Ellen Adarna has sharp retort for basher telling her to shut up

by Arniel C. Serato
Jun 23, 2020
Ellen Adarna to her basher (published as is): "Stress weakens the immune system and cause diseases that will eventually kill you. Shine a light! You need to be healthy inside and out to fight this virus”
PHOTO/S: Courtesy: @maria.elena.adarna on Instagram

“Arent you a bit old for aggression?”

Ganito binara ni Ellen Adarna, 32, ang isang basher na sinabihan siyang manahimik sa Instagram.

Kagabi, June 22, nag-upload si Ellen ng isang short instructional video tungkol sa tamang paraan ng pagsusuot ng face mask.

Sabi ng Cebuana actress sa caption: “Huy... CEBU...

“Panigurado najud mos face mask ninyu para maka sugod-sugod nasad tag panarbaho ug tarong ug date-date ginagmay nga walai praning-praning... [Siguraduhin niyo na magsuot ng face mask upang makapagsimula na tayo ng ating mga trabaho ng maayos at makapag-date date kahit papano na hindi napapraning…]

"ay namo panakod ug gahi ulo kai kay unsaon nalang ug inyong soul mate mawagtang na tungod sa covid. tabang! [Huwag na kayong manghawa at magmatigas ng ulo kasi baka ang soulmate niyo mawala na dahil sa covid. tulong!]

“Bitaw uy, joke dala tinood. Pero ang face mask paninuod na palihug [Siyanga pala, biro na may halong katotohanan. Pero ang face mask, totoo 'yan please]”

Continue reading below ↓

Isang netizen ang nag-comment sa post ni Ellen pagka-upload niya.

Sabi nito (published as is): “You shot up”

Hindi naman ito pinalampas ni Ellen.

Base sa profile picture ng netizen, medyo may edad na ito.

Tugon ng aktres sa nagkomento: “is that your profile pic?

“If so, arent you a bit old for aggression? and Negativity = stress.”

Continue reading below ↓

Payo pa niya, kung naiinis ang Instagram user sa pagmumukha ng aktres, i-unfollow na lamang siya nito.

Saad ni Ellen, “If my face stresses you out, i beg you please unfollow me...i dont want u to die of stress...

“Stress weakens the immune system and cause diseases that will eventually kill you. Shine a light!

"You need to be healthy inside and out to fight this virus”

Continue reading below ↓

Hindi na sumagot pa ang netizen kay Ellen.

HOT STORIES

ELLEN TEACHES CEBUANOS HOW TO WEAR FACE MASKS

Nasa spotlight ngayon ang Cebu City dahil sa mabilis na pagdami ng mga COVID-19 cases.

Noong Linggo, June 21, lamang ay nakapagtala ang lungsod ng 3,733 cases.

Kaya minarapat ni Ellen na magpalaganap ng kaalaman sa mga Cebuano ng tamang pagsusuot ng face mask.

Ang pagsusuot ng face mask ay bahagi ng health protocols ng Department of Health (DOH) upang maiwasan ang lalo pang paglaganap ng COVID-19.

Saad ni Ellen, “’Day, tungod kay palanga takaw, ako magsuot kug face mask. [‘Day, dahil mahal kita, ako magsuot ng face mask.]

“Ingon ani ang pagsuot ug face mask. [Ganito ang tamang paraan nang pagsusuot ng face mask.]

“Dapat manghunaw jud ka sa imong kamot, dapat limpiyo. [Dapat maghugas ng kamay, kailangang malinis.]

“Unya isuot nimo sa imong dunggan, left and right. [Tapos, isuot mo sa iyong tainga, left and right.]

Continue reading below ↓

“Unya manigurado jud ka ‘Day nga matabunan ang ilong, ang baba, ug ang suwang. [Dapat siguraduhin mo, ‘Day, na matabunan ang ilong, ang bibig, at ang baba.]

“Unya ang pagtangtang sa face mask, manigurado na sad ta ‘Day, nga manghugas na sad ta, kinahanglan limpiyo ang kamot, dili gyud na nato hilabtan ang atubangan. [Pagkatapos, sa pagtanggal sa face mask, manigurado tayo, ‘Day, nga maghugas sa ating mga kamay, dapat malinis ang ating kamay, at huwag natin hawakan ang harapan ng face mask.]

“Unya ug tela imong face mask, manigurado jud ta ‘Day nga labhan nato kada adlaw kay tungod palangga takaw. [At kung tela ang iyong face mask, manigurado tayo ‘Day na labhan natin ito araw-araw dahil makal kita.]”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna to her basher (published as is): "Stress weakens the immune system and cause diseases that will eventually kill you. Shine a light! You need to be healthy inside and out to fight this virus”
PHOTO/S: Courtesy: @maria.elena.adarna on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results