Sunshine Cruz thanks boyfriend Macky Mathay for being "the BEST father figure” to her daughters

by Bernie V. Franco
Jun 23, 2020
sunshine cruz macky mathay
Sunshine Cruz (left) to boyfriend Macky Mathay (right): "I couldn’t ask for more because my children are blessed to have the BEST father figure they could have."
PHOTO/S: @mackymathay on Instagram

Wala na raw mahihiling pa si Sunshine Cruz, 42, dahil biniyayaan ang kanyang mga anak ng “BEST father figure they could have” sa katauhan ng nobyong si Ismael "Macky" Mathay IV.

Si Macky, 40, ay isang fitness ambassador at businessman.

Siya ay half-brother ng aktres na si Ara Mina, na naging tulay kina Macky at Sunshine.

May tatlong anak si Sunshine sa dating asawang si Cesar Montano—sina Angelina, 18, Samantha, 16, at Cheska, 14.

Ikinasal sina Sunshine at Cesar noong 2000, pero naghiwalay noong 2013.

September 18, 2018 nang mapawalang-bisa ang kasal nila.

May tatlo ring anak si Macky sa dating asawang si Camille Fariñas—sina Roan, Colin, at Charlize.

Apat na taon nang hiwalay si Macky sa dating asawa.

Sa Setyembre ay ipagdiriwang nina Sunshine at Macky ang kanilang ika-apat na anibersaryo bilang magkasintahan.

HOT STORIES

SUNSHINE GRATEFUL FOR MACKY

Noong Linggo, June 21, nag-post ng Father's Day greeting ang Love Thy Woman actress sa Instagram para kay Macky.

Continue reading below ↓

Abot-abot ang pasasalamat ni Sunshine sa nobyo.

Mensahe ng aktres: “My Macky! Happy Father’s Day!

"I don’t know if thanking you is enough for the love and support you’ve been giving not just to me and to your children but to my three girls and our dogs as well.

“Mag aapat na taon na![heart emoji] Napakabuti mong tao.

“Punong-puno ka ng pagmamahal and because of that, umaapaw ang pagmamahal na yan at iyo ding naibabahagi sa mga tao na nakakasama mo maliban sa pamilya.

“I couldn’t ask for more because my children are blessed to have the BEST father figure they could have.”

Nagpasalamat din si Sunshine kay Macky dahil buong-puso siyang tinanggap nito, pati na rin ang kanyang tatlong anak.

“We are all blessed to be loved by you. I am truly grateful to God for sending someone like you in our lives.

“Salamat dahil tinanggap at minahal mo din kami ng mga anak ko. Happy Father’s Day.

Continue reading below ↓

“Napakabuti mong ama kina Charlie, Roan and Colin and again thank you for loving Angelina, Sam and Chesca too. May God bless you more!

“We love you my Macky! [heart emoji]”

Tinapos ni Sunshine ang post gamit ang hashtag na #fathersday2020

MACKY SAY SUNSHINE IS HIS FIRST TRUE LOVE

Ni-repost ni Macky sa kanyang Instagram ang greeting sa kanya ni Sunshine.

Sa kanyang introduction, tinawag ni Macky ang aktres bilang “my greatest blessing, miracle, first true love…”

Sisikapin daw ni Macky na maging pinakamabuting ama para sa kanilang mga anak.

Ani Macky, “Thank you for this very beautiful Father’s Day greeting my Sunshine.

“You truly are to me my greatest blessing, miracle, first true love and my definitely my inspiration to be the best man that I can be!

“While our six angels (Ro, Cole and Charlie/Ange, Sammy and Cheskie) will always also inspire me to be the best father/father figure that I can ever be.

Continue reading below ↓

“Mahal na mahal ko kayong lahat my Sunshine!!”

SUNSHINE’S DAUGHTERS FAVOR MACKY

Botong-boto naman ang mga anak ni Sunshine kay Macky.

Sa isang ABS-CBN online talk show noong June 14, tinanong sina Angelina, Samantha, at Cheska kung boto ba sila kay Macky.

Malakas na “Yes, of course!” ang sagot ng tatlo.

Continue reading below ↓

Boto rin daw ang tatlo kung sakaling mag-propose na si Macky sa kanilang ina.

Kinumpirma rin ni Angelina na close sila sa kanilang Tito Macky, na isa raw father figure para sa kanilang magkakapatid.

Nakikita raw nilang “very happy” ang kanilang ina sa piling ni Macky.

Gayunpaman, nilinaw ni Sunshine na hindi pa sila handang magpakasal ni Macky dahil marami pa silang dapat ayusin.

Halimbawa, sa kaso ni Sunshine, dala pa rin niya ang apelyido ng dating asawa at kailangan pa niya itong ipaayos.

Sa isyu ng muling pagpapakasal, “in God’s perfect” time ang isinagot ng aktres.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Cruz (left) to boyfriend Macky Mathay (right): "I couldn’t ask for more because my children are blessed to have the BEST father figure they could have."
PHOTO/S: @mackymathay on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results