G. Quarantino 2020 speaks up on indecent practices in bikini contests; indie actor resorts to video calls to gay clients

by Jerry Olea
Jun 24, 2020
Ginoong Quarantino 2020 Allen Ong Molina (left) and indie actor Miko Pasamonte (right) weigh in on alleged prostitution in bikini contests and making a living during enforced quarantine.
PHOTO/S: Instagram / Twitter

Kumapit sa patalim ang dating indie actor na si Miko Pasamonte sa panahon ng pandemya.

“Namatay ang negosyo ko na pagtitinda ng exotic pets,” hinaing ni Miko nang makausap namin nitong Hunyo 21, Linggo.

“Makapagtitiis akong kumain ng sardinas at noodles araw-araw. Kahit ketchup o Mang Tomas lang na ulam, kaya ko ring tiisin.

“Pero naubos ang ipon ko. Paano ko pakakainin ang mga alaga kong snake, tortoise, tarantula, at exotic fish?”

Nai-tweet ni Miko noong Mayo 23, walang-wala na siyang pera, at nakikikain na lang sa kapit-bahay sa Dasmariñas, Cavite.


Continue reading below ↓


Labag man sa kalooban, nagpasya si Miko na gamitin ang kanyang katawan.

Nag-tweet siya ng mga litratong bakat ang kanyang kaselanan.

Sa halagang P10 Karats, payag siyang makipag-videocall sa mga bakla at matrona. May mga tumawad ng P5K, pinagbigyan niya.

Continue reading below ↓

Sunud-sunod ang nakipag-videocall sa kanya sa dalawang araw. Nakalikom siya ng P98,000.

Inamin ni Miko na kung minsan ay pinepeke niya ang lumalabas sa kanya tuwing may nagbi-videocall.

“Pineke ko ang dagta. Gumamit ako ng Cetaphil,” sabi ni Miko, na nagbida sa indie movies na Kape Barako (2011), The Escort (2011), at Kumpare (2012).

Walang pagsisisi si Miko sa pakikipag-videocall.

Bilang breadwinner sa kanilang pamilya, responsibilidad daw niya na magsakripisyo kahit iwaksi ang kahihiyan.

Ani Miko, “Nakapagpadala na ako kanina ng pera kay Mama sa probinsiya para sa maintenance niya.”

DESPERATE TIMES

Kung tutuusin ay masuwerte si Miko kumpara sa ibang bikini boys at indie actors.

Kasagsagan ng ECQ, nahabag si Miko sa isang bikini boy nang mapanood ang scandal video nito, kung saan "binaboy" raw ito ng kaniig na customer.

“Baboy! Salaula! Iyong bikini boy, walang nagawa,” bulalas ni Miko.

Ang talent agent/manager na si Shobi Dionela ay sampung taon nang nagha-handle ng bikini models.

Continue reading below ↓


Shobi Dionela

Ngayon lang niya nasaksihan na naghihikahos nang lubos ang sandamukal na kontesero at kontesera.

Ani Shobi, “Nganga ang bikini models noon pang Marso, lalaki man o babae. Walang raket.

“May bikini models na payag magpa-booking, pero hirap makadiskarte dahil sa social distancing. Ang clients, takot magka-COVID.”

Ang isang bikini hunk na Manilenyo, bagsak-presyong inilako ang sarili sa mga bakla upang makabili ng gatas para sa dalawa niyang anak.

Continue reading below ↓

Ang isang laos na kontesero, na-depress sa kawalan ng pinagkakakitaan at nagtangkang magpatiwakal.

SIR WIL ONLINE CHALLENGE

Sa ganitong scenario na maraming nagdarahop at napapariwara, lumikha ang entrepreneur at LBTQIA personality na si Wilbert Tolentino ng samu’t saring online challenges upang makapagbigay ng tulong-pinansyal sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

Ang adhikain ng kanyang Sir Wil Online Challenge, “Stay Home. Save Lives. We Will Beat COVID 19!”


