Andi Eigenmann on Philmar Alipayo: “I picked the right partner.”

by Bernie V. Franco
Jun 22, 2020
andi eigenmann boyfriend
Andi Eigenmann: "Nung na-experience ko po yung life sa Siargao, lalong-lalo na nung makilala ko si Philmar, dun ko po naisip na, ‘Ay, mas dito po ako nababagay.’ Parang mas dito po kami nababagay ng anak ko na si Ellie."
PHOTO/S: @andieigengirl on Instagram

Wala raw pagsisisi si Andi Eigenmann na isang “simple” at “native” ng Siargao Island ang nakatuluyan niya.

Karelasyon ng aktres ang champion surfer mula sa Siargao na si Philmar Alipayo.

Si Philmer ang ama ng pangalawang anak ni Andi na si Lilo, na isinilang ng aktres noong July 2019.

Ang panganay ni Andi na si Ellie, 8, ay anak naman niya sa dating nobyong si Jake Ejercito.

Saludo si Andi kay Philmar na isa raw mabuting ama.

“He’s more hands-on than I am,” pagmamalaki ng aktres sa Facebook interview niya sa Rated K kahapon, June 21.

Sabi pa ng aktres, bukod sa surfing ay tutok daw sa mga bata si Philmar.

Sa katunayan, alalang-alala raw si Philmar bago ipanganak ni Andi si Lilo sa pangambang baka hindi kaya ng aktres mag-alaga ng bata.

Alam kasi ni Philmar na may katuwang na yaya si Andi nang palakihin ang panganay nitong si Ellie.

Continue reading below ↓

“I learned a lot from Philmar in terms of taking care of kids kasi mas tutok siya,” papuri ni Andi sa nobyo.

“And I feel, besides being a surfer, his focus is really being a father.

“I really love seeing my daughter grow with him and seeing how they are together, how close they are.

“I’m just amazed because we are together.”

Patuloy niya, “I didn’t expect that, ‘Oh, you’re gonna be an awesome father.’

“I only realized that now that I picked the right partner because he takes care of me so well, and it’s passed on on how he takes care of Lilo and Ellie.”

Pinuri naman ng host na si Korina Sanchez si Andi na, sa kabila ng pagiging artista, mas piniling makarelasyon ang isang "simple," "native," pero guwapong surfer mula sa Siargao.

Sa showbiz, naging boyfriend noon ni Andi ang aktor na si Albie Casiño.

Gayundin si Jake, anak ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Continue reading below ↓

Ang pinakahuling boyfriend ni Andi bago naging sila ni Philmar ay ang model-surfer na si Emilio Arambulo.

NO INTENTION to MAKE A SHOWBIZ COMEBACK

Tatlong taon nang wala sa showbiz si Andi, na highly identified bilang Kapamilya actress.

Anak siya ng respetadong aktres na si Jaclyn Jose sa namayapang aktor na si Mark Gil.

Bukod sa showbiz, tinalikuran na rin ni Andi ang marangyang buhay.

Kasalukuyan siyang naninirahan sa Siargao.

Dati raw ay bakasyunan lamang niya ang tinaguriang surfing capital ng Pilipinas.

“Siargao is a sort of a place where I go for vacation with my friends, because I really enjoy surfing and I’m a fan of the sport,” sabi ng aktres.

Tiniyak ni Andi na hindi niya ipagpapalit ang kasalukuyang buhay, kahit sa showbiz.

“In terms of buhay siyudad, ang nami-miss ko lang po, yung pamilya ko, kasi wala sila, ako lang ang nandito at si Ellie."

Aminado siyang nami-miss niya ang pag-arte.

Continue reading below ↓

Pahayag ni Andi, “In showbiz, I really miss acting.

“I really miss being at shootings and tapings, but it’s not to the point that I wish I could go back.

“I wouldn’t trade the life that I have now for anything else.”

HOT STORIES

LIVING IN THE ISLAND

Bago sila nagkatuluyan, naging tour guide ni Andi si Philmar kapag nagbabakasyon siya noon sa Siargao.

“Whenever I visit here in the island, there’s a small community that I’m friends with, that would tour me around.

“And Philmar was one of them at the time.”

Si Philmar din daw ang nag-udyok sa kanyang tuparin ang pangarap na mamuhay sa isla.

Kuwento ni Andi, “It was Philmar that probably that gave me the courage to actually make that decision.

“But yung tumira sa isla, pangarap ko na po siya noon pa, na akala ko hindi ko talaga siya maaabot, kasi lahat ng oras ko nasa pag-aartista.”

Continue reading below ↓

Naisip daw ng aktres na baka hindi talaga para sa kanya ang pag-aartista nang mapansing nawawalan na siya ng oras sa panganay na si Ellie.

“Nagkakaroon na po ng maraming time na wala ako sa mga importanteng events ng buhay ng anak ko, ni Ellie."

Nagdesisyon si Andi na pansamantalang iwan ang showbiz at magbakasyon sa Siargao.

Continue reading below ↓

Ang bakasyon ay nagtuluy-tuloy na sa paninirahan sa isla.

“And I wanted to have more time and be more hands-on.

“I decided to take a break.

“While taking a break, I also got the chance to find myself and get out there and do the things that I always wanted to do.

“And that’s going on islands, different islands here in the Philippines.

“And nung na-experience ko po yung life sa Siargao, lalong-lalo na nung makilala ko si Philmar, dun ko po naisip na, ‘Ay, mas dito po ako nababagay.’

“Parang mas dito po kami nababagay ng anak ko na si Ellie.

“And then we built a family together.”

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andi Eigenmann: "Nung na-experience ko po yung life sa Siargao, lalong-lalo na nung makilala ko si Philmar, dun ko po naisip na, ‘Ay, mas dito po ako nababagay.’ Parang mas dito po kami nababagay ng anak ko na si Ellie."
PHOTO/S: @andieigengirl on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results