Mika, Angelika dela Cruz ask for prayers for sick father

by Bernie V. Franco
Jun 25, 2020
Sisters Mika and Angelika dela Cruz take to Instagram to ask for prayers for their ailing father, Ernie dela Cruz (right photo, 2nd from left). Right photo: (L-R) Angelika, Ernie, their mother, Italian-Austrian Angelica Egger, and Mika.
PHOTO/S: @angelikadelacruz on Instagram

“Please pray for my dad everyone.”

Ito ang pakiusap ni Mika dela Cruz, 21, para sa amang maysakit, si Ernie dela Cruz.

Madamdamin ang mensahe ng GMA-7 actress sa kanyang Instagram post noong June 21, Linggo, Father’s Day.

Base sa caption ng dalaga ay dinidibdib niya ang pagkakaroon ng biglaang karamdaman ng ama.

Bungad ni Mika: “daddy.. [broken heart emoji] words aren’t enough to express how sad, scared and broken i am right now..”

Nabanggit din ni Mika na hindi sila handa sa pagkakasakit ng ama.

“sobrang sakit makita yung kalagayan mo ngayon.

“nabigla tayong lahat..

“hindi tayo handa.”

Mas napagtanto raw ni Mika kung gaano niya kamahal ang ama.

“i have now realized how precious each moment is and daddy i will forever be grateful for you. you saved me..

“you accepted me with all your heart.”

Pangako niya, titibayan niya ang loob sa hamong ito.

“kaya daddy lalakasan ko loob ko, para sayo kasi we still need you.

Continue reading below ↓

“I STILL NEED YOU.

“pinasa na kita kay LORD sabi ko siya na ang bahala.

“mahal ka niya.

“mahal kita.

“lalaban tayo.
“please pray for my dad everyone.. please please please”

Kalakip ng post ni Mika ay ang throwback photo nila na ama nang maliit pa lang ang aktres.

Hindi binanggit ni Mika kung ano ang karamdaman ng kanyang ama.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

ANGELIKA posts PRAYER FOR HER FATHER

Nag-post naman ng dasal para sa ama ang nakatatandang kapatid ni Mika na si Angelika dela Cruz, 38.

Sa mensahe ng incumbent barangay captain ng Longos, Malabon, pinapurihan nito ang ama na isang “good friend, a good brother, a good son, he is a good husband, and a good father.”

Madamdamin pang panalangin ni Angelika: “Every child needs a Father and I need mine.

“Lord we are nothing without you, someday we will all rest in heaven with you but Lord God I’m begging you please give my Father long life and heal him.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sisters Mika and Angelika dela Cruz take to Instagram to ask for prayers for their ailing father, Ernie dela Cruz (right photo, 2nd from left). Right photo: (L-R) Angelika, Ernie, their mother, Italian-Austrian Angelica Egger, and Mika.
PHOTO/S: @angelikadelacruz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results