Detach Video
Remember when Sofia Andres was called out by netizens because of her facial reactions to Diego Loyzaga?
Jun 25, 2020

Nung 2017, maraming fans ni Diego Loyzaga ang hindi nagustuhan ang ginawa ng ka-love team nitong si Sofia Andres sa isang interview.

Naganap ang interview pagkatapos ng general press conference para sa ABS-CBN series na Pusong Ligaw, ang show na maglo-launch officially sa love team nina Sofia at Diego.

Makikita sa video sa itaas ang tila hindi kumportableng reaksyon ng mukha ni Sofia habang sinasagot ang tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) contributing reporter na si Melba Llanera.

Ilan sa mga comment ng fans tungkol kay Sofia:

"Yung facial expression ni sofia napaka plastik at mukhang irritated [crying while laughing emoji] fake lols."

Sofia Andres YouTube comment

"Ta---na si Sofia hahaha sarap piktasan sa Mata"

Sofia Andres YouTube comment

"lacing ba itong c sofia? mukang ewan eii.mukang plastik.at di totoo cinasabi...inaabangan ku pa nmn cla sa pusong ligaw."

Sofia Andres YouTube comment

"diego loyzaga deserve other loveteam.. as in nakakairita expression nitong si sofia na to as if napaka sikat na nya? change your manners.. nagsisimula ka pa lang.. ang dami pwede ipalit sayo.. mas maganda.. mas magaling.. mas fresh at mas maayos makitungo sa public"

Sofia Andres YouTube comment

Fast-forward sa 2020, tila naliwanagan ang fans nang ibinunyag ni Sofia kamakailan na isa na siyang ganap na ina sa anak nila ng boyfriend na si Daniel Miranda.

Si Daniel ay ang Cebuano racer na galing sa mayamang angkan ng Lhuillier at Miranda.

Rumored-boyfriend ni Sofia si Daniel nung 2018, pero sa interview sa kanya ni MJ Felipe ng ABS-CBN, inamin ng aktres na apat na taon na silang magkasintahan ni Daniel.

Kung bibilangin ang mga taon pabalik mula 2020, mahihinuha na magkasintahan na sina Sofia at Daniel nung 2016 pa lang.

Kaya nga tuloy tila naliwanagan na ang fans sa video ng 2017 interview nina Sofia at Diego.

Alam na raw nila ang dahilan sa likod ng mga reaksyon ng mukha ni Sofia tuwing sinasakyan ng ka-love team niyang si Diego ang love angle questions ng reporters.

Komento na tuloy ng fans:

"By this time, Daniel and Sofia were together already"

Sofia Andres YouTube comment

"Sabi, 4 yrs na sila ni Daniel? Kaya pala ganyan yung face niya lmao now a understand. She even not looking directly to his eye."

Sofia Andres YouTube comment

"Magboyfriend na sila ni daniel dito kc 4years na cla ni daniel dn 3yrs.ago na ito..so her face tells it all.. [smiley emoji]"

Sofia Andres YouTube comment

"Mystery sakin ito dati eh kasi mabait talaga si Sofia, super humble sya at may time talaga na may problem sa facial expressions niya, ang awkward niya minsan sa interview. Hinananp ko talaga ito at nagcompute bigla hahaha, sila na ni Daniel Miranda dito"

Sofia Andres YouTube comment

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results