Continue reading below ↓

Bahagi nito ang virtual timpalak na The King of ECQ Online Search — Ginoong Quarantino 2020 para sa entertainment, ramp, TVC male models/male pageant aspirants.


Mula sa humigit-kumulang 500 aspirants ay pumili ang Lupon ng Inampalan ng Top 100 Candidates mula sa iba’t ibang lalawigan.

Na-trim down iyon sa Top 30, hanggang Top 16, Top 5.

Continue reading below ↓

GINOONG QUARANTINO 2020

Noong Hunyo 6, Sabado, ay inihayag sa official fan page ni Sir Wil na ang itinanghal na title-holder ay ang 26-anyos na si Allen Ong Molina ng Tarlac City.


“Hindi ko po kilala ang judges sa contest na ito. Noong umpisa po, ni isa sa kanila ay hindi ko po friend sa Facebook.

Continue reading below ↓

“Patapos na po ang contest nang maging FB friend ko ang iba sa kanila,” sambit ni Allen nang makausap namin sa cellphone nitong Hunyo 20, Sabado ng gabi.

Kabilang sa Board of Directors ng Sir Wil Online Challenge sina Wilbert Tolentino (chairman and president), Ryan Soto (vice president for guidelines and editor), Frankendal Fabroa (monitoring officer), Gelbert Aplal (photographer, videographer and visual artist, Chad Jonas (finance officer) at Rodgil Flores (vice-Chairman, writer, and director).

Sila rin ang mga hurado sa iba’t ibang hamon.

Bago ang Final Round, pang-apat si Allen sa ranking ng online votes para sa Top 5.

“Sobrang kaba po ako palagi sa lahat ng laban ko. Hindi po nawawala yung kaba,” saad ni Allen.

“Tanggap ko po na hindi ako nanguna sa botohan online.

"Wala pong dayaan doon, kasi maayos po ang namuno ng pa-contest.

"Transparent po lahat ng scores.”

Ipinasa-Diyos ni Allen ang kapalaran niya sa paligsahan.

Continue reading below ↓

Ang final question ng in-house host na si Kristine Caballero Aplal: “Ang masculinity ba ang sukatan ng pagiging isang tunay na lalaki? Kung hindi man ito, ano yun? Please explain your answer.”

Swak sa Father’s Day celebration ang tugon ni Allen:

“Lumaki po ako sa isang broken family.

"Lumaki po ako na walang ina. Ang nagtataguyod lang po sa akin ay ang aking tatay.

“Para po sa akin, yung ma-raise up niya yung mga anak niya nang mabuti, na maging mabuting tao gaya ng ginawa sa akin ng aking ama, siguro po, iyon ang pagiging ano... tunay na lalaki.

“Iyong kaya mong tumayo para sa mga anak mo...” gumaralgal ang boses ni Allen.

Dagdag niya, “Ang ama ang haligi ng tahanan, kaya dapat po talaga, gabayan po natin ‘yung mga anak natin.”

Ang sagot na iyan ang nagpanalo kay Allen sa G. Quarantino 2020, na ang kaakibat na cash prize ay P200,000.

Continue reading below ↓

GINOONG QUARANTINO 2020 FIRST RUNNER-UP

Ang first runner-up ay ang 29-anyos na si Wize Estabillo, na panlima sa online voting, at nagnanais maging public servant.

Bida Smile si Wize sa BidaMan contest ng It’s Showtime noong nakaraang taon.


Sagot ni Wize sa final question, hindi ang masculinity ang nagde-define sa pagiging lalaki, kundi ang pagiging responsable.

Continue reading below ↓

Pagdidiin ni Wize, “Marami pong mga lalaki diyan ang nagkakaroon po ng anak, pero hindi po nagiging responsable sa pag-handle po ng sitwasyon.

“Para po sa akin, bilang isang lalaki, kailangan po nating buhayin ang ating pamilya, bigyan sila ng magandang buhay, pakainin po sila, papuntahin sa paaralan ang kanilang mga anak, at mahalin ang kanilang mga asawa.

