Clint Bondad returns to Instagram; retains photos of ex-girlfriend Catriona Gray

by Bernie V. Franco
Jun 25, 2020
Clint bondad catriona gray breakup
Filipino-German model-actor Clint Bondad retains photos of former girlfriend Catriona Gray on his Instagram account.
PHOTO/S: @clintbondad on Instagram

Nagparamdam na si Clint Bondad, 26, matapos ang apat na buwang pananahimik sa social media.

Malinaw ang mensaheng ipinaparating ng Filipino-German model-turned-actor: positibo ang kanyang mood.

Si Clint ay ex-boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, 26.

Kung pagbabasehan ang larawang ipinost ni Clint sa Instagram nitong Miyerkules ng gabi, June 24, malinaw na may reference ito sa pag-ibig.

Makikita sa larawan ang dalawang asong nagpapahinga at nagnu-nose-to-nose.

May inset ito GIF (graphics interchange format) ng dalawang babaeng masayang nagyayakapan, at isang malaking smiling face emoji with three hearts.

Ayon sa blog.emojiology.org, ang emoji na ito “commonly conveys warm and fuzzy feelings, especially feeling loved or being in love with someone or something.”

Maikling caption dito ni Clint: “MOOD”

Bago ito, apat na buwan mula nang huli siyang mag-post sa Instagram.

Continue reading below ↓

Nang ianunsiyo ni Sam MIlby, 36, ang tungkol sa relasyon nila ni Catriona noong Mayo, marami ang nag-abang sa magiging reaksiyon ni Clint.

Pero nanatiling tahimik si Clint.

Kaya naman kahit ang isang poser niya sa Twitter ay tinangkilik ng netizens na inakala noong una na account ni Clint.

Nag-tweet pa noon ang poser na buburahin ang mga larawan ni Catriona sa Instagram.

HOT STORIES

CLINT RETAINS MEMORIES WITH CATRIONA

Kapansin-pansin na hindi pa rin binubura ni Clint ang mga larawan ni Catriona sa kanyang Instagram feed.

Narito ang screenshot ng Instagram account ni Clint kung saan makikita pa ang mga larawan ng dating girlfriend:

clint bondad catriona gray

Continue reading below ↓

Kung titingnan ang kanyang account, ang pinakahuling post ni Clint ay noon pang February 23, 2020.

Ito ay larawan niya na tila nasa isang bar, kung saan humihithit siya ng shisha at umiinom.

Napansin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na may tatlong latest photos na binura si Clint.

Ipinost niya ito noong February 26, 27, at 29.

Ang February 26 post ay ang pagwo-workout niya outdoors.

Ang February 27 post naman ay selfie niya at nakalagay sa caption na ayaw niyang matulog.

Ang February 29 post naman ay may larawan ng platter na may coffee beans, strawberries, at baso na may lamang chocolate.

Sa pangalawang random photo ay mga nakabukas na libro, at tila may pinapanood si Clint sa telebisyon.

Mababasa sa isang nakabukas na libro, "Von der Kaffeekirsche zum Kaffee," na ang translation sa English ay “from coffee cherry to coffee.”

Sa caption, binanggit ni Clint na nag-aaral siya at inabot na ng madaling-araw.

Continue reading below ↓

Sa isang 2018 post ni Clint, ikinuwento niya ang pagbagsak ng kanyang katawan dahil sa pagsasabay sa showbiz at pagiging hands-on sa kanyang mga negosyo.

Consistent ang buradong February 29 post ni Clint sa kanyang previous post, kung saan sinabi niyang wala siyang sinasayang na oras at panahon para sa pag-aaral at pagkayod sa pagnanais na umasenso.

Continue reading below ↓

Samantala, makikita pa rin sa kanyang Facebook page ang tatlong binurang Instagram posts.

CLINT, CATRIONA, SAM

Kinumpirma ni Catriona Gray ang paghihiwalay nila ni Clint sa episode ng ABS-CBN late-night talk show na Tonight With Boy Abunda noong February 23, 2019.

Anim na taon ang itinagal ng kanilang relasyon.

Ilang buwan pa lang noon ang nakalilipas matapos makoronahang Miss Universe si Catriona.

Inamin ni Catriona na bago pa man siya lumipad sa Thailand para sumabak sa international pageant, nagkakaproblema na sila ni Clint.

Sa kabila ng pagkakalabuan nila, lumipad pa rin si Clint sa Thailand para suportahan si Catriona.

Sa dahilan naman ng kanilang paghihiwalay, sinabi ng beauty queen na na-“outgrow” na nila ang isa’t isa sa tagal ng kanilang pagsasama.

Lahad ni Catriona: “It’s when you’re together for so long and you start off from a very young age.

"You grow—whether that be in your personal, or in your career, or whatever—sometimes you just kind of… you outgrow each other, in a way.”

Continue reading below ↓

Ilang araw matapos ang pag-amin ni Catriona, nag-post sa Instagram si Clint ng mahabang mensahe tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Masyado raw niyang minahal si Catriona at umikot ang kanyang mundo sa girlfriend, kaya nakalimutan daw niya ang sarili.

Inako rin ni Clint na siya ang may kasalanan sa kanilang paghihiwalay.

Inanunsiyo naman ni Sam sa Instagram ang relasyon nila ni Catriona noong May 23, 2020, mismong 36th birthday ng aktor.

January 2019 nang unang maiugnay si Sam kay Catriona.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Filipino-German model-actor Clint Bondad retains photos of former girlfriend Catriona Gray on his Instagram account.
PHOTO/S: @clintbondad on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results