Jon Lucas tests negative for COVID-19 three days after testing positive

by Arniel C. Serato
Jun 25, 2020
Jon Lucas salutes all medical frontliners at New Era General Hospital: "Hindi sila takot! Hindi sila lumalayo sa mga pasyente, matibay ang pagtitiwala nila sa Diyos."
PHOTO/S: Courtesy: Aljhon Lucas on Facebook

Nagnegatibo sa RT-PCR test para sa COVID-19 ang Kapuso actor na si Jon Lucas, 24.

Ang reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test ang itinuturing na "gold standard" pagdating sa pagsusuri kung positibo o negatibo ang isang tao sa COVID-19.

Sa kanyang Facebook post ngayong hapon ng Huwebes, June 25, ibinahagi ni Jon ang kanyang kuwento tungkol sa ilang araw na pamamalagi sa New Era General Hospital (NEGH), sa Quezon City.

Nagdesisyon daw siyang magpa-admit sa ospital matapos magpositibo sa COVID-19 gamit ang "rapid antibody test," kunsaan kinukunan ng blood sample ang pasyente upang masuri ang antibodies nito.

Pero maraming "false positives" sa ganitong uri ng testing, kaya inirerekomenda ng mga eksperto na sumailalim sa RT-PCR confirmatory test para matiyak kung infected nga ba ng virus ang isang pasyente.

Lahad ni Jon, “3 days ako nag stay sa NEGH. Kasi doon sa rapidtest ko nag positive ako.

“Opo alam naman natin po at ng karamihan na hindi siya accurate para madetect yung virus.

Continue reading below ↓

“Minsan daw kahit negative ka pwede ka mag positive.

“Minsan naman daw positive ka pero negative ang lumalabas.

“Ang lumabas don sa result ko '29 days onwards recovery; parang papagaling na yung infection sa katawan ko.

“Meaning parang dumaan lang siya.”

"PAST INFECTION"

Noong Lunes, June 22, lumabas na na-infect si Jon base sa resulta ng ginawang pagsusuri sa kanya.

Nakaranas din daw siya ng mga sintomas ng COVID-19.

“Pero aaminin ko may mga times na inuubo ubo ako at nilalagnat.

“Pero dahil nga marami rin tayo ganap kahit nasa bahay lang iniisip ko nalang na baka pagod lang ako.

“Tsaka syempre nawawala wala po agad dahil nga tayo ay may gabi gabing pagpapanata sa Panginoong Diyos.

“Ayun hanggang nung lunes nagpatest na ako sa NEGH yun nga ang lumabas may past infection ako.

“Kaya naadmit ako sa NEGH hanggang sa dumating yung result ng Swabtest ko. (Mas kayang madetect ng swab si Covid) 2-3 days bago lumabas yung resulta.

Continue reading below ↓

“Habang naghihintay ng resulta, doon sa NEGH lahat ng nakakasalumuha ko don lahat may COVID. kasi di lang sila sa Rapid nag positive, kundi pati sa swab test nakakailang test na sila laging positive ang lumalabas.

“Ibig sabihin po meron talaga silang mga karamdaman pong taglay.”

“HUWAG KANG MATAKOT”

Si Jon ay miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC).

Kaya karamihan sa mga miyembro ng medical staff sa NEGH ay mga kasapi ng INC.

Paglalahad pa ng Descendants of the Sun actor, “Ayun na nga so 3 days kami magkakasama don, syempre bilang ako bago lang don diko alam anong klaseng sakit ba to.

“Diba pag nanonood ka sa social media talagang matatakot ka.

“Kasi nga ang dami na rin talagang pinatay ng sakit na ito.”

Pero imbes na matakot at mag-alala, malaking bagay raw para sa mga pasyente ng ospital ang mga pangaral ng Diyos bilang gabay sa paglaban sa sakit.

Continue reading below ↓

Saad ni Jon, “Pero doon sa NEGH bago ka pa man din maadmit, paulit-ulit ng ipapaunawa sa'yo ng mga Ministro na nandon, ang paulit ulit din na binanggit ng Diyos para sa mga lingkod niya na 'Huwag kang matakot'.

“Kahit yan lang daw baunin mo sa araw araw hindi ka na raw mawawalan ng pag-asa.

“Eh kaso meron pang mga kasunod na pangako ang Diyos eh dba po, tulad ng 'Hindi kita pababayaan' 'Pinili kita' 'Sa panahon ng pagsubok bibigyan kita ng lakas para mapagtagumpayan mo ito'.

“Bat nga naman tayo matatakot? Opo totoo po na pinag-iingat tayo ng Pamamahala para makaiwas tayo sa gantong karamdaman.

“Kasi nga hindi natin alam kung sino ang pwede nating mahawa.

