Ronnie Alonte, Loisa Andalio hint at building a future together

by Rachelle Siazon
Jun 25, 2020
Ronnie Alonte posts a cryptic photo (right) with girlfriend Loisa Andalio taken at a vacant lot right beside a residential property that the Kapamilya actor seems to own.
PHOTO/S: @iamandalioloisa / @iamr2alonte Instagram

Agaw-pansin ang biglaang pagbura ni Ronnie Alonte ng mahigit isang libo niyang posts sa Instagram.

Tanging naiwan ay isang recent photo nila ng girlfriend niyang si Loisa Andalio at isang solo picture ng binata.

Noon lamang June 20 ipinost ni Ronnie ang picture na kuha sa isang bakanteng lote na may mga talahib at puno ng malunggay.

Nakatalikod ang magkasintahan habang magkahawak-kamay sa gitna ng lote, at sa bandang unahan nila ay may makikitang bahay.

Sa caption, may house emoji na inilagay si Ronnie.

Continue reading below ↓

Noong June 22, ibinahagi ni Ronnie ang kanyang solo picture na kuha sa bakuran ng isang residential property na tila pag-aari niya.


May kahawig na litrato ang kapatid ni Ronnie na kuha sa parehong lugar, at ang nakalagay na location ay "Biñan, Laguna."

Hindi malinaw kung hiwalay ang property na iyon sa bahay ng pamilya Alonte sa Biñan.

Continue reading below ↓

LOISA'S REACTION

Hindi naman nakaligtas sa mapanuring netizens ang cryptic posts ni Ronnie sa Instagram.

Lalo na't nag-comment si Loisa ng emojis ng isang old man at old woman, na tila nagsasabing nais nilang tumanda nang magkasama.

Pati ang kaibigang ni Ronnie na si Jon Lucas—dating Hashtag member na ngayon ay Kapuso artist na—ay hindi napigilang tuksuhin ang magkasintahan.

Continue reading below ↓

"Yung nagwoworkout girlfriend mo tapos sinundo mo' kahit nakatalikod ramdam ko e," komento ni Jon, na naglagay rin ng laughing with tears at hands up emojis.

Nagpahiwatig din si Jon na hot couple sina Ronnie at Loisa. Pero biro pa rin ni Jon, ang kanyang toddler na anak ang nag-comment ng burning fire emoji.

Continue reading below ↓

Natawa lang naman si Ronnie.

Ngayong umaga ng Huwebes, June 25, nag-post si Loisa sa Instagram Story ng isang video clip na may drone shot ng isang bahay na napapaligiran ng mayayabong na puno.

May written text ito na, "Hilig ko manood ng mga bahay bahay sa umaga."

Continue reading below ↓

BONDING DURING QUARANTINE

Malinaw na going strong ang relasyon nina Ronnie at Loisa, na mag-aapat na taong magkasintahan sa November 27.

Sa hiwalay na Instagram post ni Loisa, ipinakita niya ang litrato nila ni Ronnie na kuha sa tapat ng isang tindahan ng prutas.

"Buhay probinsya," simpleng caption ng Kapamilya actress noong Martes, June 23.

Continue reading below ↓

May ilan pang pagkakataong nagkasama ang magkasintahan kahit noong ECQ period.

Noong March 21, nag-post si Loisa ng litrato nila ni Ronnie na nagtatampisaw sa swimming pool sa bahay ng pamilya Alonte sa Biñan.

Noong April, kasali rin si Loisa sa music video na gawa ni Ronnie at ng mga kapatid ng 23-year-old actor.

Continue reading below ↓

Hindi kaila sa fans ng reel-and-real-life sweethearts na bukas si Ronnie sa pagsasabi kung gaano niya kamahal si Loisa.

Tinawag pa ni Ronnie si Loisa na "mi futura esposa" o "my future wife" nang magdiwang ang aktres ng 21st birthday noong April 21.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ronnie Alonte posts a cryptic photo (right) with girlfriend Loisa Andalio taken at a vacant lot right beside a residential property that the Kapamilya actor seems to own.
PHOTO/S: @iamandalioloisa / @iamr2alonte Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results