“Marami po tayong mga kalalakihan diyan na tawagin po natin na bakla, gay po, pero ang responsibility po na meron sa kanila, 100% po.

“Iyon po ang tunay na lalaki para sa akin.”

Makatuturan sa Gay Pride celebration at 51st anniversary ng Stonewall riots ang pananaw ni Wize.

Ang Stonewall riots ay nag-umpisa noong Hunyo 28, 1969 sa Greenwich Village ng Manhattan, New York City.

Nagsilbi iyong mitsa ng gay liberation movement at makabagong pakikibaka para sa LGBT rights sa Amerika.

Kagaya ni Allen ay taga-Tarlac City si Wize, na P50,000 ang napagwagiang cash prize.

Continue reading below ↓

Ang second runner-up ay ang 31-anyos na si Robby Cubacuc ng Pampanga, na nagkamit ng P20,000.

Ang third runner-up ay si Czack Buenafe ng Quezon City, na nag-uwi ng P10,000.

At ang fourth runner-up ay ang 22-anyos na si Jiro Garcia ng Dasmariñas, Cavite, na nagtamo ng P5,000.

Guest judge at commentator sa G. Quarantino 2020 si Miss Earth 2008 Karla Henry Ammann.

QUARANTINONG KISIG: HARI NG ECQ

Pinatibay si Allen ng mga pagsubok sa buhay mula pagkabata.

“Lumaki po ako na walang nanay.

"Sa murang edad ko, ako na po ang nagluluto. Kasi, busy po ang tatay ko sa pagtatrabaho,” matamang paggunita ni Allen.

“Marami kaming magkakapatid pero hiwa-hiwalay po kami. Mga Chinese po sila.

"Iyong lumaki kang halos walang magulang na gumabay sa ‘yo, pagsubok na rin po iyun.

“Nagpapasalamat po ako at hindi ako napasama. Kasi, yun po ang naging motivation ko para maging mabuting tao.”

Tandang-tanda pa ni Allen ang unang bikini contest na sinalihan niya halos sampung taon na ang nakaraan.

Continue reading below ↓

“Seventeen years pa lang po ako nang sumali sa Diwa ng Tarlac, sa may tabi po ng Kapitolyo.

"Ang premyo ko po, P15,000,” pahayag ni Allen, na tumuntong sa second year college ng kursong B.S. Information Technology sa Tarlac State University.

Hindi na mabilang ni Allen kung ilan ang napanalunan niyang bikini contest. Mga limang beses siyang naging first runner-up, at ok lang iyon sa kanya.

Sa dami ng titles na napanalunan ni Allen ay tinagurian siyang "Bikini King of the Philippines."

Kinatatakutan siya ng kapwa bikini hunks.

Continue reading below ↓

NO TO INDECENT PROPOSALS

Kaya lang, sa panahon ng pandemya ay natigil ang mga pa-bikini. Kumusta ang buhay niya nang ideklara ang community quarantine?

Tugon ni Allen, “Mahirap po. Gipit sa pera.

"Maraming humihingi ng tulong.

"Bago po ang quarantine, nakakapagbigay po ako.

"Pero nang magkahigpitan na po, hindi na po.”

Maraming bikini boys na nakipag-videocall nang mahalay sa paglaganap ng coronavirus.

Tahasang itinanggi ni Allen na sumabak siya ng ganoon.

Aware ba siyang maraming kasamahan niyang bikini hunks ang kinakalakal ang kani-kanyang laman, lalo na sa mga gay sponsors ng bikini contests?

“May naririnig po ako.

"Maliit lang po kasi ang industriya ng bikini pageants.

"Kumbaga, hindi ko alam kung bakit nagagawa nila iyon.

"Siguro po, kailangan talaga.”

Sa kakisigan ni Allen, sandahutay na gays ang nagpapantasya sa kanya. Pumapatol ba siya sa indecent proposals?

Mabilis na tugon niya, “Sinasabi ko po sa kanilang huwag, na mas masarap akong kaibigan.

Continue reading below ↓

"Sinasabi ko sa kanila, iyong tikim, one-time sarap lang.

