Detach Video
Paano mag-react si David Licauco sa indecent proposals sa social media?
Jun 22, 2020

Ikinuwento ni David Licauco sa kanyang PEP Live interview na pinipilit niyang sagutin ang lahat ng fans na nagme-message sa kanya.

Inihalintulad ni David ang sarili sa isang fan na umiidolo sa isang sikat na personalidad na katulad ni Manny Pacquiao na idol nga niya.

Aniya, kung sasagutin ni Manny ang kanyang messages sa social media, bilang isang fan, tatanawin niyang napakalaking utang na loob iyon at ite-treasure niya sa kanyang buong buhay.

Kaya ganon daw siya sa kanyang fans, sa kabila ng kanyang busy schedules bilang artista at businessman, pinipilit niyang sagutin ang mga fan messages niya at nagpo-post din daw siya sa mga social media accounts ng fans na sinasagot niya.

Pero napunta ang kuwentuhan nila ni PEP Live host Jimpy Anarcon sa mga indecent proposals at "thirst" messages sa kanya ng ilang fans.

May fans na nagme-message sa kanya ng mga mensahe na katulad ng "ang sarap mo" at aniya'y iba pang "nakakalokang" mensahe.

Paano ba niya sinasagot ang mga ganitong mensahe?

Panoorin ang video para sa kanyang sagot.

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

HOT STORIES

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results