Kevin Balot trends on Twitter after saying trans women should not join pageants for women

by Bernie V. Franco
Jun 24, 2020
Trans woman beauty queen Kevin Balot: "I believe us transgender women joining sa mga Miss Universe is not [about] equality anymore."
PHOTO/S: @kevinbalot on Instagram

Trending topic ang transgender beauty queen na si Kevin Balot sa Twitter ngayong Miyerkules, June 24.

Ito ay dahil sa pahayag niyang hindi siya pabor sa pagsali ng trans women sa beauty pageants para sa natural-born women.

Hindi raw ito patas, paniniwala ng kinoronahang Miss International Queen noong 2012.

Ang Miss International Queen ang itinuturing na most prestigious beauty pageant para sa mga trans women.

Ayon kay Kevin, ang gusto niya ay pantay na pagtingin sa pageants ng trans women at sa pageants ng natural-born women.

“We trans women always ask for equality.

“I believe us transgender women joining sa mga Miss Universe is not equality anymore,” pahayag niya sa isang Facebook Live interview, kasama ang kapwa beauty queens na sina Pia Wurtzbach, Bianca Guidotti, at Carla Lizardo.

Giit ni Kevin, “So, hindi lang ako sang-ayon sa ganung bagay kasi we have our own pageant, e.

“We have Miss International Queen pageant, which is the most prestigious transgender beauty pageant in the world.

Continue reading below ↓

“So, if us joining pageant ng mga babae, hindi na siya equality, parang we're asking too much na.”

Mas mahalaga raw para kay Kevin na mabigyan ng parehong importansiya ang platforms para sa trans women.

“Siguro kailangan namin ng mas marami pang suporta para mas ma-boost yung platform namin.

“Kasi platform niyo na ‘yan, e.

“Ang kailangan namin [is] your support.”

Continue reading below ↓

Sa pahayag ni Kevin, sumasalungat siya sa ipinaglalaban ng kapwa niya trans women na payagan ang mga katulad nila na lumahok sa prestigious beauty pageants para sa mga babae, kagaya ng Miss Universe.

Nilinaw ni Kevin na magiging masaya siya kung payagan ng organizers, gaya ng Binibining Pilipinas Charities, Inc., na sumali ang trans women.

“Not unless if organizers will allow, then we can join. But we [should] respect each other,” pahayag ni Kevin.

“Why not? I’ll be happy for my friends, community.”

Mas pabor daw siyang ihiwalay ang pageants para sa trans women, subalit may pantay na tingin sa pageants ng natural-born women.

Noong 2019, gumawa ng kasaysayan ang Miss Universe Organization nang payagan ang trans woman na si Angela Ponce ng Spain na sumali sa Miss Universe.

Ang transgender ay tumutukoy sa mga taong ang gender identity o gender expression ay kabaliktaran sa sex assigned at birth.

Samakatuwid, ang transgender woman o trans woman ay “woman who was assigned male at birth.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

PIA SURPRISED BY KEVIN’S STAND

Ikinagulat naman ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang pananaw ni Kevin.

Suportado ni Pia ang pagsali ng trans women sa Miss Universe pageant dahil alam niyang pinapayagan ito ng organisasyon.

Gayunpaman, nakikita raw niya ang pinanggagalingan ni Kevin na bigyan ng parehong pagpapahalaga ang trans women beauty pageants.

Sabi ni Pia, “Bakit hindi natin i-elevate yung mga pageants ng tulad ng Miss International Queen para magpantay-pantay na silang lahat?

“Sa pagkakaalam ko, Miss Universe allows [trans women].

"So, sa akin, if they allow, sino ba naman tayo para magreklamo pa?

“Yung may-ari nga, pumapayag na.

“But then, with you, Kevin, you think dapat separate.

“Kunyari sa Miss Universe, tulad nila Miss Spain, yung mga sumikat na sumali na trans woman…

“Iba-iba din pala kayo ng stand tungkol dun.”

Katwiran naman ni Bianca Guidotti, Bb. Pilipinas-International 2014, hindi ang pagsali sa pageant o pagkakaroon ng korona ang sukatan ng pagkatao.

Continue reading below ↓

“Gusto ng trans women, transgender, let’s say Miss Universe, because they think the prestige is there, and somehow may konting validation as to who they are, parang as a woman?

“But a pageant shouldn’t validate you.

“It’s what I keep telling women who join pageants—a crown should not validate your worth, a crown doesn’t define you.

“It’s the other way around.

“You’re supposed to be the one doing that.”

Noong Mayo ay lumikha ng ingay ang Miss Universe Colombia franchise nang ianunsiyong requirement ang pagiging natural-born women para sumali sa kanilang national pageant.

Tumanggap ito ng pagkontra mula sa LGBTQIA (lesbian, gay, bisexual, transsexual, queer, intersex, asexual) community.

Diskriminasyon daw ito sa mga kabaro nila.

Sa Pilipinas naman, nabanggit ni Pia kamakailan sa isang Facebook Live na nakasaad sa requirement ng Binibining Pilipinas Organization na dapat ay natural-born women ang sasaling kandidata sa national pageant.

NETIZENS are divided

Hati ang opinyon ng netizens sa paniniwala ni Kevin.

Continue reading below ↓

Dismayado ang ibang miyembro ng LGBTQIA community sa kanyang naging pahayag.

Ang isa, tinawag pa siyang "traydor."

Habang ang iba naman ay sinabing hindi kinatawan ng kanilang komunidad si Kevin, kundi nagsasalita ito dahil siya ay “privileged.”

Giit nila, ang “trans woman” ay isang babae.

Sa kabilang banda, may mga sumasang-ayon din sa pananaw ni Kevin.

Narito ang ilan sa comments ng netizens:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Trans woman beauty queen Kevin Balot: "I believe us transgender women joining sa mga Miss Universe is not [about] equality anymore."
PHOTO/S: @kevinbalot on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results