sobrang thankful kami for that.

"Pero nung sa simula, hindi kami nag-aaway."

Isang beses lang daw sila nagtalo nitong quarantine, at ito ay nangyari habang ginagawa nila ang iWant movie na Love Lockdown.

Pagpapatuloy ni Jake, "Actually, iyong pinakaaway lang namin, iyong nag-shooting nung Love Lockdown, kasi dalawa lang kami, e, walang staff, walang crew.

"Kami lang iyong director and artista rin, so medyo...

"Medyo nagtatalo kami nang konti kasi may timetable din kami na sinusundan at that time.

"Kelangan in three days, gawa na yung pelikula.

"So, noon lang."

Continue reading below ↓

Ayon kay Jake, ang sikreto sa mabuting pagkakaunawaan nila ni Kylie ay ang pagkakaroon ng bawat isa sa kanila ng "alone time."

Sabi ng aktor, "Nakagawa na kami ng sariling routine.

"Kasi morning person ako, e, so iyong alone time ko, I usually have that in the morning.

"And then siya naman, she wakes up a bit later, so iyong afternoon iyong mas alone time niya.

"Then after, during the day, doon na kami magko-connect-connect.

"Parang, I think, importante rin na makagawa kayo ng schedule sa isa't isa.

"I think that 'alone time' is important.

"Kumbaga, you have to do you.

"You also meditate on yourself, focus on yourself.

"So far, if anything, iyong lockdown, nag-strengthen lalo ang relationship namin."

Continue reading below ↓

STAYING POSITIVE AMID THE PANDEMIC

Masaya man sina Jake at Kylie sa piling ng bawat isa, hindi pa rin nila maiwasang mabahala sa krisis ng mundo at kani-kanilang mga trabaho ngayon.

Sa mga panahong ganito, sinisigurado ni Jake na tingnan ang mga magagandang nangyayari sa kanyang paligid.

"I guess, the big challenge, like, the big thing for everyone, is to stay positive.

"Despite everything that's going on, we must count our blessings and still be grateful for what we have.

"That's what I practice every day when I wake up. Just be grateful for every little thing we have," sabi ni Jake.

Nagpapasalamat din si Jake na sa panahaong ito, marami siyang natututunan na lalo pang nagpapahusay ng kanyang talento bilang aktor.

"When it comes to the industry naman, it's definitely a new normal.

"Even iyong paggawa namin ng Love Lockdown is something new.

"Pinadala sa amin iyong gamit tapos bahala na kayo kung paano namin gagawin iyong ilaw, iyong audio...

Continue reading below ↓

"Noong in-offer sa amin iyong project at that time, sabi ko, 'Ha? Hindi ako marunong gumalaw ng camera. I don't know how to work with the lights.'

"Pero because of that experience, you start to appreciate iyong trabaho ng audioman, ng cameraman...

"It was very challenging pero doon mo makikita na kapag gusto talaga, merong paraan."

Dagdag ni Jake, "I'm actually very fortunate enough to be able to do what I love to do and be able to do, which is act, and be able to do something different also.

"This whole experience, this whole quarantine, mas na-appreciate ko iyong mga bagay na wala dito ngayon, which is having to work, having to meet the people, your friends.

"Parang ngayon, mas na-appreciate ko lahat ng mga bagay."

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jake Cuenca on "biggest luxury" during quarantine days: "I would say that's the biggest luxury... for the first time, I was able to give my undivided attention to Kylie."
PHOTO/S: @juancarloscuenca on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results