“Baka mamaya mga lolo, lola, tatay, at nanay natin na mga may ibang sakit na talaga at may edad na.

“Sila ang mahihirapan ng lubos sa karamdamang ito.

“Sa atin naman pong mga kabataan at medyo may lakas pa.

Continue reading below ↓

“Ang hiling lang talaga satin ay mag-ingat, Sumunod, magpasakop at pangalagaan pa ang sarili.”

HOT STORIES

MULTIVITAMINS

Sa ngayon, nasa 33,069 na ang COVID-19 reported cases sa Pilipinas.

8,910 na ang mga gumaling, at 1,212 ang namatay.

Wala pang vaccine o gamot sa COVID-19.

Pero natuklasan daw ni Jon na “multivitamins” lamang ang tini-take ng maraming COVID-19 patients sa NEGH.

Ito ay bukod pa sa taimtim nilang panalangin sa Diyos.

Sabi niya, “At diba naririnig nating lahat na sa NEGH ay sobrang daming gumagaling na COVID patient.

“Totoo po yon! Hindi po dahil sa magagaling ang mga Doctor don at mga nurses.

“Kundi dahil pinanghahawakan talaga nila ang mga salita ng Diyos na nakasulat sa bibliya.

“Halimbawa yung pagpapahid ng langis, utos ng Ama na kapag may karamdaman bago man dalhin sa hospital magpatawag muna ng matatanda sa Iglesia para mapahiran ng langis at maipanalangin sa Diyos.

“Everyday tuwing umaga, ginagawa yon don sa NEGH. Kahit hindi kapatid napapahiran at naipapanalangin.

Continue reading below ↓

“Kababayan man nating Katoliko, Muslim, Protestante andon lahat at lahat sila ay inaalagaang mabuti at sa awa ng Diyos ay marami sakanila ang gumagaling sa karamdaman.

“At hanap ako ng hanap kung anong ipapainom saking gamot don. Aba yung mga kasama ko don 14 days 19 days ng andon ang gamot lang pala eh MULTIVITAMINS na nabibili sa botika.”

JON TESTS NEGATIVE, OTHER PATIENTS RECOVERED

Mahaba ang post ni Jon, kaya siya na mismo ang tumapos sa kanyang nakatutuwang balita.

Aniya, “Ayun tapusin ko na, sa awa at pagmamahal ng Diyos.

“Yung mga kasamahan nating 14 days 19 days ng andon.

“Kasama ko sila kagabi na natanggap ang resulta na ako po ay "NEGATIVE" sila naman po ay "RECOVERED" na mula sa sakit na yan.

“Hindi vitamins ang nagpagaling sa amin!

“Kundi ang Panginoong Diyos na pinakamapangyarihan sa Lahat!

“Kaya rin siguro ako napunta don para makita ko mismo kung ano ba talaga ang sitwasyon sa loob ng Hospital na may mga COVID patients.”

Continue reading below ↓

Sinasaluduhan din ni Jon ang mga frontliners na hindi nagpatinag sa paglaban sa nakakatakot na sakit.

“Para na rin maibahagi sainyong lahat ang pagtulong at pagmamahal ng mga Doctors, Nurses, medical staffs, mga Ministro at manggagawa natin sa mga kababayan nating naapektuhan ng COVID.

“Hindi sila takot! Hindi sila lumalayo sa mga pasyente, matibay ang pagtitiwala nila sa Diyos.

“At naniniwala rin ako na kaya tayo dumaraan sa gantong pagsubok ay para magliwanag tayo sa madilim na sanlibutan! Wala kang dapat katakutan Kapatid! Diyos ang nangako sa atin. Hindi niya tayo pababayaan kahit ano pang suliranin at pagsubok ang ating masagupa.

“Andito na ako sa bahay namin. Kasama ang mga mahal ko sa buhay. At muli, maisasagawa namin ang sama samang pagsamba sa ating Panginoong Diyos. Ito ang kwento ko. Sa Diyos ang Kapurihan!”

Caption niya sa isang larawan na in-upload niya: “YES PO! NEGATIVE PO AKO!

“Wag sanang matakot yung mga nakasama at nakasalumuha ko nung mga nakaraan. Basta mag-ingat lang po kayo palagi!!”

Continue reading below ↓

Ilan sa mga celebrity na nagpositibo ng COVID-19 ay sina Iza Calzado, Sylvia Sanchez at asawa nitong si Art Atayde, Christopher de Leon,Niña Jose at asawa nitong si Mayor Cezar Quiambao, at ang broadcaster na si Howie Severino.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jon Lucas salutes all medical frontliners at New Era General Hospital: "Hindi sila takot! Hindi sila lumalayo sa mga pasyente, matibay ang pagtitiwala nila sa Diyos."
PHOTO/S: Courtesy: Aljhon Lucas on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results