“Mas magandang maging kaibigan ko sila. Kaibiganin ako. Kilalanin ako.

"Hindi ako ganoon na papatol.”

Anong ginawa niya sa premyong P200,000 sa G. Quarantino 2020?

“Hindi ko pa po ginagalaw. Nasa bangko pa po yun.

"Iniisip ko po, kumuha ulit ng insurance.”

Hanggang kailan siya makikipagtagisan sa bikini contests? May balak na ba siyang magretiro?

“Kailan ako hihinto? Siguro po, hanggang kaya ko pa at gusto pa ako ng mga manonood ng bikini contests.”

FIGHT FOR THE CROWN, FIGHT AGAINST COVID-19

Bago ginanap ang The King of ECQ Online Search — Ginoong Quarantino 2020, nag-agawan ang gays and transgenders sa korona ng The Philippines’ Most Beautiful Beki Online Pageant – Queen of bECQi 2020.


Continue reading below ↓

Lumahok dito ang isang daan at dalawampung (120) beki mula sa iba’t ibang rehiyon.

Mabangis ang kabugan sa Formal Wear at Swimwear!

Na-trim down ang line-up sa tatlumpo (30), hanggang sa naging labinlima (15), then Final Five (5) at dalawang (2) Wild Cards.

Kung sa Miss Universe na may 85 more or less candidates ay 45 days ang preparation, itong Queen of bECQi ay walong (8) araw lang.

Mayo 11, Lunes, inihayag ang winners sa official fan page ni Wilbert Tolentino.

Ang grand winner ay si Marianne Crisologo ng Nueva Ecija, na nag-uwi ng P100,000.

Ang first runner-up ay si Matmat Centino ng Cabanatuan City, na nagtamo ng P50,000.

Ang second runner-up ay si Lars Pacheco ng Bocaue, Bulacan, na nagkamit ng P20,000.

Ang third runner-up ay si Patrick Isorena ng Laguna, na nakasungkit ng P10,000.

At ang fourth runner-up ay si Britney Madali ng Quezon City, na pinagkalooban ng P5,000.

Continue reading below ↓

Natatanging guest judge sa timpalak na ito ang pageant blogger na si Norman Tinio.

Say mo, Ariella Ayuda?!

Para sa impersonators at entertainers, andiyan ang three-episode Sir Wil Drag Queen Challenge — The Ultimate Impersonation Contest.

Mahigit isang daan (100) ang pre-final qualifiers dito. Na-trim down ito sa fifty-two (52) contenders, na pinagkunan ng Top 15.

Sa final round, ang bawat drag queen ay binigyan ng isa’t kalahating minuto para mag-lipsynch sa Stay Home Vogue, na homage ni Chris Mann sa Vogue ni Madonna.

Namukod-tangi ang charisma, uniqueness, nerve and talent ni Lady Ivana, na nagkamit ng P50,000.

First runner-up si Khandie Segovia na nag-uwi ng P20,000. Second runner-up si Vinas Deluxe na nagtamo ng P10,000.

Third runner-up si Tiffany na tumanggap ng P5,000. At fourth runner-up ang nag-iisang si DBlackbutterfly Aikee na naka-P3,000.

Condrags!

Kabilang pa sa mga pasiklab ng Sir Wil Online Challenge ang dalawang wave ng Online Star Influencer (para sa social media influencers), Wil or No Wil Online Game Show (kung saan P234,900 ang kabuuang cash prizes na ipinamigay), Sir Wil Extreme Cutie Quest Challenge (para sa mga pamilya), The Queen of Lockdown Transformation 2020 — Pagirl/Pahard Challenge (para sa gay community) at Sir Wil Media Challenge (para sa entertainment, lifestyle and pageant media).

Continue reading below ↓

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ginoong Quarantino 2020 Allen Ong Molina (left) and indie actor Miko Pasamonte (right) weigh in on alleged prostitution in bikini contests and making a living during enforced quarantine.
PHOTO/S: Instagram / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results