Angel Locsin slimmer in latest post; remains silent on body-shaming issue

Jun 25, 2020
angel locsin body shaming
In a photo (left) she posted this Thursday, June 25, actress Angel Locsin appears much slimmer compared to photos of her (right) that went viral last week.
PHOTO/S: Instagram (CTTO) / Maubanin Ako on Facebook

Kapansin-pansing mas payat ang pangangatawan ni Angel Locsin, 35, sa larawang ipinost niya sa Instagram ngayong hapon ng Huwebes, June 25.

Nakasuot ang aktres ng ternong itim na blouse at slacks, at may suot din siyang face mask.

Kitang-kita ang pagkakaiba ng kanyang pigura kumpara sa mga larawan niyang nag-viral noong June 18.

Ang undated viral photos ni Angel last week ay kinunan nang magpunta siya sa Mauban, Quezon, para sa taping ng kanyang public-service program na IbaYan, na napapanood sa Kapamilya Channel.

Base sa caption ng kanyang bagong post, nasa field work uli si Angel para sa episode ng IbaYan, na idinidirek ng kanyang fiancé na si Neil Arce.

Continue reading below ↓

Sunud-sunod ang sagot ni Angel sa mga well-wishers sa kanyang post, kagaya ng singer na si Jamie Rivera at ng direktor na si Mae Cruz:

Continue reading below ↓

HOT STORIES

ANGEL NO COMMENT ON BODY-SHAMING ISSUE

Wala namang reaksiyon si Angel pagdating sa body shaming sa kanya nitong mga nakalipas na araw.

Kung ano ang ingay ng isyu ay siya namang tahimik ni Angel.

Malinaw ang pahiwatig ng aktres na ayaw niyang patulan ang isyu.

Imbes ay itinutuon ang kanyang atensiyon sa pagtulong at sa pagtrabaho.

Samantala, may makahulugang quote na ipinost si Angel sa kanyang Instagram Story noong June 23, Martes.

Ang mensahe ay may kinalaman sa crab mentality.

Ito ang quote: “Blowing out someone else’s candle doesn’t make yours shine any brighter.”

Continue reading below ↓

CELEBRITIES RALLY BEHIND ANGEL

Hindi lahat ay batikos kay Angel nang pag-usapan ang kanyang viral photos.

Sa katunayan, mas nangibabaw ang mga papuri sa aktres, na hindi humihinto sa pagtulong kahit may pandemya.

Mensahe ng kanyang mga tagapagtanggol, kagandahan lang ang nakikita nila sa aktres.

Mas nangingibabaw raw ang mabuting kalooban ni Angel, at wala na itong kailangang patunayan pa.

Ito rin ang nakita sa kanya ng ilang kapwa niya artista at performers na nagpahayag ng paghanga kay Angel.

Isa na rito ang Kapuso actress na si Kylie Padilla.

Nag-post ang isang Instagram entertainment page ng ganito: “Angel Locsin has nothin to prove. She is two-time FHM Philippines’ sexiest woman and our real life Darna.”

Komento ni Kylie: “Beautiful inside and out.”

Continue reading below ↓

Ganito rin ang tweet ng singer-actor na si Bryan Termulo.

Tinanong ng netizen ang singer kung ano ang masasabi niya sa “pag taba” ni Angel.

Sagot ni Bryan: “Mas tinitingnan ko ang taba ng puso nya sa pagtulong [smile emoticon] hindi ang physical aspect.

Maanghang din ang komento ng "Tawag Ng Tanghalan" All Star Grand Resbak contender na si Sofronio Vasquez.

Tweet nito: “Angel Locsin is still her. Chunky or not, maganda sya inside and out. [raising hands emoji] Fuck Bashers! she don’t deserve it.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Read More Stories About
Angel Locsin, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In a photo (left) she posted this Thursday, June 25, actress Angel Locsin appears much slimmer compared to photos of her (right) that went viral last week.
PHOTO/S: Instagram (CTTO) / Maubanin Ako on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results