Sofia Andres not rushing to marry Daniel Miranda even after having his baby

by Arniel C. Serato
Jun 24, 2020
Sofia Andres on marrying boyfriend Daniel Miranda: "Ayaw namin ngayon na bigla na lang, ‘Sige na, ito na, pakasal na.’ Parang hindi pa namin naiisip. Pero we’re gonna get there."
PHOTO/S: Courtesy: @danielmirandaa_ on Instagram

Hindi raw nagmamadaling lumagay sa tahimik sina Sofia Andres, 21, at ang partner nitong si Daniel Miranda, 23.

Ito ay sa kabila nang mayroon na silang anak.

Si Sofia ay nagsilang ng isang malusog na babaeng supling sa Australia noong November 24, 2019.

Ngayong June 24 ay seven months old na ang bata na pinangalanan nilang Zoe.

“For now, we’re taking it slow," sabi ni Sofia sa panayam sa kanya ni MJ Felipe para sa ABS-CBN News noong June 22.

“Kasi ayaw namin mangyari yung mga... alam mo yung, ayaw naming nagmamadali.

“Kasi minsan, di ba, pag aggressive o impulsive, may mga nangyayaring hindi maganda.

“So, gusto namin ngayon, i-establish pa yung relationship namin. Mas makilala pa yung isa’t isa.

"At siyempre, iba yung pag may lumalaki na bata, 'no, tsaka yung bonding and all that.”

Pero natitiyak naman daw ni Sofia na sa kasalan din hahantong ang apat na taong relasyon nila ni Daniel.

Continue reading below ↓

Saad ng aktres, “Ayaw namin ngayon na bigla na lang, ‘Sige na, ito na, pakasal na,’ parang hindi pa namin naiisip.

“Pero we’re gonna get there.

“Mahirap lang kasi ngayon na may mga priorities din.

“Gusto ko matapos muna niya ang pag-aaral niya at ako gusto ko magtrabaho ulit.”

Bukod sa pag-aaral ni Daniel, may career din ito bilang international race car driver.

Naudlot naman ang showbiz career ni Sofia sa biglaan niyang pagdadalantao.

HOT STORIES

FOUR-YEAR RELATIONSHIP

Taliwas sa unang mga nasulat, apat na taon na pala ang relasyon nina Sofia at Daniel.

Paano ba sila nagkakilala?

Kuwento ni Sofia, “Kasi nagpunta kami sa BGC [Bonifacio Global City], kasi siyempre mga millennials, nagpa-party, ganyan.

“May biglang lumapit sa akin na lalaki, sabi niya, ‘Hi, what’s your name? My cousin finds you so pretty.’

“And I said, ‘I’m Sofia, and who’s your cousin?’

“And then, siya [Daniel] pala, siya pala yung nagpapatanong.

Continue reading below ↓

"Kumbaga, hindi siya marunong, sobrang torpe niya, e.

“So, nagpa-picture siya sa akin and inalok niya ako ng tubig.

“So, sabi ko, ‘Bakit ako aalukin ng tubig sa club?’

“So, sabi ko, ‘Hmp,’ cute naman siya.”

Noong naghiwalay sila noong gabing iyon, hiningi raw ni Daniel ang kanyang cellphone number at ibinigay naman ng dalaga.

“Tapos, tinext niya ako the next day. Ayun na, dun na nag-start," kwento ni Sofia.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sofia Andres on marrying boyfriend Daniel Miranda: "Ayaw namin ngayon na bigla na lang, ‘Sige na, ito na, pakasal na.’ Parang hindi pa namin naiisip. Pero we’re gonna get there."
PHOTO/S: Courtesy: @danielmirandaa_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results