Pia Wurtzbach, Bianca Guidotti, Carla Lizardo weigh in on stigma of plastic surgery in beauty pageants

by Bernie V. Franco
Jun 25, 2020
Beauty queens (L-R) Bianca Guidotti, Pia Wurtzbach, and Carla Lizardo discuss the stigma of beauty-pageant candidates going under the knife.
PHOTO/S: @bianca.guidotti, @piawurtzbach, and @carlajenina on Instagram

Hindi isyu kina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Bb. Pilipinas-International 2014 Bianca Guidotti, at Mutya ng Pilipinas Intercontinental 2010 Carla Lizardo ang plastic surgery sa beauty pageants.

Pero naniniwala rin silang mas malaki ang stigma pagdating sa mga babaeng nagpaparetoke.

Natalakay ang isyung ito sa Queentuhan Facebook Live noong Martes, June 23.

Ito ay matapos pag-usapan kung dapat bang payagan ang transgender women na sumali sa beauty pageants kagaya ng Miss Universe.

Masalimuot na usapin ito dahil ipinaglalaban ng trans women na kilalanin sila bilang mga babae.

Pero para sa mga kontra, hindi ito dapat payagan dahil hindi natural-born women ang mga trans women.

Sa gitna ng kanilang diskusyon, binanggit ni Bianca ang obserbasyon niya sa isyu ng "fairness" sa pagpaparetoke ng trans women kumpara sa pagpaparetoke ng mga tunay na babae.

Sa transitioning ng trans woman, sumasailalim ito sa medical procedures para magmukhang babae.

Ang transitioning ay proseso kung saan binabago ng isang transgender person ang kanyang pisikal na aspeto "so that you become the gender you feel on the inside.”

Continue reading below ↓

Para magawa ito, kalimitan ay sumailalim sa “medical procedure” ang transgender.

Pero iba raw kasi ang dating kapag nagparetoke ang isang tunay na babae.

Sa beauty pageants, kung saan big deal ang hitsura, binabansagang “retokada” o “hindi natural” ang kandidata kapag ito ay “nagpaayos.”

Mas mabigat daw ang paghuhusga sa kandidatang nagpabago ng hitsura sa pamamagitan ng cosmetic surgery.

Paliwanag ni Bianca, "It’s just that, in the process kasi of transitioning, accepted na, like, you guys, you have to have surgeries to make your face a bit more feminine, make your bodies more… basically, to bring out the real you, inside-outside.

“The natural-born women, the stigma behind getting surgeries is much greater.

“I guess, yun lang siguro yung konting issue na nakikita ko in terms of fairness of trans women joining a contest of natural-born women.

“Mas mabigat yung stigma sa natural-born woman na magpaiba ng ilong.”

Kung tutuusin, pareho lang naman daw ang intensiyon kung bakit nagpaparetoke ang babae at trans woman.

Continue reading below ↓

“Women also wanna express who they think they are on the inside by using plastic surgery as well," katuwiran ni Bianca.

HOT STORIES

THE STIGMA OF GOING UNDER THE KNIFE

Sabi naman ni Pia Wurtzbach, kahit malaki ang kagustuhan ng kandidata na magparetoke, nahihirapan siyang ituloy dahil natatakot sa sasabihin ng iba.

Paliwanag ng ikatlong Pinay Miss Universe, “There is a difference between going under the knife and the stigma.

“So, meron yung feeling na you have to do it.

"But also, 'Will I be judged for this? Are people gonna bash me?' Di ba?

"Magkaiba kasi yun.

“So, baka naman feeling mo, ito talaga yung gusto mong i-express, ito talaga ako…

“Pero baka naman… iba pa yung hurdle na yun sa another hurdle, ‘What other people think of me?’”

Continue reading below ↓

Sa panig naman ni Carla Lizardo, karapatan daw ng isang tao kung may gusto siyang ipabago sa kanyang hitsura.

Aniya, “Sa iyo naman yun kung mapi-pressure ka to get surgery or not.

“I would think that, regardless who you’re going up against [in a pageant], if you’re not happy with yourself, if there is something you wanna change, that’s fine.

“And I think, if you feel that way about yourself, regardless if there is a trans woman joining, if it’s other women that you feel [are] more beautiful than you, then that’s something that you’ll really be more inclined to do.

“I don’t think just because, ‘Ay, there’s a trans woman here, I need to get surgery.'

“Parang sa sarili mo yun, e, kung confident ka na, it doesn’t matter.”

Samantala, pabor naman ang tatlong former beauty queens na sumali sa prestigious pageants ang trans women.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beauty queens (L-R) Bianca Guidotti, Pia Wurtzbach, and Carla Lizardo discuss the stigma of beauty-pageant candidates going under the knife.
PHOTO/S: @bianca.guidotti, @piawurtzbach, and @carlajenina on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results