Glaiza de Castro retrieves Instagram, Facebook accounts from hacker

by Jet Hitosis
Jun 25, 2020
Actress Glaiza de Castro on how to protect social media accounts from being hacked: “Grabe, sa panahon ngayon hindi lang talaga pisikal ang krimen. Kaya ingat tayo sa mga na ki click natin, mga natatanggap nating emails or links at mga binibigay nating impormasyon online."
PHOTO/S: @glaizaredux on Instagram

Nabawi ng actress-singer na si Glaiza de Castro ang kanyang Instagram at Facebook accounts mula sa isang foreign hacker.

Ito ang masayang ibinalita ng 32-year-old Kapuso actress sa kanyang followers sa Instagram at Twitter ngayong Huwebes ng umaga, June 25.

Nagbigay ng update si Glaiza matapos niyang alertuhin nitong Miyerkules ng gabi, June 24, ang kanyang Twitter followers tungkol sa pagkaka-hack ng kanyang Instagram account.

Bandang 6:47 ng gabi nitong Huwebes nang mag-tweet si Glaiza tungkol dito.

Nagpasaklolo ang aktres sa kanyang 778,000 Twitter followers kung ano ang dapat gawin upang mabawi ang Instagram account niya.

Ramdam ang pagkataranta sa tweet ni Glaiza (published as is):

“Na hack Instagram account ko. What to dooooooo wahhh”

Continue reading below ↓

May 1.1 million followers si Glaiza sa Instagram.

Kinumpirma ng ilang nagkomento na hindi nga raw ma-search sa Instagram ang account ng aktres.

Continue reading below ↓

Pinayuhan si Glaiza ng Twitter users na baguhin ang kanyang password.

Sinabihan din siyang i-report sa Instagram ang hacking.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

HACKER SET RANSOM AT $335

Sa update ni Glaiza, dakong 9:26 ng gabi, nagpasalamat siya sa tulong ng kanyang Twitter followers.

Nang mga oras na iyon, hindi pa rin nababawi ng aktres ang kanyang Instagram account.

Pinayuhan si Glaiza ng isa niyang Twitter follower na sakaling humingi ng ransom ang hacker ay huwag niyang papatulan ito.

Continue reading below ↓

Ayon sa Twitter user, modus ng hackers na mambiktima ng celebrities para maibenta ang social media accounts ng mga ito.

Mataas daw kasi ang bentahan ng accounts ng mga kilalang personalidad, ayon sa netizen.

Kasunod nito, ibinahagi ni Glaiza ang screenshot ng palitan nila ng email ng hacker.

Humihingi ng pera ang hacker kapalit ng pagbawi ng actress-singer sa kanyang Instagram account.

Continue reading below ↓

Sa wikang Filipino sinagot ni Glaiza ang dayuhang hacker.

Sagot ni Glaiza sa hacker: “Wala nga akong pera kuya. Kaloka ka mars.”

May netizen na nagtanong kung bakit walang pera ang aktres.

Reply ni Glaiza: “Walang taping eh lol”

Continue reading below ↓

Kalagitnaan ng March ngayong taon nang itinigil ang lahat ng taping at shooting bilang bahagi ng pagpapairal ng enhanced community quarantine (ECQ) kontra pandemic.

Sa update na ibinigay ng aktres sa isang Twitter user, sinabi niyang $335, o PHP16,763, ang hinihinging ransom ng hacker.

HOT STORIES

HACKER POSTS PHOTOS ON GLAIZA’S FACEBOOK

Nagpahayag ng pagkabahala si Glaiza nang sabihan siya ng netizens na nag-iiba-iba ang bilang ng posts at following sa hacked Instagram account ng aktres.

Continue reading below ↓

Ibig sabihin, binabawasan ng hacker ang mga posts ni Glaiza, gayundin ang mga Instagram pages na pina-follow niya.

Ang sumunod na ipinost ni Glaiza sa Twitter ay ang profile ng Instagram account niya na binago ng hacker.

Inoobliga ng hacker ang aktres na bayaran ang hinihinging ransom sa loob ng 15 minuto.

Continue reading below ↓

Pero nitong Huwebes ng umaga, inalerto ng fans si Glaiza na napakialaman na rin ng hacker maging ang Facebook account ng aktres.

Sunud-sunod ang post ng hacker ng mga litrato ng “Gorgeous Rose Garden” sa Facebook page ni Glaiza.

Continue reading below ↓

Pero mabilis na nabawi ni Glaiza ang kanyang Facebook account.

Hindi raw kasi napalitan ng hacker ang password nito, kaya nakapasok pa ang aktres sa sariling Facebook account.

GLAIZA THANKS NETIZENS FOR HELPING

Bago magtanghali ngayong Huwebes, ibinalita ni Glaiza na nabawi na rin niya ang kanyang Instagram account.

Ang pamunuan ng Facebook ang tumulong kay Glaiza upang maibalik ang kanyang social media accounts.

Continue reading below ↓

Nagpasalamat ang aktres sa lahat ng netizens na tumulong sa kanya.

Nag-sorry rin si Glaiza sa mga nataranta at napuyat nang dahil sa kanya.

Saad sa Instagram post ni Glaiza: “Maraming salamat sa mga nag abot ng concern, tumulong at nag dasal.

“Sorry din sa mga nabahala at di nakatulog.”

Pinayuhan ng aktres ang kanyang social media followers na huwag basta iki-click ang mga natatanggap na emails, at links sa mga ito, upang hindi mabiktima ng hacking.

“Grabe, sa panahon ngayon hindi lang talaga pisikal ang krimen, at mas nakakatakot, hindi mo nakikita ang mukha ng kalaban.

“Kaya ingat tayo sa mga na ki click natin, mga natatanggap nating emails or links at mga binibigay nating impormasyon online.

“Salamat friends at salamat Facebook Team, saludo ako sa inyo!”

Continue reading below ↓

Hindi si Glaiza ang unang celebrity na na-hack ang social media accounts.

Noong nakaraang taon lang, nabiktima rin ng mga dayuhang hackers sina Kylie Padilla, Alex Gonzaga, at Kris Bernal.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Glaiza de Castro on how to protect social media accounts from being hacked: “Grabe, sa panahon ngayon hindi lang talaga pisikal ang krimen. Kaya ingat tayo sa mga na ki click natin, mga natatanggap nating emails or links at mga binibigay nating impormasyon online."
PHOTO/S: @glaizaredux on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results