Sofia Andres finally speaks up about pregnancy, showbiz hiatus

by Arniel C. Serato
Jun 23, 2020
Sofia Andres on partner Daniel Miranda's reaction when she told him about her pregnanc: "Natakot din siya. Parang sa akin, natural naman yun na reaksiyon. Kasi meron siyang racing career, meron siyang school kasi nag-aaral pa rin siya, e. Pero after that, tinext niya ako, tinawagan niya ako, na masaya siya."
PHOTO/S: Courtesy: @danielmirandaa_ on Instagram

Binasag na sa wakas ni Sofia Andres, 21, ang kanyang pananahimik ukol sa itinagong pagbubuntis noon, at ngayon, ang pagiging bagong ina.

Noong June 21, 2020, Father’s Day, ginulat ni Sofia ang kanyang followers sa Instagram nang ianunsiyo niyang may anak na siya.

Ito ang bunga ng kanilang pagmamahalan ng Cebu-based international race car driver na si Daniel Miranda, 23.

Sa eksklusibong panayam ni MJ Felipe para sa ABS-CBN kagabi, June 22, inamin ni Sofia na nalaman niyang nagdadalantao siya noong February 14, 2019, Valentine's Day.

Paano niya nalamang buntis siya?

Kuwento ni Sofia, “Nasa shoot kasi ako nun, e, parang feeling ko may kakaiba akong nararamdaman.

“So, sabi ko sa road manager ko, ‘Ate, parang buntis 'ata ako.’

“Parang alam ko na... alam mo yung instincts?

“So, sabi ko sa kanya, ‘Bili ka ng pregnancy test.’

“Medyo kinakabahan ako, nasa shoot pa naman ako nun.

“Bumili pa rin siya. After nun, nag-positive agad."

Continue reading below ↓

Hindi raw alam ni Sofia ang kanyang naramdaman nang nalaman niyang magiging ina na siya.

“Nagulat din ako sa reaction ko kasi hindi ako naiyak.

“Honestly, sobrang saya ko nga, e.

"I mean, hindi ako natakot, wala yung ganung feeling.

“Hindi ko alam, hindi ko alam kung bakit ganun."

Sa puntong ito ay nangingilid na ang luha ni Sofia.

Aniya, “Siguro, it's really meant na ibinigay siya sa akin ni Lord.

“Ang galing, 'no, kasi parang hinanda talaga ako Niya dun sa moment na yun na na-realize ko, 'Ready ako, in a way.'”

HOT STORIES

NOT PLANNED

Ipinagdasal ba niya ang pagkakaroon ng anak sa murang edad na 21?

Tugon ni Sofia, “Hindi siya planned, e.

"Pero parang, alam mo yung feeling na, 'Bakit ganun?'

"Hindi man lang ako... masaya ako, pero hindi yung takot.

“'Hala, ano na mangyayari? Paano na ako? Paano yung trabaho ko?' Hindi, e.

“Yung ano ko na, 'Wow, ito na, meron na akong baby!' Ganun, ganun siya.”

Continue reading below ↓

Secured daw si Sofia na pananagutan siya ni Daniel. Hindi siya nangamba na baka bigla silang talikuran ng boyfriend.

Saad ng aktres, “Yeah, hindi. Kasi ano, e...

"Actually, nung sinabi ko sa kanya, dun pumasok yung tanong na, 'Hala, baka iiwan ako nito.'

"Kasi nakita ko yung reaction niya na sobrang umiyak siya. Natakot din siya.

"Parang sa akin, natural naman yun na reaksiyon, kasi meron siyang racing career, meron siyang school. Kasi nag-aaral pa rin siya, e.

“Pero after that, tinext niya ako, tinawagan niya ako, na masaya siya.

“Proud din ako sa kanya na prinove niya yung sarili niya na hindi siya magbabago.

"Consistent siya, e.”

SOFIA IN AUSTRALIA

Nagtungo si Sofia sa Australia upang doon ituloy ang pagbubuntis, at para na rin doon magsilang.

Umalis siya sa Pilipinas noong August 5, 2019.

Mag-isa lang daw siyang bumiyahe, at sumunod lamang ang kanyang ina noong malapit na siyang manganak.

Continue reading below ↓

Sabi ni Sofia, “The experience nun was very, like, rollercoaster.

"Wala akong mommy, sanay ako na lagi siyang nasa tabi ko.

“Paano ko gagastusin yung pera, kasi hindi ako sanay na ako yung nagha-handle. Kumbaga, magastos kasi ako.

“Pero andiyan si Daniel to teach how to handle these things.

“You know, how to be independent.

"So, ang saya na medyo kinabahan talaga ako kung paano ko...

"First time ko kasing mag-abroad nang mag-isa, tapos pregnant pa."

Naging madali naman daw ang kanyang pag-a-adjust sa Australia dahil may mga taong nag-alaga sa kanya.

“Nung manganganak na ako, andun yung mommy ni Daniel tsaka yung mommy ko to actually support us.”

Nawalan na raw ng poise si Sofia noong nasa ospital na, pero isang malaking kasiyahan nang makita na nila ni Daniel ang kanilang supling.

November 24, 2019 nagsilang si Sofia, at pinangalanan nila ang anak na Zoe.

“Ganun pala kasakit yung manganak, pero after nun, sobrang rewarding,” pakli ni Sofia.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sofia Andres on partner Daniel Miranda's reaction when she told him about her pregnanc: "Natakot din siya. Parang sa akin, natural naman yun na reaksiyon. Kasi meron siyang racing career, meron siyang school kasi nag-aaral pa rin siya, e. Pero after that, tinext niya ako, tinawagan niya ako, na masaya siya."
PHOTO/S: Courtesy: @danielmirandaa_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results